Magandang gabi po sa lahat! Eto na ung kwento ko tungkol sa magbobote samin na pinagsususpetsahan na aswang.Ang kwentong eto ay galing sa mga makakating dila na may pag dududa sa kanya. Isa din ako sa mahilig makisawsaw. Ina alam ko ang bawat detalye ng mga nangyayari. May isang magbobote na madalas naglalagi sa barangay namin. Palagi etong my dalang kendi at binibigay eto sa mga bata na nakikita nia.Matanda na si mamang magbobote, cguro mga nasa Sisenta na ang edad neto.Wla nmn akong nararamdamang kakaiba sa kanya. Bagkus, mejo nalungkot pa ako dahil sa edad niang yun eh nakakaya nia pang buhatin ang dala niang lalagyan ng bote.Minsan pag napapadaan sia sa.amin, binibigay ko nlang sa kanya ang mga boteng na iimbak dito samin. Konti lng nmn kc. Ang bait ko ano?Nagyon meron pang isang matanda dito sa amin na pinag hihinalaang aswang din at gaya ni mamang magbobote, mga sisenta na din ang edad nya Sa tuwing ng kaka salubong kmi, palagi ko sia binabati at inuunahan na pansinin. O ayan, di naman ako talaga masama, baka kasi iniisip nyo ganun ako kasi mahilig ako sa rambol dati.Minsan pag tumatambay kmi sa tindahan na open nmn kmi sa utang, madalas nandun din si tatang. Duon din kasi siya bumibili ng alak nya.At take note, hard eto na tanduay. Akala mo softdrinks lang ang iniinom, nangangalahati ang laman ng bote kung makatungga.Kami naman na mga sunog baga, palagi nmin siang pinupuri.Sabi namin sa kanya, "Astig kayo lolo! Hindi ba sumasakit ang atay nyo?"Ang sabi naman ni lolo, "Psss. Eto? Wala to. Ito ang bumubuhay sa dugo ko."Pero pagtalikod nya, ang mga plastik ko na kaibigan, sasabihin na "Aswang ka kaya hindi nasasaktan ang lalamunan mo."Tapos tawanan pero sinasaway kami ng may ari na tindahan na malandi. Baka daw balikan kami.Isang araw, naging usap usapan na may isang matanda ang bigla daw namatay.Ngayon, wala naman dapat kakaiba dun dahil nga matanda na rin yung babe. Kaso ang umuugong na balita, niyanggaw daw yung matanda.At nung nagpatingin daw yung babae sa albolaryo nung buhay pa sya, Sinabi daw ng albolaryo na "Niyanggaw ka, gamit ang baso."Tapos nagtanong yung albolaryo kung my pumapasok ba sa bahay nung matandang babae na nakiinom o kung sya mismo ang nakiinom sa ibang bahay.Ang sagot lng ng matandang babae ay "Ang naalala ko lang, nakiinom samin yung hinihinalang aswang sa amin."Kaya confirmed! Aswang nga ang matandang manginginom na iyon!Tinanong ng albolaryo ang matandang babae, "Ano ang desisyon mo? Gusto mo ba maging aswang or mamamatay ka na lang?"Sagot nmn ng babaeng niyanggaw, "Kng magiging aswang lang mn din ako,mas pipiliin ko na lang na mamatay."Kaya ayun, tinulungan sya ng albularyo na patayin ang sisiw sa tyan nya. Nung namatay ang sisiw, patay din yung matandang babae. Rest in peace.Pagkatapos nun, may nakahuli daw sa matandang magbobote at yung manginginom na aswang na nagbubulungan na sobrang kahina-hinala.Syempre, kapag may gusto, may paraan, kaya yung tsismoso na nakahuli sa kanila na mukhang may pinaguusapan, lumaki ang tenga at gumawa ng paraan para marinig ang usapan nila.Tinanong daw ng magbobote ang matandang hinihinalang aswang.Ang sabi neto ay, "Pre meron naba?"Ang sagot daw ng matandang hinihinalang aswang ay "Meron pre kaso namatay.."Ang tinutukoy daw ng matandang mag bobote kung my nayanggaw na sia.Hanggang kumalat ang tsismis na eto sa barangay at siguro, guilty, kaya di na muling nagpakita ang matandang magbobote at madalang na lang kng lumabas ang hinihinalang aswang.. Mabuti naman.Pero nagimbal ang lahat ng manalo sa lotto etong c tatang na mg bobote.Naging instant na milyunaryo eto at kumuha ng pwesto sa bayan na pag lalagyan nia ng scrap. Ikinapital daw nito ang pera na napanalunan sa lotto at sa ngayun, mga anak nia na ang ng mamanage neto..Kaya pinag pala padin sia kahit na aswang sya. Pero sana ay nd na sila kumuha ng bata o kumain ng laman ng loob ng tao kng my opportunity sila. At yun na ang ending ng aswang stories na narinig ko galing sa mga makakating dila na galing sa mga kabarangay ko. Oops. Nd pa dito ng tatapos. Susulitin ko nlang clark. Eto na ung last na naka encounter ako mismo ng aswang. At minsan ko nadin eto na ikwento sa comment ky ms shazeen bayun? Pero ang sinabi ko lng dun eh nung nagkaharap na kmi.Bago yun, bigyan ko muna kayo ng background dito samin. Apat kmi magkakapatid. 2 na babae at 2 kming lalaki. ako ang bunso. Ang isa kng kapatid na babae, sa manila nag tatrabaho at ang kanyang asawa.Ang kapatid ko nmn na lalaki ay sa barko nagtatrabaho.Tapus ang aking tatay nmn ay andun pa dati sa pinag tatrabahuhan nia natutulog, mejo may kalayuan sa bahay namin kaya stay in sya dun.Ang natira nlang dito sa bahay ay ako, ang isang kapatid kong babae, ang dalawa niyang anak, at ang nanay ko..Nagtatrabaho na ako ng panahon na ito.Bale ang asawa nmn ng kapatid ko eh sabado lng eto umuuwi sa mag ina nia sa bahay, dahil sa city eto ng tatrabaho.. Isang gabi, araw ng byernes, tinatamad na ako mg duty Na parang gsto ko na umuwi ng bahay. Kaya 7 plang ay umalis na ako sa pinagtatrabahuhan ko.Mga 1 hour din ang byahe at Nung naka uwi na ako, may pasalubong akong ulam, manok at liempo. Kaso lng malas kc brown out nun at naiinis ako kasi mainit na nmn...Habng kmi ay kumakain, agad sinabi sa akin ng kapatid ko na parang may umaaswang sa pamangkin ko. Palagi daw kasi etong umiiyak at mainit ang katawan.Sabi ko, "Aswang agad? baka my trangkaso lng yan.."Sabi naman ni ate, baka nga.Nung sumapit na angals diyes ng gabi, habang akoy nagsasoundtrip, Narinig ko ang pamangkin kong umiiyak na naman.Maya maya, sumigaw ang ate ko kasi tumitirik ang mata ng pamangkin ko.Agad kong tinawagan ung asawa nia at sabi ko "punta ka muna dito bahay ngayun. May nangangaswang sa anak mo."Nag panic ang asawa ng ate ko, pero malas na di sya makakauwi agad kasi nasa mindoro pala ang byahe nila nun.Sabi ko sa kanya, "cge wag ka mag alala, ako nlang mag babantay.."Agad akong lumabas ng bahay at nagsiga ako ng lumang gulong ng motor.Tiniis ko ang baho. Kahit siguro di ka aswang, lalayo ka rin sa amoy.Ngunit nung maubos na ang apoy ng gulong, agad din nawala ang mabahong amoy ng sunog na goma.Hanggang sa nakarinig kmi ng kaluskos sa dingding. YUng nanay ko at ung kapatid ko ay umiiyak na sa takot.Gusto na nila sumigaw para huingi ng tulong pero ang sabi ko, "Wag! Aasarin ko sila.."Sabi ko pa, "wag na lang kayo lalabas ng bahay kahit ano mangyari.."Yung itak at kutsilyo namin, hinsa ko silang dalawa para lumikha ng tunog. Nakakairita ito sa aswang kaya pakiramdam ko subrang galit na galit na yung pesteng aswang.Kaya sabi ko sa nanay ko, "Nay lalabas ako ng bahay. Haharapin ko sia."Oo nga pla, kahit sumigaw ang nanay ko ng saklolo, asa pa na may tutulong samin.Yung pinakamalapit kasi namin na kapitbahay ay yung tito ko na bwisit sa buhay namin. Ang kapal ng mukha na pagbitangan kami na nagnakaw ng manok nya. Anong akala nya samin, patay gutom?Nagkasagutan kami. Sinabi ko sa knya, "Manok ba kamo? marami kaming manok dito, gsto mo my kasama pang pato. Isaksak mo sa baga mo."Agad etong sumigaw na, "bastos ka ha! ano ba gsto mo?"Agad kong cnabi na, "Puro ka satsat! Cge halika dito, tito, suntukan tayo!"Sabi nia sakin,"Hah gago! tingnan mo katawan mo sa katawan ko. Ano ako, tanga?"Malaki kc ako sa kanya kaya din nag aalangan din sia makipag one on one sa akin.Agad ko sinabi sa kanya na "O akala ko matapang ka? Hindi yan nakikuha sa laki ng katawan."Sabi ba naman nya sakin, "Putukan nlang daw. Para patas."Agad ko sia minura, "Ulol! Kung mapatay kita, ayaw ko pa makulong o kung maunahan mo ko, ayoko pa mamatay."Agad nmn sinaway ng tita ko ang tito ko na pasaway na tumahimik na..Kaya yun na nga ang dahilan kng bakit ayaw kong sumigaw ang nanay ko ng saklolo. Kasi sasama lang loob namin dahil walang kwenta ang tito ko, matitiis nya kaming di tulungan.Isa pa, sinabihan ko sila nanay na wag sumigaw dahil minsan isa eto sa ng bibigay ng takot sa akin.Ako kasi, gsto ko ay biglaan palagi..Kaya napilitan akong mag solo.Nag ipon muna ako ng kunting tapang at inisip ko ulit ang special kng power.Inisip kong isa akong robot na ang totoo lng katawan ay nasa loob ng ulo ko.. Yun kc palagi ang ng bibigay ng tapang sa akin.. Para akong android, hehehe.At yun na, napag desisyunan kong lumabas na ng bahay at tunguin ung kumakaluskos sa dingding..Ang sabi ko, "Hoy, saan kna walang hiya! Lumabas ka jan. Ang lakas ng loob mo, Pamangkin ko pa talaga kukunin mo ha.."Inikot ko ang bahay at tanging kutsilyo lng ang hawak ko. ALam ko nmn kc na hindi puputok ang baril Pag baril ang dala ko.Segway ulit, nung time na yun, Wla na dun ang tita ko Kasi kumuha nadin sia ng apartment sa city. Yung lolo ko nmn ay nasa mindanao kasi Pinagbakasyon ng anak nia Na tita ko..So wla talaga akong maaasahan na tulong kundi ang sarili ko lng..Habang umiikot ako sa bahay, puro malulutonh na mura ang sinasabi ko. Para ipakita na di ako nasisindak. Yung paaanan ng bahay nmin ay ilog. Naka abot ako dun sa pag lilibot libot ko..Habang ako ay patuloy na nag lalakad, biglang my parang pumalo ng latigo sa likod ko.Sabi ko na lang, "Aray! Shit ka!"Nung patalikod na ako para harapin sia. Iniisip ko ulit na isa ako robot at safe ang katawan ko.. Hindi ako nakakaramdam ng sakit.Nagulat ako dahil babae ang nasa harap ko. Mahaba ang buhok nito at nakabestida.Hindi ako nagaksaya ng panahon, inundayan ko sya ng saksak. Kaso medyo nagimbal ako kasi parang kahoy ang katawan nia.Bumanda lng ang kutsilyo sa katawan nia at agad na tumalsik ang kamay ko at nabitawan ko yung kutsilyo.Kaya kamay nlang ang gamit ko. naisip ko, babae lang ito saka malaki naman katawan ko. Kaya ko ito.Pilit ko siang hinahawakan sa kamay pero para syang palos sa kadulasan.Hanggang sa nasabunutan ko ang buhok niya at yun na, pinaulanan ko sya ng upper at lower cut at nakaramdaman nmn cguro yung aswang ng sakit..Fan ako ng one punch man at idol ko c genos. hehehe. Kaya habang binabanatan ko ng suntok ang aswang, sabi ko "Machine blows!"Habang sinusuntok ko sia ng kaliwa at kanan.Hanggang sa pagod na pagod na ako, siya parang malakas pa rin. Hindi ko na kaya makipag sabayan.Hanggang nainis na yata yung aswang at binalibag ako na parang manika ng walang kahirap hirap. Para lng akong papel, di man lang sya nag-effort na gawin sakin yun. Hanep!Tapos bigla nya akong hinablot sa damit at initsa ako na parang basahan. Nag pa gulong gulong ako hanggang sa maka abot ako sa ilog..Hindi ko alam kung ilang oras na kmi nagbabakbakang dalawa..Hanggang sa hindi ko na kinaya at ng palubog nlang ako sa tubig. Agad akong sumisid at humanap ng mapagtataguan.Buti nlang naka kapa ako ng mga dulo ng kawayan sa ilog. Itoy nag silbing taguan ko.Naririnig ko ang malakas na paghinga nung babaeng aswang, halatang gigil pa sa akin at hinahanap na ako.Hindi sya maka punta sa ilog kasi maalat ang tubig ng ilog na yun na sinabayan ng hightide..Hanggang sa nakaidlip ako sa sobrang pagod at umaga na nang makaahon ako.Pagdating ko sa bahay namin, bungad ko sa nanay ko, "Wow, im alive!"Puro ako kalmot sa kamay at likod ko pero isang peklat nlang ngayun.Para maiwasan na ang ganun, yung kapatid kong babae lumipat muna sa pamilya ng asawa nia sa city, dun muna sila pansamantala..Cguro mga 3 days din ako hindi nakaduty dahil subrang sakit ng katawan ko..Anyway may hinala ako kng cnu ung aswang na yun..Hanggang dito nlang muna clark. madami ako e si share sau.Tulad ng love stories nmin ng x ko. Kaso wla na kmi eh.Nagkapalagayan kmi ng loob. Kc tinulungan ko sia kng pano nia ma e handle ang kanyang 3rd eye.. Well sa susunod na clark..Sa mga makikinig. Wla.na ako paki alam kong maniwala kau o nd..Ok lng sa akin. Basta wla lng akong makitang mg mumura sa comment mag papatuloy ako sa pag sishare sa nyu ng karanasan ko tungkol sa mga kababaaghan na yan.At ngayun pla ay meron na akong panguntra sa knila. Panangga kumbaga.Isa lng itong basyo ng bala at mga lana na ginawa sakin ng albularyo..Hanggang sa muli..
BINABASA MO ANG
DollsAndSpooks Stories
HorrorMga past stories na binasa sa Youtube channel na DollsAndSpooks