Hi Dolls and Spookifiers..Hi Sir Clark..Khyla Again hir..So here is my story..Nung High School sumali ako ng MArching BAnd sa province namin..Majorette ako dun...sa probinsiya namin uso doon ang tinatawag na Dapit..or yung kami ang tumutugtug habang ipinaparada yung patay papunta sa sementeryo...kadalasan po maaga ang call time nmin...kasi tumutugtug pa yung mga players namin sa mismong bahay ng namatayan...kaya dapat mga 3-4am andun na kami...isang madaling araw nagising aq ng kusa..(siguro naranasan na din ng iba ang ganitong pangyayari...yung iseset mo yung alarm clock mo pero mauuna ka pang magising kesa sa pagtunong ng alarm clock.)..so ayun na nga po...nagising ako pero yung braso ko nasa takip sa kanang mata ko...dahil kakagising ko lang sinanay ko muna yung mga mata ko sa dilim....madilim ang buong kwarto..may konting liwanag naman na nanggagaling sa liwanag ng buwan...nasakto pa na full moon nung gabi na yun..double deck po ang higaan namin noon ng kapatid ko..usually po sa taas ako natutulog..pero nung time na un naglambing ang sister ko at nagrequest na magtabi daw kami matulog...sa paanan po ng higaan namin ay doon din po nakapuwesto ang pintuan ng kwarto namin...so habang sinasanay ko ang mga mata ko sa dilim, may napansin akong white na polo sa may paanan na namin na parang nakahanger at nakasampay sa may higaan namin...bale dahil double deck ang higaan parang nakasampay po ito sa ilalim ng pangalawang deck..kaso nagtataka po ako kasi wala naman akong natatatandaan na nagsampay ako ng polo nung gabi...kasi d naman un ang uniform namin ng araw na yun para sa marching band...isa pang pinagtataka ko ay gumagalaw ang polo na parang nattamaan ng hangin..eh hindi naman po kami naka electricfan nung time na un kasi sobrang lamig ng panahon...malau din po sa bintana yung damit kasi bale nasa bandang paanan po namin iyon nakapwesto...yung bintana po ay nasabandang ulunan namin...hindi ko din maintindihan yung katawan ko kasi hindi po aq makagalaw...parang may pumupigil sa katawan ko..at hindi ko din maipikit yung mata ko...hanggang sa mamya maya ay unti unti nagkakaroon ng kamay yung damit..unti unti din itong humaharap papunta sa direksiyon ko...nung naka side palang ay mukha lang itong polo...pero nung pagharap nito at nag mukha ito damit ng sakristan..hanggang sa nagkaroon nadin ito ng leeg..at ulo...pero yung ulo niya ay natatakpan ng pangalawang deck...kaya hindi q pa agad nakita na meron na...madilim padin ang paligid at liwanag lang ng buwan ang basehan ko ng liwanag...nung tuluyan na siyang nakaharap sa akin dahan dahan niya pong ipinilig yung ulo niya...natatakpan po kasi ng pangalawang deck yung ulo niya kaya ang itsura niya po ay parang sinilip niya aq...lalo pong nanigas ang katawan ko nung mangyari un..para po akong binuhusan ng malamig na tubig...nakita ko po yung buhok niya na nahati sa gitna...tulad ng mga usong gupit ng mga lalaki noong panahon na un...pero hindi ko po maaninang yung mukha niya...may mukha po pero sa pagkakatanda ko wala po siyang mata..ilong at bibig..habang nakapilig yung ulo niya na nakaharap sa akin..unti unti po siyang tumatalikod sa akin...at humaharap sa may bandang pintuan na nasa bandang paanan din po namin...d naman po totally naka tapat...ayon po kasi sa sabi sabi..bawal daw po na nakatapat sa pintuan nag higaan...aun nga po...nakita ko din po na unti unti niyang itinataas yung kamay niya at iaaabot sa may doornob ng pintuan...nakatingin padin po siya sa gawi ko pero nakatalikod na po sa akin ang katawan niya..parang nakalingon nalang po xa...sakto po pagkahawak na pagkahawak niya sa doornob..bigla pong umilaw sa labas ng kwarto namin...may konting siwang po kasi sa ibaba at itaas ng pinto ng kwarto namin kaya makikita po namin kung may ilaw o wala sa labas..nung umilaw po sa labas ay bigla din po sya nawala...at maya maya pa ay bumukas na ang pintuan at pumasok ang lola ko na gigisingin pala ako nung oras na un...alam niya kasi kung anong oras ang call time ko...laking pasasalamat ko ng makita ko ang lola ko..pero d ko padin naikwento sa kanya kung ano ang nakita ko...parang natulala kasi ako...d padin ako agad agad n nakagalaw...hanggang sa niyugyug na niya ako...dun ko lang naigalaw ang katawan ko...sinabi niya sa akin na 3:00 am na...at mag ready na ako kasi maya maya ay dadating na ang sundo ko...gumalaw naman ako pero d padin ako nagsasalita...alam kong maayos ko namang nagawa ang mga dapat kong gawin tulad ng pag ligo pagbihis at pag memake up..pero d padin nawala sa isip ko ang nangyari....parang ang bigat bigat ng katawan ko habang gumagalaw.hanggang sinundo na nga ako nung service namin sa marching band..pinilit ko nalang ipagsawalang bahala yung nakita ko..para makapagtrabaho ako ng maayos...actually ganun naman lagi ang ginagawa ko pag nakakita ako...pinipilit kong isipin na wala lang yung nakita ko..May isa pa po akong part time Job...kung sa madaling araw po ay sa marching band ako..sa gabi naman po ay singer/dancer naman po ako sa BAnd..Simula po ng mangyari un...ayaw ng matulog mag isa ng kapatid ko sa kwarto namin...hindi ko naman po ikinuwento sa kanya yung nasaksihan ko..kaya alam ko pong wala siyang idea na may namamahay sa kwarto namin....Sabi niya sa akin...tuwing gabi daw na wala ako...may naririnig siyang bumubulong sa kanya sa kwarto...hinahanap daw ako...pero wala naman siyang nakikita...basta may bumubulong lang...kaya tuwing wla ako ay mas gusto niya pang matulog nalang sa sala...hanggang sa dumating ako...May isang gabi pa noon bago siya nagpasya na sa sala matulog pag wala ako...kakadating ko lang galing sa Gig ko..mga 3am na po un...pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin ay nagulat ako...kasi biala nalang tumayo ang kapatid ko..at lumabas ng pinto ng kwarto...nagmamadali siya at nilampasan lang ako...akala ko naiihi lang siya kaya nagmmadali lumabas...pero naisip ko agad na may sarili naman kaming banyo sa kwarto kaya bakit lalabas pa siya...tinatawag ko siya pero di niya ako pinapanasin...napansin ko din pala nung dumaan xa sa harap ko na nakapikit xa abang naglalakad..nakita kong dumiretso siya sa may pintuan palabas ng bahay namin....hinabol ko siya bago makalabas ng bahay...pagkahawak ko sa balikat niya bigla siyang nagising..tas parang wala padin sa sarili na bumalik siya sa kwarto namin...kinabukasan, tinanong ko siya kung ano ang nangyari sa kanya nung gabi...sabi niya may bumubulong daw kasi sa kanya na hinahanap ako...tapos sabi nasa labas daw ako tapos naka lock yung pinto..hindi daw ako makapasok...kaya bumangon daw siya para pag buksan ako...pero nakita nalang daw niya na nasa likuran na niya ako..kaya bumalik na siya sa pag tulog...hanggang sa napapadalas na yung pag bulong sa kanya pag wala ako sa bahay...sa kwarto lang naman namin nangyayari..kaya mag gusto niyang matulog nalang sa sala..di nagtagal nag pasya sila mama na ibenta yung bahay...kasi gusto nilang lumipat ng lugar...nabenta naman agad un.at ginawa itong boarding house ng nakabili...malapit kasi ito sa isang sikat na fast food...madaming dayo na crew ng fast food na naghahanap ng matutuluyan...paminsan minsan ay pumupunta padin kami sa lugar na yun..kasi karamihan sa mga kamag anak namin taga doon...may mga naririnig kaming kwento na tinatanong ng mga boarders kung sino si Khyla...di ko padin alam hanggang ngayon kung bakit ako hinahanap ng entity na un..oh kung ano man un...may mga ilan akong mga pinsan na napagkwentuhan ng pangyayari na un...sabi nila ay bantay ko daw un..sana po ay may makapagpaliwanag din po sa akin kung anong klase ng entity ang nakita ko...salamat po..
BINABASA MO ANG
DollsAndSpooks Stories
HorrorMga past stories na binasa sa Youtube channel na DollsAndSpooks