The Case of Isabel Part 2

55 2 0
                                    

Hi Clark,Hello sa mga avid subscribers and listeners ng Dolls and spooks and sayo narin clark. halos araw araw ay nakikinig ako ng mga new videos mo. although hindi ako nagcocomment, binabasa ko naman lahat ng comments nila at nakakatuwa talaga. and andyan na nga si kuya brandon ?? congrats clark for the growing fam of dolls and spooks!! Congrats ulit.Update po regarding my pregnancy, medyo nabawasan ang pag iingay ng nila but still, andyan pa din, nag papalamig lang siguro.Pero totoo ang sabi ni zack hindi dapat makampante at oo nga, ang baho nila, amoy ipot ng manok na malansa hindi ko maexplain ang amoy nila.Nakwento nga pala ng kapatid ko sakin nung isang araw, palibhasa nga hindi ako nalabas na.May isang buntis daw malapit dito sa amin ang sinugod ng aswang. iihi daw sana ang buntis na iyon ng mapansin nya na may kung anung malaking itim na nakabaligtad sa bintana na pulang pula ang mata. sa gulat nya, napasigaw ng sobrang lakas yung babae kung kayat nagpuntahan ang mga tambay ng gabing iyon sa bahay nito. kitang kita daw na may isang malaking itim na aso sa poste ng ilaw ngunit ang weird ay mahaba daw ang buhok. As in aso na may mahabang buhok na parang sa tao. hinabol daw ng mga tambay pero agad itong nawala.by the way, I want to share this short story of mine, when I was 5 years old...dahil nga mas gusto ko maglaro mag isa, lumalayo ako sa may tao. isang hapon pumunta ako sa balon na nabangit ko na din sa kwento ko kay zack and clark. madamo sa part na yun at may puno ng mangga. tandang tanda ko nun na nkakalipad ako, as in umaangat ako siguro mga isang dipa mula sa lupa. mag aalas singko na ng hapon nun kaya hinahanap na ako ng aking tatay. naririnig ko sya pero di ko sya pinapansin, nalilibang kasi ako masyado sa pag lalaro.hanggang parang may yumakap sakin at hinila ako pababa, pagkita ko ang tatay ko pala.May pulang tela na ibinalot ang tatay ko sa akin at agad agad ay pinasok nya ako sa loob ng bahay namin. tinawag nya ang nanay ko na magdala daw ng asin at abo na agad naman sinunud ng nanay ko. sinabihan ako ng tatay ko wag ko aalisin ang pulang telang nakabalot sakin at wag din daw akong lalapit sa bintana. maya maya pa ay napaka lakas ng hangin.. Sobrang lakas ng hangin nun at dahil nag iisang bahay lang kami sa lugar na yun, makikita mo talagang ang mga punong umuugoy at mga dahon ay nagliliparan. ganun din ang mga sanga, nagkakababali at nililipad ng hangin. agad pinalibutan ng akin tatay ang bahay namin ng asin at abo, yun ang aking nakita. sa katigasan ng ulo ko at curiosity, sumilip ako sa bintana. Oo makulit talaga ako at dahil bata ako curious talaga ako kung anong nangyayari. may bagyo ba? Ang ganda ganda ng panahon biglang babagyo? Pagsilip ko nga sa labas, dun ko nakita ang isang babaeng nakalutang sa harapan ng aming bahay. nakaputi ito, mahaba ng buhok na nakataas. galit na galit sya, nanlilisik ang mata.. Ang sabi nya, "ibalik nyo sya!!!! ibalik nyo sya!!"Dahil marahil sa takot, nawalan ako ng malay... nagising ako na katabi ko sina nanay at tatay. nung umaga na, dun ko nakita na may suot na akong kwintas. tapos nun lage na nagpapausok si tatay ko pag hapon at sa tabi na nila ako natutulog.88888888888888888888888888888888888888I want to share this story which happened year 2012,Since I was 15, napalayo na ako sa parents ko.. lets say na inilayo ako sa lugar namin. kung bakit, hindi ko alam. sabi nila its for my good at yun yung isang bagay na di ko alam at wala na din siguro akong balak alamin pa. so ito nga, mula sa probinsya, napunta ako sa isang older pinsan ko which is ang ate Concepcion ko (hindi nya true name).halos parang anak na ako ni ate concon sa agwat ng edad namin pero sobrang close namin.Halos lingo lingo naman, dinadalaw kami ni ate Concon ng isang tita namin na panganay na kapatid ng aking