Old Woman
Hinarang kaagad ako ng gwardiya sa may tapat ng gate ng school namin.
"Id?"
Ipinakita ko sa kaniya ang id ko na nakatago lamang sa suot kong hoodie. Tumango naman sya kaya binuksan na niya ang gate.
Ang daming estudyante ang nakakasalubong ko. Ang iba'y nagkukwentuhan, nagtatawanan, at naghaharutan. At hindi mawawala ang paninitig nila sa akin at biglang bubulong.
When the bell rang, halos wala nang katao-tao dahil ang kaninang mga estudyante ay nagtakbuhan na sa kani-kanilang mga klase. While me, nandito pa rin ako.
"Bakit wala ka sa klase niyo?" ang mukha kaagad ng terror na teacher dito sa school ang bumungad sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa mga librong dala ko dahil sa takot. Maraming nagsasabi na dapat daw katakutan si Mrs.Iyana dahil daw sa sobrang kasungitan nito. Minsan daw ay nanakit ito ng estudyante noon.
"A-ah ka-kararating ko lang po ka-kase." nauutal na sabi ko. Hinead-to-foot naman niya ako at maya-maya ay tinaasan na ako ng kilay.
"Dalian mo! Umalis ka na at pumunta ka na sa klase mo at kung hindi ka pa magmamadali diyan, dadalhin kita sa dean's office.
Wala ano-ano, tumakbo kaagad ako paakyat. Muntik na akong matalisod.
"You're late Ms.Villanueva!"
"I'm sorry I'm late Ms.Asuncion."
Hindi na ang sumagot ang teacher namin. Dumiretso na ako sa upuan ko. Nang ilapag ko ang notebook, ay may nabasa akong mga nakasulat sa chair ko. Halatang sulat ng mga kaklase ko.
Nerd...
Panget mo...
You're a witch...
Di ka bagay dito...
Napapaluha ako habang binabasa ko ito. Ito na naman. Ito na naman ang emosyon ko na hindi ko kayang labanan. Lagi nalang akong naiiyak.
Parang ayaw ko nang maniwala kay Ate Khailee. Sa lahat ng mga sinasabi niya. Brave? Ako? Parang hindi naman? Kung talagang matapang ako, bakit hindi ko kayang pigilin ang emosyong ito? Kung matapang ako, dapat ay hindi ako umiiyak sa harapan ng mga kaklase ko, hindi ba? Kung matapang talaga ako, dapat ay hindi ako papaapekto.
Nang matapos ang buong klase, na wala akong naintindihan, ay biglaang sumulpot ang next teacher namin para sa Science. "Sit down." utos nito matapos naming bumati sa kanya. Umingay ulit ang buong klase kaya sinita niya ang mga ito ngunit ang iba ay hindi tumigil. May isinusulat na announcement si Ms. Reñana sa board kaya mariin ko itong tinitigan.
Announcement:
Wear your convo on Friday. There will be a program in the gymnasium at 8:00 in the morning. Don't be late.
Sa tuwing nag-aannounce ang teacher namin ay hindi na niya sinasabi sa buong klase, dahil hindi rin daw kami nakikinig, kaya sa halip na magsalita, isinusulat niya ito sa board at hindi aalisin hangga't hindi pa tapos ang klase. Tungkol sa volcanoes ang pinag-uusapan namin ngayon. I'm not good in Science kaya wala akong masyadong maintindihan sa mga itinuturo. Ang naintindihan ko lang ng konti ay ang mga types of volcanoes.
"Ok. Get your notebook and answer Exercise 1-2 on page 56. You only have 10 minutes to answer." kanya-kanya nang naglabasan ng notebook ang mga kaklase ko. Ako naman ay kinuha na rin ang libro sa Science sa bag ko. Nang bubuklatin ko na ito ay may lumapit sa akin na isang lalaki.
"Pwede ba akong...makishare?"
Tumango naman ako kahit na hindi sang-ayon ang kalooban ko. Bigla kong naalala ang winika ng matanda sa akin noon.
Huwag na huwag kang magtitiwala.
Nagtataka na ako kung bakit ganun nalang ang ikinikilos ng mga taong nasa paligid ko? Tulad na lamang ni Ate Khailee na bigla na lamang nataranta nang sabihin ko sa kaniya ang napanaginipan ko nung kagabi. At ang mas ikinagulat ko pa ay ang paghablot sa akin ng matanda na kung ano-ano na hindi ko masyadong maintindihan pero pakiramdam ko, konektado ang mga sinabi niya sa napanaginipan ko.
Halos hindi na ako makapag-concentrate sa pagsagot dahil na rin sa mga naiisip ko, at pati na rin ang katabi ko. Sobrang lapit niya sa akin kapag tinitignan niya ang mga questions sa libro kaya para hindi na siya masyadong lumapit, iginitna ko ang libro. Tumingin naman siya sa akin pero hindi na sya nagsalita pa. Ako nalang nag-adjust.
"Thank you." sabi nya bago siya umalis. Tinignan ko lang sya habang pabalik siya sa upuan niya. Nakipagdaldalan na ito sa katabi niya.
Nang matapos ang klase ay ipinasa na namin ang notebook namin dahil hindi pa nachecheckan ang mga sinagutan namin dahil naubos ang oras. Ang iba kasi ay nagtawanan pa at nagharutan sa halip na magsagot. Nang lumingon ako sa banda ng lalaking tumabi sa akin ay nakita kong nakatingin din sya sa akin. Biglang nanindig ang mga balahibo ko sa ngiting iyon...
Tulad nga ng sinabi ni Ate Khailee ay hinintay ko siya sa tapat ng gate. Tinitignan pa ako ng guard kaya medyo lumayo ako doon. Nang nakita ang itim namin kotse, ay pinuntahan ko ito kaagad.
Sobrang tahimik ng biyahe at hindi ko alam kung bakit. Sobrang tahimik ni Ate Khailee kaya naman sumandal ako sa may bintana. Tinitignan ko na lamang ang mga taong nadadaanan namin. Nang nasa tapat ng kami ng isang tindahan ng mga gamot ay lumabas ang isang matanda na pamilyar na pamilyar sa akin. Siya iyong matandang humablot sa akin kaninang umaga. Kalalabas lang niya at may hawak siyang plastic na malamang na naglalaman ng mga gamot.
"Anong tinitignan mo diyan?" sa wakas ay nagsalita na rin si Ate. Lumingon ako kaagad sa kanya at umiling lamang ako. Malamang ay nahalata niyang parang may tinitignan ako sa labas kaya tumingin rin siya doon. Umupo ako ng maayos at tumingin na lamang ng diretso.
Nang mamataan ang aming gate, kaagad na akong bumaba at binuksan na ang asul naming gate. Sumunod naman si ate. Dumiretso na ako kaagad sa kwarto ko at inihagis sa higaan ang bag ko kasabay ng pagbagsak ko dito. Nakakapagod.
"Ella! Gising na! Kumain ka na! Hindi ka pa kumakain ng panggabihan! Dali! Lalamig na iyon doon." kaagad akong napabangon nang marinig ang boses ni Ate Khailee sa may labas. Hindi siya makakapasok dahil isinarado ko ang pintuan ng kwarto ko dito. Inayos ko muna ang higaan ko bago bumaba sa may sala. Naabutan ko doong nakaupo na si Ate at parang hinihintay na lamang akong umupo at sumabay na sa kaniya.
"Magdasal muna." paalala nya sa akin. Nang matapos magdasal ay sinimulan na naming kumain. Tanging ang ingay lamang ng mga kubyertos ang nangingibabaw. Walang nagsasalita sa aming dalawa.
Dahil pa rin ba sa napanaginipan ko kagabi kaya hindi siya kumikibo ngayon? Ano bang meron at parang nataranta sya nang sabihin ko sa kanya ang tungkol doon?
BINABASA MO ANG
Hindrance
Cerita PendekIsang babae na nagngangalang Mikaella Rayn Villanueva. Inosente, mabait at sa higit sa lahat ay maunawain. Kinagigiliwan ng karamihan. Ngunit may isang taong hahadlang sa lahat ng mga pangarap nya. Taong hindi siya hahayang magtagumpay. Taong nangak...