"For polyatomic molecule like this, another rule of... "
1:30 PM. Andito ako sa classroom namin, nakikinig sa discussion ni Prof CJ. My prof in Chem.
Hindi ko parin maalis sa isip ko ang panaginip ko kagabi. Or was it a dream? Because it seemed so real! Yet sabi ng nurse, nananaginip lang daw ako.
*Flashback*
"Miss Cassedy, its time for you to wake up."
Nagising ako sa boses ni Miss Nurse (eh hindi ko sya kilala eh haha)
"Good morning, you can attend your class in the afternoon now." bati niya
"Good morning din po. Salamat,"
Paalis na sana yung Nurse ng may naalala ako.
"Miss, sino po pala ang naghatid sakin dito kagabi? Kasi po ang alam ko nasa Amity Garden po ako."
"Hmmn? You never left your bed Miss Chase, are you feelin' fine?"
Is it me or talagang kinakabahan siya?
"Okay lang naman po ako, ang alam ko po kasi talaga nasa Amity Garden ako kagabi tapos.."
Weird, d ko na maalala yung kasunod nun?
But the Nurse's stare is weirder.
"Now honey, it was only a dream, only a dream." malumanay niyang sabi
"Only a dream." pagsangayon ko habang tumatango tango
"Now, what were you saying earlier?" nakangiting sabi niya
"In my bed. I didnt left right?" sagot ko with confused look.
Pero parang kanina may naalala akong pinuntahan ko kagabi?
"Good."
Nakita ko syang ngumiti tsaka umalis na
*end of flashback*
But boy I am sure it isn't a dream! Tss. Pero bakit sumangayon ako sa sinabi ni Miss Nurse kanina? Just like what happened yesterday with the tree accident. =_=
Tss. Maiistress lang ako kakaisip nyan. Mabuti pang makinig kay ser! Tama!
Tinuon ko yung atensyon ko sa taong nasa harap na nag tuturo. At ilang minuto ang lumipas ay.
Ang boring naman =_= tsss hindi ba nauumay tong mga kaklase ko? Halos silang lahat enjoy na enjoy sa pagtuturo ni sir eh! Ako lang ata hindi. -3- Di bale na. Kunyare nag eenjoy nalang din ako. Haha
***
Nandito ako sa cafeteria ng university. Para kumaen. Magulat ka pag nakita mo kong nag swimming dito haha.
Masayang masaya kong kinakagat ang pagkaen ko-- king size burger. Mwuahaha d ako matakaw. Slight lang! Haha
Habang kumakaen ako, napansin kong may binubully na naman ang no. 1 bully sa university na to. Tsss.
"Hoy Kazier. Anong kagaguhan na naman to?!" bulyaw ko sa kanya ng nakarating na ko sa pwesto nila.
Ng makita nila ako, halatang nanginginig na sila sa takot. Haha sabi sa inyo eh, takot yang mga yan sakin!
"Shit. Bat d nyo sinabing andito to dito?!" narinig kong bulong ni Kazier sa kasama biya. Srly? Bulong yun?
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at sinilip yung kawawang lalaking napagdiskitaan nila.
BINABASA MO ANG
The Kai High
Fantastik"The High is the only choice we have, unless you want to get yourself killed."