nanay. halos nasa kasunud na bayan lang naman siya nakatira ng kanyang asawa at dahil may mga negosyo ito sa bayan kung saan kami nakatira, madalas itong dumaan sa bahay ni ate con na may dalang kung anu anu at para narin makipag kwentuhan sa akin at turuan ako ng mga bagong lutuin na hindi ko pa alamSi tita Mina ay hindi gaya ng ibang may edad na. sa edad nyang 57 years old at ako nuon ay 15, nakakausap ko sya na tila ba magkaedad lang kami at sobrang cool nya talaga as in. kaya nyang sabayan ang mga kabataan kung kayat sobrang open ko sa tita ko na ito. Madalas nya akong ayain sa bahay nila tuwing weekend sapagkat naiinip sya at mahilig talaga itong makipag usap. Ang mga anak ni tita ay apat lamang na lahat naman ay nasa ibang bansa na kung kaya sila nalamang ni tito ang nasa bahay nila na may malawak na bakuran. sadyang malayo pa bago mo matanaw ang kanilang kapit bahay sa lawak ng lupain nila. May limang kwarto ang bahay nila na bungalow at masasabi mong may pag kasinauna talaga ang design.Kahit na marami na ang napalitan sa bahay, mababakas mo parin ang kalumaan sa ilang bahagi nito. Isang malawak na balkunahe muna ang iyong dadaan bago ka makarating sa main door ng bahay. pag pasok ng pinto, may isang altar na puno ng mga imahe ng ibang ibang santo at iba pang mga poon. Pag kumaliwa ka ay makikita mo ang isang hallway kung saaan nandun ang tatlong pintuan ng mga kwarto. pag kanan mo naman,makikita mo ang malawak na sala na sa bandang kaliwa nito ay may isang mini bar na may isang pintuan ang ikaapat na kwarto pag dinertso mu pa ay ang dinning area. Tapos ay ang maraming palamuti sa paligid at may isang pintuan patungo sa dirty kitchen na may dalawa pang pintuan na ang isa ay daan papunta sa likod bahay samantalang ang isa ay pag tinungo mo ay isang maliit na dining area at ang huling kwarto. Kwarto ito ng kuya ko na pinsan ko nung nanduon pa iyon. malawak ito, may aircon at sarili cr sa room pero ayaw ko duon.Dati pa man, wala na sa mga kamag anak naming ang nakakatagal sa bahay nina tita mina dahil sa maraming ngang nagpaparamdam daw duon ayon sa sabi sabi nila. hindi lang daw multo ngunit pati engkantada at marami pang iba at aminado naman si tita mina duon. sabi nya ay depende daw sa bisita iyong nagpapakita sa bahay nila.Sembreak namin yun, unang taon ko sa college and yes excited ako dahil inimbita ako ni tita Mina na duon magbakasyon sa kanyang bahay kasama ang dalawa ko pang ibang pinsan na sina Shamaine, John and Sam (hndi nila tunay na pangalan). bata sakin ng dalawang taon sina john at sam, samantalang isang taon lang naman ang tanda ko kay Sharmaine at sadyang magkakasundo kami ngunit masasabi mong ako parin ang pinaka tahimik sa aming apat. samantalang sobrang ingay naman nina sam at john. anyway, si john ay one of the girls nga pala .So ayun na nga, excited kaming magpipinsan nun, so dun ako sa dulong kwarto sa may kaliwa kasi talagang gusto ko ang tanawin duon. Sumunud sakin si john at sam pero sadyang ayaw ko sa kanila dahil bukod sa di naman nila balak matulog, napakaingay pa nila so si Sharmaine kasama ko sa room samantalang sa kabilang kwarto lang naman yung dalawa. Gabi na at pumasok na din naman ako sa kwarto, kasunud ko na si Sharmaine.nang isasara na nya ang bintana, bigla nya itong binagsak pasara. sabi ko "O bakit? Napano ka?" Sabi nya, "wala ate... parang may dumaan kasi.." dahil ayaw kong matakot sya, sinabi ko, "naku guni guni mo lang yan tinatakot mu lang ang sarili mo.""Ate Isabel naman, hindi nuh. wala kaya akong naiisip. isa pa andyan ka naman! sabi ni tita di ka daw lalapitan ng mga kaibigan nya dito!" sabay kaming tumawa. At tinuloy naming ang kwentuhan ng maya maya pa ay may nagmamadaling kumakatok sa pintuan namin si john at sam."Anu ba?? Ang ingay nyo alam nyo naman nagpapahinga na si tita mina" saway ni Sharmaine. "Kung ayaw nyo matulog magpatulog kayo ha.."Dali dali naman pumasok ang dalawa sabay siksik sakin sa may kama.. "ate sa labas... sa labas..." nanginginig na sabi ni "anu ba kasi yun?" Sabi ni Sharmaine.."buti nga ang inggay nyo kasi eh.." "Anu ba yun sam?" Sabi ko.. "ate, kasi nasa beranda lang kami ni john habang nagpapatugtug. Tapos biglang namatay yung tugtug at maya maya nakarinig kami ng babaeng umiiyak..""Eh baka naman imahinasyon nyo lang," sabat ni Sharmaine."Hindi ate Sharmaine!!! I Swear!" sabi pa ni john na nakabalot na sa kumot.. "dito na kami matutulog ha..dito na tayong apat.."sabi ko naman, "sige pwede naman. May sofabed naman, dun kayo ni sam matulog."Natulog na nga kami at nung 12 na ng gabi, nagising ako sa isang inggay na tila ba may isang kadenang hinihila habang may naglalakad. tininingnan ko yung tatlo at nagulat ako kasi gising din sila at nanlalaki ang mga mata, pero walang may balak magbukas ng ilaw at kumilos. Maya maya pa nagsabi si sam, "ate Isabel naiihi ako..""anu ba yan sam! kung kelan naman nasa shake, rattle, and roll tayo, saka ka naman iihi! sige magpunta ka mag isa dun sa banyo! ayaw ko sumama ha!" Sabat ni john.ako naman ay bumangon at binuksan ang ilaw."oh sige tara sasamahan kita..""sasama na din ako ate!" sabay sabi ni Sharmaine at dahil maiiwan mag isa si john eh sumama na din ito.. nang nasa hall way na kami, pag liko namin ay agad makikita na ang CR. ngunit natigilan kaming apat ng makita namin ang isang mahabang pila ng mga mistulang tao na tila mga panahon pa ng kastila dahil nakabarong at saya ang mga ito na nakapila papuntang cr..Mangiyakngiyak sila Sharmaine, John, at Sama dahil sa kilabot. Pero sinabihan ko sila na wag sila magiingay, dapat ay magkunwari silang hindi nila ito nakikita at ganun nga ginawa namin. binuksan ko ang ilaw sabay katok sa kwarto ni tita mina na gising naman pala, doon nalang sa kwarto ni tita nag cr sa sam.. Sinabi namin ang Nakita naming apat pero tumawa lang si tita."Naku mga bata, mababait ang mga yan wag nyo na lang pansinin. Basta wag kayong pahalatang nakikita nyo sila dahil baka sumama o kulitin kayo ng mga ito." Kinabukasan, 4 am palang ay gising na si tita. Dahil matalas ang pakiramdam ko, bumangon na din ako at tinulungan maghanda ng almusal si tita habang yung tatlo ay nahihilik pa sa pagtulog. mga 7am na sakin pinagising ni tita Mina ang mga pinsan ko.Pagkatapos naming mag almusal, pumwesto kami sa sala at nagbukas ng tv si sam para manuod kami ng movie.Ang lakas ng sound ng tv at habang kasarapan ng panonood, biglang namatay ang tv.nagkatinginan kami sabi ko, "baka brown out?"Pero umiling si john, "Ate hindi, bukas ang electricfan..." ngumiti ako at sabay sabi, "siguro napindot mo yung remote sam" pero tumingin ito sakin at sabay sabay kami napatingin sa center table kung saan naka patanong ang remote.. Sabi ni tita, pag namatay ang tv wag na daw pilitin hayaan nalang daw. Ayaw kami panoodin ng mga kasama ni tita at takot na takot ang mga pinsan ko. lumabas kami nun sa beranda ng biglang nagbukas ang tv at napakalakas nito. dahil dito, nag aya na umuwi ang mga pinsan ko kaya instead na magtagal kami dun wala umuwi na kami agad..Sa ngayon Empty na ang bahay na ito dahil wala nga walang nakakatagal sa bahay na ito. si tita mina ay nasa abroad na after mamatay ng tito ko. 8888888888888888888888888888Ngayon naman ay ikukuwento ko sanyo ang tungkol sa isang sumpa na nangyari 38 years ago.. kwento ito ng isa kong tita sa mother side ko. Bahala na kung maniniwala kayo or hindi..mother ko ang nagkwento nito nung 10 years old ako nung minsan nakita ko ang isang litrato ng napakagandang bata. mukha itong chinese at nang tanungin ko yung mother ko kung sino sya, she said na pinsan ko daw yun. lets call her kenken..nacurious ako kasi wala naman akong nakakalaro or nakikitang pinsan ko na ganun kaganda..kaya tinanong ko ang mother ko, "asan po sya?"Sabi ng mother ko, "sya yung lage