Chapter 2

1 2 0
                                    

Simula

Wala pa si Ate Khailee sa bahay. College si ate at tinatake niya ang course na accountancy. She is good in Math kaya bagay sa kaniya ang course na iyon.

Me? I don't have plans. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong kunin. Hindi ko alam kung saan ba ako nababagay.

My parents died in an accident. Car accident. Hindi ko alam ang buong detalye. Hindi rin naman naikukwento sa akin ni Ate Khailee pero alam kong alam niya, pero itinatago lang niya dahil alam niyang kapag nalaman ko ay ikalulungkot ko. So, she keep it as a secret.

Past is past. We should forget it and learn to live in the present.

"Let's eat." umupo sa harapan ko si Ate. Nilalagyan niya ako ng pagkain. Minsan napapaisip ako. Hindi ba napapagod na alagaan ako ni Ate? Hindi ba sya napapagod na pagsilbihan ako ng ganito? Tbh, kaya ko naman alagaan ang sarili ko pero laging inaako ni Ate ang mga iyon. Ako na ang nahihiya. "Kumain ka na. Baka maubusan pa kita." nginitian niya ako habang hinihiwa niya ang ulam niya. Kumuha muna sya ng baso at malamig na tubig sa refrigerator.

"Thank you, Ate." hinawakan ko ang kamay niya na ikinatigil niya sa paghiwa. Nang tignan niya ang kamay ko, binitawan niya ang hawak niya at ipinatong niya ang isa niyang kamay sa akin.

"For?"

"Sa lahat-lahat. Lagi mo akong inaalagaan. Hindi mo ako nakakalimutan na paalalahanan sa mga dapat kong gawin. Pinagsisilbihan mo ako kahit na kaya ko naman."

"Halika ka nga dito." nang lumapit ako ay niyakap niya ako kaagad. Kapag kasama ko siya, feeling ko, lagi akong safe. Pakiramdam ko, kapag nandiyan siya, may magpoprotekta sa akin at hindi dapat ako matakot sa mga mahihilig na asarin ako.

Unang-una kong naging inspirasyon sa buhay si Ate Khailee.

Before, I asked Ate Khailee about her parents. Ang tanging isinasagot lang niya ay iniwan daw siya. Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya o hindi? Pero bakit siya magsisinungaling, diba?

Nang matapos na kaming kumain ay nagvolunteered na si Ate na siya na ang maghuhugas ng mga pinggan. Kapag wala si Ate, ako ang naghuhugas, dahil kapag nandito si Ate, hindi ako nakakapaghugas dahil lagi niya akong pinipigilan. Alam kong mas pagod sya kesa sa akin pero mas gusto niya na siya ang kumikilos kesa sa akin.

Humiga na kaagad ako. Panibagong gabi, panibagong panaginip... Parang minsan, mas gusto ko pang hindi matulog kaysa matulog nga pero puro kababalaghan ang bumabalot sa panaginip ko. Kababalaghan na matagal nang bumabagabag sa akin. Kababalaghan na tumatatak na sa akin at kababalaghan na hindi umaalis sa utak ko.

"Please, please help me, woman." nakakarinig ako ng boses ng umiiyak na babae sa di-kalayuan. Nandito ako sa madamong lugar. Sobrang tahimik at alingawngaw lamang ng babae ang naririnig ko. Sa boses pa lamang niya, para siyang sinasaktan. Dahil sa kuryusidad ko, sinundan ko ang pinanggagalingan ng tinig. Laking gulat ko nang dalhin ako nito sa isang abandonadong lugar. Ang abandonadong lugar na lagi kong nakikita sa panaginip ko.

Nung una'y natatakot pa akong buksan ito. Nung huling panaginip ko ay nababalot ito ng mga bagay-bagay na nababalot ng dugo. Nilakasan ko ang loob ko at dahan-dahan itong binuksan.

Ang daming nakasabit na mga itak sa kisame nito. Nababalot ng mga sapot. May mga daga pang dumadaan dito. Sa itaas nito ay may nakasabit na mga hilaw na karne ng baboy. Sobrang baho ng amoy nito.

"Hello?" pagmamalakas ko.

Pero walang sumasagot... Kahit na wala, alam kong may mga tao rito na nakatingin sa akin. Nakatingin sila pero hindi sila nagpapahalata.

"Hello?" pag-uulit ko.

Nang iapak ko ang kanang paa ko, sa gitna ng kadiliman biglang may sumulpot sa mukha ko na babae at duguan ang mukha. Dahil sa takot ay napasigaw ako at napaatras.

"Tulong! Tulong! TULONG!" paghingi ko ng saklolo. Alam kong walang makakarinig sa akin.

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" nasa pinto ang babaeng duguan at nakatingin lamang sa akin. May hawak-hawak siyang itak at parang tatagain niya ako. Kaagad kong iniharang ang mga braso ko.

"YOU KILLED MY SONS!!!"

Kaagad akong napabangon. Hingal na hingal at pawis na pawis. Ramdam ko ang mabilisang paghinga ko. Ang panaginip na iyon, may sinabi siya.

YOU KILLED MY SONS...

Sons? I killed her sons? Paano? Saan? At Kailan? Wala akong matandaan na may nasaktan ako o may napatay akong tao. I'm just an innocent girl.

Ikinuwento ko kay Ate Khailee ang lahat ng mga narinig ko sa panaginip ko. Natutop niya ang bibig niya at parang babagsak siya kaya naman kaagad ko syang hinawakan at inalalayan.

"Ito na ba iyon?"

"Ang alin ate?"

"Yu-yung....paghihiganti nila."

Paghihiganti? Saan? Bakit sila maghihiganti?

"Bakit ate? Ano ba ang nangyari at bakit sila maghihiganti? Kilala mo ba ang babaeng nasa panaginip ko?" parang biglang natauhan siya at bigla na lamang tumayo.

"Ah wa-wala. Pumasok ka na at malate ka pa. Huwag mo nang isipin iyon. Tandaan mo, lagi kang mag-iingat. Susunduin kita mamaya, hintayin mo ako sa tapat ng school niyo."

Hindi kaagad ako nakasagot. Bakit biglang naging ganito si Ate? Anong meron?

"Naintindihan mo ba ako?"

"Ah o-opo." pumasok sya kaagad sa kwarto niya. Isinukbit ko na ang bag ko at lumabas na.

Napapaisip pa rin ako.

Sino ang babaeng nasa panaginip ko? Bakit siya nababalot ng dugo? Bakit siya may itak na hawak? Paghihiganti? Yung sinasabi ni Ate na paghihiganti nila? Pero...ang hindi maintindihan, bakit sila maghihiganti? At bakit parang galit na galit sa akin.

YOU KILLED MY SONS!

Halos hindi ko mawala sa utak ko ang mga katagang binitawan ng babaeng iyon. Malaki ang galit niya sa akin.

Habang naglalakad ay may nakasalubong akong isang matanda. Matandang nakaitim at nakabelong itim din. Nang malagpasan ko sya ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tinitigan niya ako. Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya, sa biglaan niyang paghablot sa akin. Hindi ko sya kilala at kahit kailan ay hindi ko pa sya nakikita.

"Malapit na."

"Ano pong malapit na?"

Pumikit ng sandali ang babae at bumuntong hininga. Mariin nya akong tinitigan. Ansasama ng mga tingin na ipinupukol niya sa akin.

"Hintayin mo. Malapit na siyang maghiganti. Mag-iingat ka sa mga taong makakasalamuha mo. Huwag kang magtitiwala sa kahit na kanino. Huwag mo silang paniniwalaan kaagad dahil iyan ang ikakatagumpay ng plano niya." marahas niyang binitawan ang kamay ko at tuluyan nang umalis. Naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko. Pinagmamasdan ko ang matandang bigla na lamang kumausap sa akin at may mga sinabi pero hindi ko maintindihan.

'Hintayin mo. Malapit na siyang maghiganti'.

Maghiganti?

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon