Silver Arrow

66 1 0
                                    

(Month of November, 2059)

6:45 Am

Late na naman ako.

Hays, kahit kelan talaga d ko matututunan ang salitang punctuality. Kailangan ko na namang takbuhin tong school ko. Nakakawapoise. Buti nalang at running distance lang ito sa bahay.

Oo running hindi walking kasi hindi ko naman to nilalakad eh, tinatakbo ko to. Hindi ako sporty type, sadyang lagi lang talaga akong late kaya ko tinatakbo to lagi.

Im Cassedy Chase. 18 years old attending Kaistine University taking up Bs Chem, 2nd year.

(And no, no one's allowed to ask why Bs Chem)

"Oh Cass, mukhang late na naman tayo ah?" naka ngiting bati ni manong guard sakin habang pinapasok ko ang ID ko sa scanner sa harap ng gate.

Tumawa lang ako sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka. Matuto ka kasing gumising ng maaga. Ke-lapit lapit na nga lang ng bahay niyo eh, late ka pa," pagsesermon ni  guard sakin at may pailing iling pa.

Kinuha ko  ang mga bag ko nang makita kong natapos nang inspectionin ni Miley-- ang robot guard inspector ng school.

"Mahirap po talaga baguhin ang nakasanayan ano po manong? Una na po ako. Magandang araw po!" Paalam ko sa kanya.

Kilala na ako ni manong guard. Eh sa araw araw ba naman akong late?

"Wow."

Kahit na dalawang taon na ko sa campus na to, hindi ko talaga maiwasang mamangha sa kalakihan at kagandahan nito.

Imagine an international soccer field, (yung mga nakikita nyo sa TV pag may laban ng soccer,) now i-double nyo ang laki nya. Yep, ganyan kalaki at kalawak ang  school na kinakatayuan ko.

May apat (4) na parte ito.

North Wing. Unang makikita mo  pagkapasok sa gate. Kasing laki ito ng Megamall. Dito matatagpuan ang mga classroom, Gym, Auditorium, Planetarium, Aquarium. (Yes, no kid)

Sa likod ng North wing, ay ang South Wing.

Sa South wing naman nakalugar ang mga faculty ng school na ito, and for all I know, It is strictly prohibited to enter the gates of that wing. Well, depende nalang kung pinapatawag ka ng isa sa mga prof dito, but that is a rare occasion. Mas malaki ito kesa sa North, in fact ito ang pinakamalaki na building sa buong campus.

Sa kanan ko naman, ay ang West Wing. At ang sa kaliwa ko ay ang East Wing. Dito naman matatagpuan ang mga dorms, malls, and other entertaining stuff for students.

Ang soyal nila hindi ba? And I guess you're thinking that this school is designed only for royalties.

Sorry to bust your bubble, but its a no.

Kasi lahat pwede mag aral dito, maipasa mo lang yung assessment exam nila.

In short, mayaman ka man o mahirap, basta may utak ka lang, pasok ka na dito without worrying the fees to pay.

Buti nga nakapasok pa ko dito eh. Kasi kung hindi, you might see me in the streets begging for foods.

"Cassedy Chase! You're again late! This is the nth time young lady!"

Napapikit nalang ako sa sakit ng tengang naramdaman ko dulot ng sumigaw si Professor Liliana Jones.

"Go to your seat! And make sure to go to the detention room after your class!"

Napabuntong hininga nalang ako sa daily embarrassment ko sa harap. At para hindi na ako mapahiya nang matagal, naglakad ako agad papunta sa upuan ko.

"As what I've said earlier, this functions are crutial in all kinds of..."

Monday. 7:00- 10:00 am Trigonometry

Kung yan ang ideal way ng school on how to start your week with a smile, then they aren't doing it right. Well at least in my case tho. Kasi compared sa mga kaklase ko, mukhang effective naman sa kanila. Attentive listeners.

Kinuha ko ang notebook ko sa bag ko. Take down notes? Pfft. I prefer sketching.

As for having friends, let's just say I have none. Yes, that would be the best way to describe how pitiful I am.

Siguro 30 minutes palang akong nakaupo nang biglang tumunog ang speaker ng room namin.

"Excuse me for this announcement, excuse me for this announcement,"

Lahat kami nag aabang kung anong sasabihin ng speaker. Kahit na alam na namin ang announcement, who would not live to hear the official suspension right?

"Requesting all the faculty members to please proceed to the meeting hall South wing right now."

There they go with their meeting. It has been 2 weeks na laging na iistorbo ang klase namin dahil sa biglaang meeting nila. At masyado akong curious kung bakit.

"Okay class, you are dismissed."

***

AMITY GARDEN

The perfect place para sa mga tulad kong loner. (Well that came out pathetic).

Simpleng garden lang ito, And by simple I mean it contains almost all the flowers of the world.

What makes it perfect is the bench fixed just under the shade of the biggest tree in this garden beside a mini river, and across is a forest. Perfect place for collecting thoughts for sketching.

I remember almost settled on my sit when, a wave of water came crushing me.

"Ah! Fuck this," sambit ko habang pinupunasan ang basa kong mukha, braso, uniform, at paa. In other words, Im trying to dry my soaked self by believing that my hands could do the work.

"Masyado bang masarap ang tubig at gusto mong pati ang ibang tao makiligo din?"

If only glares could kill. This shirtless hunk might be a dead meat right now.

"Shit!" I herad him cuss. "What are you staring at?!" galit na tanong nya sakin habang umaahon sa tubig.

Napataas kilay ako sa kanya at maya maya ay natawa na.

"Wow, its 2059 and still there are people like you exists."

He was puzzled. Of course he should. People like him don't understand how much of a douche they are. Siya na may kasalanan, siya pa may ganang magalit. Fun fact, I hate people like this handsome creature.

Bago pa man kusang lumabas ang mga insultong handang bitawan ng bibig ko,  a silver arrow came from the other side of the the river, was stuck in my right shoulder.

Hindi ko namalayan ang sakit. Not until I saw blood streaming down from my body. (Gods, I hate blood).

Scared to the bones, I let myself fall to the ground. I could feel the coldness of my seat and the loud beating of my heart.

"Fuck! You okay miss?"

I could barely understand the guy's words. I mean sinong may pake sa sasabihin ng iba sa sitwasyong alam mong may masamang nangyari sayo? Not me.

I felt his feet faced the part where the silver arrow came. And after that? Darkness.

***

Hi guys, nirevise ko po yung story. Hahaha. Sana magustuhan nyo parin. Maraming salamat sa nagvote at nagtake time magbasa! Good bless 💕💕

The Kai HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon