May isang matandang magasawa na naninirahan sa isang malaking mansyon. Walang anak ang magasawang matanda kaya yung asawang babae ay nakahiligan na lamang na mangolekta ng mga manika. Tinuturing nya ang mga ito na parang mga anak na nya rin at suportado naman sya ng asawa nyang lalaki. Nung lumaon, gumawa sila ng isang kwarto para lang sa mga manika.
Umabot na sa lampas isang libo ang mga nakolekta ng matandang babae.
Dahil na rin sa kanilang edad at hirap na kumilos, naisipan ng magasawa na kumuha ng kasambahay para tulungan sila sa mga gawaing bahay. Isa sa mga kailangan gawin ng kasambahay ay linisin ang mga manika na nasa loob ng kwarto at punasan ang mga alikabok mula dito.
Yung kasambahay, na papangalanan natin na Lorna, ay pumapasok sa kwarto ng mga manika isang beses sa loob ng isang linngo para maglinis.
Ang di alam ng magasawa, ayaw ni Lorna sa mga manika. Isang araw, habang ginagawa nya ang paglilinis, nakakita sya ng isang manika na kakaiba ang itsura. Isa itong talking doll na at may cordon ito sa likod. Nacurious si Lorna at hinila ang cordon.
Nagsalita yung manika at nagsabing "hello." Hinila ulit ni Lorna ang ang cordon at nagsalita ulit yung manika "Mahal ko si Mama." Binaba ni Lorna yung manika na may bahid ng pangingilabot at pagkasuklam at nagpatuloy sa paglilinis.
Ilang linggo ang nakalipas, habang naglilinis ulit sa kwarto ng mga manika, natabig ni Lorna ang isang porcelain doll sa eskaparate at nabasag ito at nagkapiraso piraso. Narinig ito ng amo nyang babae kaya mabilis ito na pumasok sa kwarto.
Nung makita nito ang nangyari sa isa nyang manika, nalungkot ang mukha nya. Agad naman naghingi ng paunmanhin si Lorna.
"pasensya na po, ma'am. Di ko po sinasadya. Di na po ako uulit." Tahimik na tiningnan ng matandang babae ang kanyang basag na manika at pagkatapos ay sinabi sa kasambahay na si Lorna na mananatili lamang sya sa trabaho nya kung mangangako sya na mas magiging maingat sa mga manika na nandun. Agad naman na sumangayon si Lorna.
Nung kinabukasan, umalis ang magasawang matanda dahil may mga kailangan silang asikasuhin sa labas. Naiwan si Lorna sa bahay para tumao dito. Ang totoo, masama pa rin ang loob ni Lorna dahil sa pagalit sa kanya ng among babae. Imbes na gumawa ng gawaing bahay, humilata na lamang si Lorna sa sofa ng mansyon at kinain ang mga imported at mamahaling chocolates ng magasawa.
Habang matakaw na kinakain ang mga chocolates, may pumasok na masamang ideya sa utak ng kasambahay. Tumayo sya mula sa pagkakahiga at dahandahan na pumasok sa kwarto ng mga manika. Naalala nya kung gaano kalungkot yung amo nyang babae sa pagkasira ng isa sa mga manika nya. Pinulot nya ang isa sa mga manika na malapit sa kanya at nagsabi, "mahal na mahal nya talaga siguro ang mga pesteng manika na ito" sabay tapon ng manika sa sahig. Agad na nabasag ang manika. Napangisi si Lorna na parang lukaluka.
Sobra syang natutuwa sa pakiramdam na nakasira sya ng isang manika. May kung ano sa tunog ng nabasag na manika ang nakapagpaligaya sa kanya. Naisipan nya na sirain muli ang isa pang manika. At isa pa. At isa pa. Ang dami na nyang nasira at sinisira pa rin ang isa nang biglang dumating ang magasawa sa bahay. Narinig nila ang ingay na likha ng pag-aamok ni Lorna at agad na tumakbo sa kwarto ng mga manika. Halos mahimatay ang matandang babae sa nakita sya at galit na galit naman ang matandang lalaki. Agad nyang pinalayas ang hampaslupa na kasambahay.
"Lumayas ka ngayon din! Matapos ka naming tanggapin sa aming pamamahay, ito pa ang igaganti mo samin? Ayaw na naman makita ni anino mo dito! Lumayas ka na agad!" sigaw ng matandang lalaki kay Lorna.
Kaya walang nagawa si Lorna kundi magalsa balutan at umalis ng bahay. Pero imbes na maguilty sa kanyang ginawa, galit na galit ito sa matandang magasawa. Kaya nung kinagabihan, nagawa nitong pumasok muli sa loob ng bahay.
Alam nya na tulog na ang magasawa sa mga oras na yun. Pumunta sya sa kusina at kinuha ang pinakamalaki at matalim na kutsilyo na meron doon. Dahan dahan syang pumasok sa kwarto ng magasawa at walang habas na pinagsasaksak ang mga ito habang natutulog hanggang malagutan ang magasawa ng hininga.
Kinaumagahan, bumalik si Lorna sa bahay na para bang walang nangyari at sinabi sa mga pulis na nagtratrabaho sya para sa mga matanda. Umarte sya na inosente na may kasamang paiyak iyak pa. Sinabi nya sa police na sobrang bait at mapagmahal ng matandang magasawa at di sya makapaniwala na may makakaisip na gawan sila ng isang karumaldumal na krimen.
Nung oras na yun, nagpaalam sya na pupunta sa kwarto ng mga manika. sabi nya gusto nya lang makasiguro na walang nangyari na masama sa mahalagang collection ng namatay na babae.
Nung nakita nya yung talking doll, pinulot nya ito at hinila ang cordon. "Hello" Hinila ulit ni Lorna ang cordon at nagsabi naman ito ng "BAKIT MO PINATAY ANG MAMA KO?!"
Labis na nabigla si Lorna. "Anong sabi mo?"
'BAKIT MO PINATAY ANG MAMA KO?" sabi muli ng manika.
Sobrang kinilabutan si Lorna. Hinila nya muli ang cordon. "BAKIT MO PINATAY ANG MAMA KO. MABAIT ANG MAMA KO. MAHAL NA MAHA KO SYA. BAKIT MO PINATAY ANG MAMA KO?!"
Halos mabaliw sa kinatatayuan si Lorna. Di sya makapaniwala sa nangyayari.
'PINATAY MO ANG MAMA KO!!!!" sigaw ng manika sa kanya. Initsa ni Lorna ang manika at tumakbo palabas ng bahay.
Kinabukasan, natagpuan si Lorna sa kanyang kama na wala na ring buhay. Yakap yakap nito ang talking doll at nakapulupot sa leeg nito ang cordon. Nung hinila ng mga imbetigador ang cordon, paulit ulit na nagsalita ang manika.
"PINATAY NYA ANG MAMA KO KO. PINATAY NYA ANG MAMA KO. PINATAY NYA ANG MAMA KO."
BINABASA MO ANG
DollsAndSpooks Stories
HorrorMga past stories na binasa sa Youtube channel na DollsAndSpooks