Mga Kwentong Cebu Tungkol Sa Aswang

58 4 0
                                    

Hi Clark,Thank you po sa pagbasa ng kwento ko at hello din sa mga avid fans ni Clark. Keep on supporting his page po. Its Mae again. Ako po yun from Cebu na nagkwento tungkol sa karanasan ko sa isang dormitory at nabasa ko po yung comments tungkol sa story. May nagtatanong kung sa Talamban ba ito- No, kung taga cebu ka marahil alam mo na ito kung mag bibigay ako ng hint- ito ay malapit lang sa I.T. Park. At nursing po ang course ko, nursing students po ang nag occupy sa dormitory kasi summer noon at wala ang mga aspiring priests bali nag rerenta po kami sa kanila for just one month, for the review kasi may classrooms po ang ibaba ng dormitory. Mag she-share lang po ako sa naranasan ko diyan.May ibabahagi po ako na kwento na naranasan ng mama ko at naranasan ko din. Hindi namin ma confirm if aswang o anung elemento ito nung panahon na yun. Nung bata pa mama ko mga around 6-7 y.o siya, isang araw ay nasa kusina siya at kumakain. Dun sa kusina mayroon po silang pinto na pagbukas mo ay katabi lang po sa daanan ng mga tao na nakatira sa likod sa bahay nila. Yung pinto nila ay may bilog na butas dahil inilipat po nila yung doorknob sa meydo mataas na bahagi ng pinto at hindi po nila natakpan. Kumakain po yung mama ko ng hapunan bandang 6-7 PM at naka upo siya na naka harap sa pintuan. Nang bigla may naramdaman yung mama ko na parang may nakatingin sa kanya.pag-angat niya ng ulo, deretso napatutok sa butas ng pinto ang mga mata ng mama ko. Nakita niya sa butas ay isang pulang mata na naka silip at titig na titig ito sa kanya. Natigilan sandali ang mama ko sa labis na pagkabigla, sobrang mapula daw yung mata at napaliligiran ng itim na balat na parang humahalo sa gabi. Nang marinig nya na mistulang pinipilit buksan ng nilalang ang pinto, dito na natauhan ang mama ko at napakaripas sya ng takbo syA sa sobrang sindak!Yung doorknob ay pilit na inikot-ikot at binanga pa nga ang pinto ng nilalang, parang balak pwersahin ang pinto. Mabuti at nasa bahay ang tatay ng mama ko at umiiyak na nagsumbong ang mama ko. Naniwala naman yung tatay niya kasi may usap-usapan na may aswang daw sa kanilang lugar. Yung tatay niya, which is lolo ko, medyo kilala sa mga tao doon. May pinadala daw si lolo na tao para kausapin yung hinihinalang aswang na wag na wag gagambalain yung pamilya niya kasi malilintikan daw niya pag umulit nito. At mabuti naman ay hindi na naulit yung pangyayari. Pero makalipas ang mga taon at ipinanganak na ako, nagpakita rin ito sa akin.Isang gabi na bumisita kami sa bahay ng lolo ko, naglaro kami ng mga pinsan ko nang tago-taguan. Ako yung taya, pagkatapos ng sampo ay nagsisimula na ako maghanap. una kong pinuntahan yung kusina, pero wala sila dun, sa sala ay wala din. Umakyat ako ng second floor, yung second floor po namin ay halos lahat ay bintana sa left side at ang bintana ay yung tipong pinagtapi-tapi na kahoy pero hindi naman makapasok ang tao kahit bata hindi kasya at pininturahan ito nang kulay GREEN. Pagtingin ko sa bintana nakita ko yung pulang mata, as in pulang-pula at yung katawan niya parang humahalo sa gabi. Naka hawak pa ito sa bintana na kulay green na bintana na hinawakan niya ay umitim na parang humahalo sa gabi. Talagang tinitigan ko siya ng mabuti at lumapit pa ako sa kanya, AS IN, malapit na malapit talaga na pwedeng-pwede niya akong sakmalin kung gustuhin niya at hindi ko rin mawari bakit HINDI ako takot sa kanya at that time. Dun lang ako natauhan nung natandaan ko na hahanapin ko pa yung mga pinsan ko.Pa-atras akong lumalakad patungo sa hagdanan at bago pa ako bumaba ay tiningnan ko muna ulit siya. nandoon parin siya, naka tingin lang. Bumaba ako at tumungo sa labasan, nagbakasakali na doon nagtatago yung mga pinsan ko pero wala parin. Umakyat ako pabalik sa second floor ,pero hindi ko na siya napansin kung nandun pa siya o wala na. Tumungo sa kwarto ng lola at lolo ko na may 3 steps lang sa hagdan at doon lang pala sila nagtatago. Around highschool ko na yata na kwento sa mama ko ito at doon na rin niya na kwento anung nangyari sa kanya noon. Hindi ko masabi na aswang ba yung o elemento kahit ngayun, kasi wala naman siyang ginawa. At nung highschool ko lang nagpagtanto na siguro, pinagmasdan niya kami na naglalaro or nakita niya mga pinsan ko pumasok sa kwarto nang lolo at lola ko kasi doon siya naka pwesto sa bintana na naka harap sa kwarto. God knows anung plano niya kasi ang dilim-dilim sa kwarto na yun. Good thing, walang nangyari sa akin o sa mga pinsan ko.Pero duda ng mama ko ay yun yung aswang na pinaghihinalaan nila nung bata pa siya. Siguro hindi natuloy yung balak niya dun sa mga pinsan ko dahil umakyat ako at hindi ako sinaktan kasi napagtanto niya na kung sumigaw ako ay maririnig siya nga mga pinsan ko na nasa kwarto lang nagtatago. Or if siya yung aswang na pinaghihinalaan ng mama at lolo ko, marahil kilala niya yung papa ko na napakasalbahe kung magalit kapag may gagalaw sa amin, lalong-lalo na sa akin kasi ako yung bunso, malamang babalatan siya ng buhay nun. Yung papa ko kasi ay iba din, talagang ina-alam niya or sinusurvey ang mga tao sa paligid namin, kinikilala at kinakaibigan mga taong pinaghihinalaan. Yung trait ng papa ko kasi kilalang napakabuti na kaibigan pero mala demonyo kung kaaway. Sabi ng mama ko ay napakatalas daw ng sense ni papa lalo na sa mga personality ng ibang tao hindi lang sa mga paranormal, pero mas tinuon daw niya ito sa mga personality ng tao kasi yun ang palagi natin nakasalimuha. May ibang experience pa ako nung bata pa ako. Naglalaro kami ng ate ko at ng kapitbahay nami. ang mama ko naman nasa gilid lang, nag pa-plantsa ng mga damit. gabi na din yun mga around 8 PM. Kaming mga bata ay may nakita kami sa isang puno namin na Guyabano. Hindi naman mataas yung puno ng guyabano namin pero ang bunga nito ay isa o hanggang dalawa lang pero napakatamis nito. Nung gabi na yun, sa ibabaw ng guyabano ay may nakita kaming ulo ng isang tao. may paka bilugan ito, maputi, kalbo at nagtatabacco. Mas pinagtaka namin ay nagliliwanag ang paligid niya at dahang-dahan umiikot ang ulo niya habang nagtatabacco at nagbubuga ng aso. Parang nagmamasid lang sa amin habang naglalaro at tinitignan din namin siya ng paminsan-minsan. Pero habang tumatagal,natatakot yung kalaro namin na kapitbahay at pilit sinasabi na tito or uncle daw niya ito,hindi kami sumang-ayon sa kanya kasi ang payat kaya ng mga uncle niya kahit papa niya ang payat-payat. At bakit naman nagliliwanag yung paligid niya. TAKE note,paligid lang ng ulo niya ang nagliliwanag which is ulo lang naman ang pinakita niya sa amin. Pilit ko pinalilingon ang mama ko pero ayaw niya, siguro natakot sa description namin. Umuwi ang kapitbahay namin na tumatakbo nung nakalabas na siya ng gate namin at nasisigaw ng mama at papa. Hindi naman kami natakot ng ate ko kasi hindi naman kami ginambala ng elemento. Pagkalipas ng ilang araw ay napansin namin na unting-unti namamatay ang guyabano namin aT hindi na nagpakita pa yung nilalang. Hindi naman namin masabi na kapre kasi hindi naman maitim at tsaka kalbo at maliwanag yung paligid ng ulo niya. If mayroong makapagsabi anu ito, please let me know. Hanggang dito lang muna at God bless to all of us. PS: Clark if pwede mo matanung si Zac kung anung elemento yung nakita namin. Thank you po.

DollsAndSpooks StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon