Chapter 4

0 1 0
                                    

Friends

Nang magising ay bumangon na ako kaagad. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya naman umupo muna ako ulit. Oo nga pala, bawal pala ang bigla-bigla kang tatayo. Dapat pala ay uupo ka at papahinga muna. Nang medyo nawala na ang pagkahilo ay naligo na ako at nagbanlaw ng maayos. Isinuot ko na ang uniporme namin para sa araw na ito. Nag matapos ay pumunta ako sa may salamin at tinitigan ko ang sarili ko...

NERD...PANGIT...MUKHANG WITCH

Naalala ko na naman ang mga sinasabi sa akin ng mga kaklase ko. Kaya para kahit papaano ay gumanda ako sa paningin nila, kinuha ko ang lip balm at pulbos sa may lalagyanan ng mga pampaganda ni Ate Khailee. Nilagyan ko ng lipbalm ang labi ko hanggang sa medyo kumulay ito. Ang ganda tignan sa lips. Next naman ay ang paglalagay ko ng pulbos sa mukha. Sinuklay ko ng sinuklay ang buhok ko. Ampanget nga ng buhok ko. Kulot ito kaya para kang hindi nagsusuklay kapag ganito. Mas maganda sigurong magparebond ako.

Nang matapos na ang lahat lahat ay nagmadali akong bumaba. Naabutan ko si Ate Khailee na nakatingin sa akin at parang gulat na gulat sa akin. Alam ko na kung bakit. Maganda na ba ako ate? Katanggap-tanggap na ba ang mukhang ito?

"Himala..." natawa naman ako sa tinuran nito. Himala talaga. Hindi ko rin alam kung ano ang nakain ko kagabi at biglang naging ganito ang mood ko.

Inihatid na ako ni Ate sa may school.

"Ang ganda mo na." nakatinging sabi ni Ate nang nakababa na ako mula sa sasakyan niya.

"Thank you Ate."

Habang naglalakad papunta sa room ay nakita ko ang pagtitinginan sa akin ng mga ka-schoolmates ko. Kahit na nahihiya, ay diretso lamang ang tingin ko at binabalewala ang mga tingin na iyon.

Nang makarating sa room ay dumiretso na ako kaagad sa upuan ko at inilabas ang gamit na kakailanganin. Inayos ko na rin ang unirform ko na medyo nagusot.

"Wow, naglalagay ng lipbalm?"

"Hm, mas bagay sa kaniya kapag nag-aayos siya."

"Panget pa din siya noh?"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita non at tinarayan niya ako kaagad. Ngumiti na lamang ako sa kaniya na bigla niyang ikinainis. Lumapit sya sa akin at umupo sya sa table ko.

"You, witch. Kahit na anong pagpapaganda mo, never kang gaganda."

"Eh ikaw, Plum? Hindi ka naman witch pero bakit ang pangit mo?" nagtawanan ang iilan nang sabihin iyon ng lalaking tumabi sa akin kahapon. Masamang tinitigan siya ni Plum. Ang mga alipores nito ay hindi makatawa dahil malamang malalagot sila.

"Sguro nahulog ka na rin dito noh, Wed?"

"Oh ano naman ngayon kung nahulog nga ako sa kaniya?" nilingon naman ako kaagad ni Plum at sinamaan ng tingin. "Anlakas naman ng ginamit mong gayuma, mangkukulam." atsaka sya umalis at pumunta sa upuan niya. Tinitignan naman ako ng mga alipores niya.

Lumingon muna ito sa akin bago sila nagbulungan ng mga alipores niya. Nang tumingin ako sa gawi ng lalaking nagtanggol sa akin, bigla niya akong kinindatan. Dugdug! Dugdug! Dugdug!

Napahawak kaagad ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko.  Sobrang bilis ng tibok nito na parang nakikipagkarehan. Nilingon ko ulit si Wed pero ngayon, hindi na siya nakatingin sa akin. May pinagkakaabalahan siya pero nakangiti siya. Bakit biglang ganun?

Bakit biglang bumilis ang tibok nito?

====

Nang matapos ang klase ay nilapitan ko si Wed. Nagliligpit lamang siya ng mga gamit niya. Sila Plum at ang mga alipores niya, si Wed at ako nalang ang natitira rito. Nag-aalangan pa ako kung gagawin ko ba ito! Dapat ay hindi ko ito ginagawa...pero pinagtanggol niya ako kanina? Hindi ba't dapat ay magpasalamat ako sa kaniya?

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon