As usual, maaga ulit akong gumising. Naghanda para sa panibagong araw. At syempre, kailangan ko munang mag-ayos. Kung anong naumpisahan, dapat ay tatapusin mo.
Lip balm...
Pulbos...
"Oh gising ka na pala." nahulog ko bigla ang lipbalm na inilalagay ko sa pocket dahil sa biglaang pagsulpot ni Ate sa pinto ng banyo. Nakalimutan ko palang i-lock kanina. Naghilamos siya sa may sink at pinunasan niya ang mukha niya. "Nga pala, anong oras ang pasok mo ngayon?"
Napatingin ako sa may orasan na nakakabit sa may taas ng pinto ng banyo. Yes! May orasan kami dito para habang naliligo ay natatantya namin ang oras. Masyadong maaga pa.
"Maya-maya pa po." tumango naman si Ate at lumabas na. Pumunta ata sa may kusina dahil paglabas lamang ng banyo na ito, nasa gilid lamang ang kusina. Nang matapos mag-ayos ay pumunta na ako sa may sala para ayusin ang mga gamit ko. Inilagay ko ang mga notebooks na ginamit ko kagabi dahil may mga tinapos akong assignment para sa first subject namin ngayong araw. Nakatulugan ko rin kasi ito.
"Kumain ka na." atsaka inilagay ni Ate ang hotdog at kanin sa mesa. Sobrang bango ng hotdog! Kapag si Ate ang nagluluto, pakiramdam ko, lagi akong ginaganahan!
"Salamat ate." kumuha siya ng tubig sa may ref at sinalinan ang basong nasa mesa na katabi ng pinggan ko. Nang matapos ay ibinalik niya ito at umupo sa harap ko. Ang weird! Parang ang tahimik niya ngayon!
"Ah nga pala." kaagad akong napatingin sa kaniya. "Hindi ka na ba binabagabag ng napapanaginipan mo?"
Oo nga pala! Yung panaginip! Simula nang sabihin ko kay Ate ang napanaginipan ko, simula noon ay hindi na ako nanaginip! Hindi na ulit ako nun binabagabag! Pero bakit?
"Hindi na po." yun nalang ang huli naming pag-uusap. Pumara na kaagad ako ng tricycle sa may tapat ng gate namin. May dumaan na tricycle kaya naman hindi na ako nahirapan pang maghanap. Nang makarating sa school ay dumiretso na ako kaagad sa may room. Syempre, hindi pa rin nawawala ang mga tinginan nila sa akin. Pero dahil sobrang sanay na sanay na ako ay hindi ko na lamang sila pinansin. Bagkus dumiretso ako sa upuan ko kung saan nakaupo si Wed.
"Hi." hindi kaagad ako nakasagot. Wow! First time may maggreet sa akin ng ganiyan. Napangiti naman ako.
"Hello." inilapag ko ang bag ko dahil lumipat si Wed sa may harapan ko. Hindi siya muna nagsalita pero tinitignan niya ako habang inaayos ko ang palda ko. Naiilang ako ng sobra sa way ng tingin niya.
"Nga pala..."
"Hmm..."
"Ate mo pala si Ate Khailee ba yun?" oo nga pala.
Tumango ako biglang tugon sa tanong niya. Tumango rin siya habang tumitingin-tingin sa paligid. "May kapatid pala iyon?" sabi niya pero hindi siya tumingin sa akin.
"Ah hindi kami magkapatid." napatingin sya sa akin at mas lalo siyang lumapit pa. Ipinatong niya ang mukha niya sa desk ko at nagsimula nang magtanong.
"So, bakit Ate ang tawag mo sa kaniya?" nag-isip ako ng isasagot ko sa kaniya.
"Kasi...siya na ang tumayong magulang ko simula nang mawala ang mga magulang ko. Bakit? Atsaka paano mo nga pala siya nakilala?"
"Ah yun? Eh kasi kapag pumapasok ako, minsan ay nakikita ko siyang pumupunta sa...di ko alam kung kaninong bahay iyon, pero malapit lang iyon dito." sagot nito. Nagtaka naman ako bigla. Bahay? So tuwing umaga pala ay may pinupuntahan si Ate? Pero sino? Nakakapagtaka...
Tumango na lamang ako sa mga sinabi niya sa akin. Nang dumating na ang first teacher namin ay bumalik na sa upuan niya si Wed. Hindi na kami nag-usap pa. Hindi ko na rin siya nilingon. Kailangan kong makinig sa itinuturo ngayon dahil mamaya ay mayroong quiz. Biglaan.
"Get whole sheet of paper. Number your paper one to thirty." napanganga ako sa sinabi ni Ma'am Xenon. 30? Oh my ghod! Pero parang ang kaunti ng mga idiniscuss niya kanina.
Nang masulatan na namin ang papel namin ng mga numbers ay nagsimula na siyang magtanong. Btw, si Ma'am Xenon ay ang teacher namin sa Filipino. Dalaga pa sya, and obvious naman iyon, dahil angganda niya at ang kinis ng mukha o ang tinatawag na clear skin. Nakakaingget. Ano kayang ginagamit niyang mga pampaganda?
"Sino ang napangasawa ng limang magkakapatid?" sino ba iyon? sino? sino...sino...sino...
Ah s-si Drap---Got it! Yes! Alam ko na.
Isinulat ko kaagad sa papel ang sagot. Nasa 23 na kami.
"Bakit isinumpa si Pandu?"
Nang matapos ang quiz ay ipinasa namin ang sinagutan namin sa harap. Si Ma'am na raw ang magchecheck. Mahirap na raw at baka may manduga.
Nang makaalis na sya sa klase namin ay mabilis na sumulpot na ang second teacher namin. Inilabas niya ang lesson plan niya at tinawag niya isa-isa ang mga pangalan namin. Tinitignan niya kung may absent ba, at kung may absent man ay minamarkahan niya.
"Villanueva?"
Nagtaas na ako kaagad ng kamay. Nang matanaw ako nito ay ibinaba ko na. Nagsimula na siyang magdiscuss. Si Sir Ereñaco ang teacher namin sa Mapeh. Magaling siyang sumayaw tapos napaka- flexible pa niya.
About sa Drugs ang itinuro niya. Hindi naman ako makarelate doon dahil hindi naman ako nagdadrugs. Itinuro rin niya ang mga good and bad effects ng paggamit ng droga.
"Ang sabi ng iba ay kapag gumagamit sila nito ay nakatutulong ito para mabawasan ang mga problemang pinapasan nila. Kapag nakalasinghot o naitusok nila ito sa katawan nila ay parang gumagaan ang pakiramdam nila at ang mga problema ay nakakalimutan na nila." pagpapaliwanag nito. Ah kaya pala. Kaya pala maraming gumagamit ng mga ganung klaseng gamot na ipinagbabawal rito sa Pilipinas. Dahil sa tuwing malaking problema ang pinapasan nila ay sumisinghot nalamang sila para mawala ang mga problemang iniisip nila.
"Pero on the other hand. May roon din itong hindi magandang epekto sa katawan natin. Like pwedeng madamaged nito ang utak natin. Nakakarinig ba kayo ng mga karumal-dumal na mga krimen?"
"Yes sir."
"Can you give me an example?"
Biglang may nagtaas ng kamay, si Wed.
"Yung mga natatagpuan sa kalsada na pinagsasaksak sa kung saan-saang parte ng katawan. Yung...bigla-bigla nalang pinapatay kahit na minsan, walang rason?"
"Good! Nice example."
"Kilala niyo ba ang mga nasa likod ng mga krimen na iyon?"
Napataas kaagad ako ng kamay. Napatingin silang lahat sa akin pero bigla akong kinabahan.
"Mg-mga d-drug addict s-sir." tumango naman si Sir atsaka ako umupo.
"Ang mga nasa likod ng mga krimen na iyon ay mga tao. Ang iba ay hindi lulong sa droga pero malalim ang galit nila sa taong pinatay nila. Ang iba naman ay mga drug addicts. Kapag isa ka sa mga nagdadrugs at nakahiligan mo ito, hindi na tao ang tingin mo sa mga taong nakapaligid sayo, kundi isa nang mabangis na hayop kaya nila ito pinapatay. Hindi ba't may mga napapanood kayo na kapag iniinterview ang mga kriminal ay lagi nilang sinasabi na, 'hindi ko na matandaan sir' sapagkat nung time na pumapatay sila, hindi nila kontrolado ang katawan nila. Hindi na sila ang kumukontrol sa katawan nila, kundi ang drugs na mismo ang humahawak ng pag-iisip nila kaya nila nagagawa ang mga bagay na iyon." may mga idinugtong pa si Sir pero hindi ko na masyadong pinakinggan pa.
Break time...
Dumiretso kaagad ako sa canteen. Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom ngayong araw. Nang makaorder ay dumiretso na ako sa gazebo. Akmang bubuksan ko palang, ay may tumabi na sa aking lalaki. Sa amoy palang niya, kilala ko na kaagad sya.
"Pwedeng tumabi?"
Wed...

BINABASA MO ANG
Hindrance
Historia CortaIsang babae na nagngangalang Mikaella Rayn Villanueva. Inosente, mabait at sa higit sa lahat ay maunawain. Kinagigiliwan ng karamihan. Ngunit may isang taong hahadlang sa lahat ng mga pangarap nya. Taong hindi siya hahayang magtagumpay. Taong nangak...