natin dinadalaw sa sementeryo tuwing undas."" ha?" gulat na sabi ko. "alin po yung halos di na mabasa yung puntod nya?" palibhasa ay nasa public cemetery ito at uso ang apartment type duon at nasa pinaka ilalim sya...buong akala ko ay matanda na ang nakalibing duon yun pala ay bata... sa pag uusisa ko ay nakwento ng nanay ko kung anu ang nangyari nuon at anong ikinamatay nya.sabi ng nanay ko, 21 years old daw nung nagstart magtrabaho bilang secretary ng isang mayamang pamilya sa isang pabrika ng mga damit ang tita aida ko. Pangalawa sa panganay si tita Aida. Matalino at sobrang bait ng tita ko, never ko pa sya naringan na mag mura or magsabi ng masamang salita kahit kanino.Maganda si tita dahil narin sa dugong espanyol ng mother side ko. Agad na nahulog ang loob ng isa sa mga anak ng mayamang pamilya na yon sa tita ko na pangalanan nalang natin na Joseph..sa totoo lang, kilala ang pamilyang ito until now...lalo na sa larangan ng negosyo pero ayun na nga..ng panahong iyon ay may babaeng naghahabol daw kay joseph, sari saring sulat ng pananakot ang pinapadala sa tita ko nang malamang nitong nagkakamabutihan na sina tita at joseph. dahil dito ay minabuti ni joseph na yayain na lumayo ang aking tita aida...nagpunta sila sa zamboanga, may mga lupain at pag mamay ari sila joseph duon,Balak nila na doon na manirahan at mas lalong napatibay ang pagmamahalan nila.ngunit hanggang sa isang araw, may isang babaeng kumausap kay tita at ayon dito, sya daw ang kasintahan ni joseph. labis na nalito ang aking tita ngunit pinaliwanag ni joseph na walang katotohanan iyon at ang babaeng iyon lamang ang naghahabol sa kanya.Ito din pala ang babaeng nangugulo sa kanila nung nasa manila pa sila. Bilang patunay ay inaya ng magpakasal ni joseph ang tita ko at sinang ayunan naman ito ng aking tita na labis na natuwa dahil sa sinseridad na pinapakita ng binata..ayon narin sa description ng mother ko na mismong nakakita sa babaeng iyon, tila anak mayaman din ito. may maputing kutis at mahabang buhok na laging naka belo at mukhang may pag mahiwaga.. matapos mapag usapan ang kasal, kinuha ng aking tita ang mother ko upang maging katuwang nito sa pag aasikaso lalo pat nalaman ng tita ko na nagdadalang tao siya ng mga panahon na iyon.. Dahil nga sa mayamang angkan galing si joseph, agad na kumalat sa lugar ang nalalapit na kasal nila ni tita ko. mula nuon ay madalas na nilang makitang nakamasid sa kanila sa tuwing lumalabas sila ang isang babaeng naka belong itim..Dumating nga ang araw ng kasal nina tita at joseph at alam nyo yung part na nagtatanung ang pari ng kung may tumututol ba sa kasalang nagaganap.. sa bahagi ng seremonyang iyon nga ay biglang bumukas ang pinto ng simbahan.. nakalimutan kong bangitin na closed church wedding ang kasal ni tita at joseph dahil nga private na tao si joseph at pili lamang ang mga bisita.pumasok ang malakas na hangin at ang babaeng nakaitim na damit na naka belong itim ay galit na galit na nag sabi,"HINDI KO MAPAPAYAGANG MAPUNTA SI JOSEPH SA IBA!" nagpupuyos sa galit na sigaw ng babaeng nakaitim. Agad na nagbitiw ng sumpa ang babaw " ikaw na hindi ako kayang mahalin! mawawala ka sa katinuan at habang buhay na magiging akin ang kaluluwa mo!" sabi nito kay joseph.sabay baling ng matalim na tingin sa tita ko, "Ikaw naman malanding babae ka! ang batang dinadala mo ay magiging pasanin mo! pagsapit nya ng limang taon ay magiging akin din sya!!!!!" Sabay halakhak na parang bruha nito na kasabay na din ang malakas na hangin na halos tangayin daw ang lahat ng decorasyon sa simbahan at naglaho na ang babaeng naka belong itim.Sobrang nagkagulo ang lahat na naroon sa simbahan. Dahil sa nangyari, pinasya na lamang nina tita na wag ituloy ang kasal at gawin nalang ito sa ibang panahon at lugar.Kinabukasan, umugong ang balita sa buong bayan. Ang babaeng nakabelong itim ay natagpuan nakabigti sa isang puno ng balite sa isang burol na di ko na papangalanan pa sa isang bayan sa Zamboanga.dahil dito, pinasya nina tita Aida at joseph na umuwi sa probinsya ng mother ko at duon nalang manirahan hanggang sa makapanganak si tita.Noong una ay ayus naman ang lahat hanggang sa makalipas ang isang buwan, tila nagiiba si joseph. madalas ay tahimik ito, hindi nagsasalita at tulala lang. pag kakausapin mo ay tila di ka naririnig. Nang minsan pa nga, kwento ng akin ng mother ko, nag hahain sila ng pagkain upang maghapunan at inutusan daw sya ni tita aida na tawagin nya si joseph upang kumain.Sabi ni mother ko, nakita nya na nakaupo daw at nakaharap sa bintana si Joseph. nung sabihin ng mother ko na, " kuya kakain na po." dahan dahan umikot ang ulo ni Joseph ng 360 degrees habang tumatawa na parang demonyo!Gimbal na gimbal ang mother ko, akala nya hindi totoo ang mga ganun pero buhay na saksi sya sa pangyayaring iyon.Napasigaw sya nun sa takot na umagaw sa atensyon ng lahat.Humangin ng malakas at ilang kalalakihan ang pumigil kay joseph dahil nagwawala na ito. Nagpatawag na din ng pari sina tita aida, ayon sa kwento ni mother ko. halos magdamag daw ang ginawang pang gagamot or pag papaalis sa nakasapi kay joseph. Matapos ang pang yayaring iyon, pinawian na nga ng katinuan si joseph.. gaya ng sabi ng babaeng naka belong itim. Dahil dito pinasya ng pamilya ni joseph na iuwi sya sa Zamboanga at duon ay naging Mabuti ang kalagayan ni joseph matapos mailayo kay tita aida. Si tita aida naman ay walang nagawa kundi manatili sa bayan nila dahil malapit narin itong manganak. madalas pa din silang magsulatan ni joseph.Sinilang ni tita si kenken, isang napaka gandang bata. ngunit nang mag lilimang buwan ito, napansin nina tita na tila kakaiba si kenken. ito ay isang special child. oo, may pag ka mentally retarded ito kung kayat halos hindi ito pwede iwanan ng tingin ni tita aida. naging sakitin din ito kung kayat hindi sila makauwi ng zamboaga nuon para puntahan si joseph. 3 years later, naging maayus ang lahat at nagawang bumalik ni tita aida sa zamboaga kasama si kenken.Okay naman ang takbo ng buhay nila until dumating ang 5th birthday ni kenken. kwento ng tita aida ko sa mother ko, saglit lang nya iniwan sa labas si kenken na nakaupo at nagpapainit ng likod sa araw.Nang balikan nya ito ay tila natutulog na lamang ito. ang akala pa nya ay napagod lang ito pero nang kanyang lapitan, wala na itong buhay. labis labis ang hinagpis ng tita ko nuon. Sa araw ding iyon ay tila bumalik ang sakit ni joseph at Nawala na naman ito sa katinuan. Ang sabi ay nagpagamot daw sa kilalang albularyo sina tita nuon at ayon sa albularyo ang kaluluwa daw ng anak ni tita ay nakatali sa isang malaking puno ng balite at si joseph daw ay hindi magbabalik sa katinuan habang nagsasama sila ni tita. Ayon pa sa manggagamot hindi na daw mababago ang sumpang iyon dahil wala na daw babawi at buhay daw mismo ang naging alay upang masakatuparan ito.Masakit man para sa tita ko ay pinili nyang hiwalayan si joseph at bumalik na lamang sa bayan nila, pero ang hindi alam ni tita ay nagdadalang tao na sya nun sa pangalawang anak nila ni joseph. At Oo, buhay ang pinsan ko na yun. Tawagin na lang natin sya na LingLing. actually dala nya ang apilyedo ni joseph, sa ngayon may pamilya narin ito at tatlong anak ..Pero tanda ko nung nag 18th bday yung pinsan ko na si LingLing, may dumating sa kanyang plane ticket papuntang Zamboanga. kwento pa nya samin nun ay tawag daw sa kanya ay lady LingLing at napaka laki daw ng bahay nila dun as in mansion. Nakita nya pa si joseph nun at tumigil sya dun ng isang lingo. So far sa ngayon wala na po akong masyadong balita sa pinsan ko na yun dahil nga busy na kami sa kanya kanyang buhay namin, malayo din kasi ang bayan na tinitirhan namin sa kanya. Hangang dito nalang po Salamat!!!

DollsAndSpooks StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon