CHAPTER 6

45 0 0
                                    

CHAPTER 6

GOLDEN RULE:
Oo, may rules din yang mga call center agent para magampanan ng maayos ang kanilang trabaho. At ang pinakaimportante dito ay "NOTE WHAT YOU QUOTE".

Sa bawat tawag ni customer at sa bawat pag open mo ng account, importante na naka note sa memo lahat ng sinabi mo sa kanila at lahat ng ginawa mo sa account. Kaya importanteng kaya mo ang mag MULTI TASKING. Kausap mo si customer, nagta-type ka ng mga issues nya at ng resolusyon na binigay mo. Kung anuman ang mga binago sa account nya, magkano ang bill, LAHAT.

Bakit? Dahil ito ang magiging basehan ng susunod na ahente sa susunod na tatawag sya ulit. Kung anuman ang nangyari sa account ni customer, ang agad pinupuntahan ni agent ay ang memo. Ito ang pinagsisismulan ng lahat sa tuwing may katanungan si customer o reklamo.

Kaya importante na tama ang iniiwan mo na nakasulat dito. Mahirap ito sa isang ahente gawin minsan lalo na kapag QEUEING. Yung kakatapos mo pa lang sa isang call at hindi ka pa tapos sa memo mo sa huling nakausap mo dahil sa sobrang dami mong nasabi kay customer tapos bigla na lang na disconnect yung call nyo. Tapos biglang pumasok ang susunod na call. Hindi na halos makumpleto minsan ng ibang ahente ang pinaka importanteng gawain nila.

Pero maraming ways si Agent pagdating sa ganyan para hindi sya ma-harrass sa memo at maging kumpleto ito. Andyan yung "May I please place you on hold?" , "just a minute to check the account". At habang naka HOLD si customer yun na yung nag ta type si agent ng memo, o kaya umiihi lang pala dahil super long call na, o may kachikahan lang at pumepetiks lang sya, may kausap na supervisor dahil mahirap ang sitwasyon. Maraming dahilan si agent para i-hold si customer, pwedeng para tumulong o magpahinga. Basta ang importante, they note what they quote.

Sa ngayon naiisip mo pa ba na pang no brainer ang call center? Mga nagtatrabaho para kausapin ang mga taong may problema sa mga bills, gadgets, accounts (o mga wala lang makausap sa bahay at lasing)  o kung anuman na makakatulong sa kanila ng mabilisan dahil importante ang tumatakbong oras para sa ibang bagay na kailangan din nilang gawin. Minsan pati problema sa buhay at bahay nila ay nasasabi na nila sa sobrang frustrations.

Mga nagtatrabaho para mabuhay at nagiging artista sa bawat sagot ng tawag para umarteng masaya kahit may problema at damayan ang mga customer sa kung anumang issues at tumulong sa mga ito.

Tumawa sa mga jokes ni customer na corny talaga minsan o talagang hindi mo lang talaga naintindihan. 

Magpaka Accountant, Auditor o Detective sa pag check ng account para malaman lang ang pinagmulan ng mga problema at kung paano mo mabibigyan ng solusyon.

 
Magpaka Psychologist at pilit intindihin ang pinagdadaanan ni customer kahit gaano kadali o kabigat ang pinoproblema nya.O magsabi ng pangit na balita sa customer sa paraang positibo pa din pakinggan.

 
Sa tingin ko, mahirap pala maging call center agent. Sino nga ba ang mga nag iisip na ang trabaho na ito ay isang no brainer job. Ikaw? Sa tingin mo ba ay kakayanin mo ito? At kung nakaya mo, tingin mo ba ay no brainer job ang ganitong klaseng trabaho? 

Para sa akin walang trabaho ang hindi kailangan gamitan ng utak. Importante ang may kaalaman o ekspiryensya sa lahat ng klase ng trabaho. Kaya kahit ano pa man ang trabaho mo. Ipagmalaki mo yan, dahil may mga tao man na kinakaya kung ano ang mga ginagawa mo, meron pa din na mga tao na hindi kakayanin ito. Dahil hindi lahat ng tao ay may pare-parehong kakayanan, abilidad o kapasidad. Tandaan mo, wag mong mamaliitin ang trabaho ng iba. Hindi ibinigay ng Maykapal ang mga bagay ng perpekto.


Call Center, No Brainer? Ikaw ano sa tingin mo?


Call Center, No Brainer? Ikaw ano sa tingin mo?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Call Center No brainer : Part 1 TELCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon