Ang muling pagkikita

238 2 0
                                    

Now you know the reason behind kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong asawa't anak. Nagkaphobia ata ako sa mga lalaki or should I say na binangungot ako kay Jose?

Buti na lamang at magtatapos na ako sa kolehiyo nung una kaming nagkakilala, kung kaya't hindi ko na nakikita pa ang "Busangot" niyang mukha.

"Mare, may balak ka pa bang mag-asawa?" ang tanong ni Boobai habang nakatambay sa bahay at  nagugupit ng kuko sa paa.

"Wala na ata! Matanda na ako eh, sino pang lalaki ang magkakagusto sa akin?"

"Ouch!" sagot niya

" oh..Bakit?"

"Nagupit ko ung balat ng daliri ko sa paa..anyway, nagiinarte ka kasi dati kay Jose.Nililigawan ka na,ayaw mo pa"

" Bakla naman, magbibigay lang kayo ng pwede kong maging boyfriend, ung mokong na un pa?"

"Sikat kaya un sa iskul natin dati diba? Sabagay, sino ba namang hindi sisikat kung taun-taon eh sumasali siya sa beauty pageant ng skul!"

"at taun-taon din siyang talo! Feeling pogi, kala mo naman napaka hearthrob, mukha namang doorknob!" ang naiinis kong tugon.

 "Grabe ka naman mare. Umamin ka, kinilig ka sa kanya noh?" 

"Hindi noh!" ang madiin kong sagot

"Tumingin ka sa mga mata ko. habang magka holding hands kayo at nasa loob ng kwarto, may nararamdaman ka noh?"

"Wala nga! Wala! Wala!"

Maya-maya pa ay inilapit ni Boobai ang mukha niya sa akin.

"Anong nararamdaman mo?" ang bulong niya habang magkalapit ang mukha namin.

"Nararamdaman ko....ang MABAHO MONG HININGA! Tse!" sabay layo sa kanya.

" Nag toothbrush naman ako ha?"

"Kelan ang huli aber?"

"I forgot the date.. pasensya hehehe"

"Bagra!"

Super close friends talaga kami nitong ni Boobai, mula elementarya kasi ay magkaklase na kami at nasaksihan ko na rin ang pagbabago ng mukha niya, mula sa pagiging Homo Sapiens hanggang sa pagiging Homo Erectus. Syempre Charot lang!

Sabay kami laging pumapasok ni Boobai sa isang Massage Parlor. Pwede na rin dahil graduate naman kami ng BS Physical Therapy. 

"Uge, may customer na sa room 12, puntahan mo nalang" ang sambit ni sheena na receptionist sa pinapasukan kong massage parlor.

"Okie" at saka na ako dumiretso.

Sa pagod ko hindi ko napansing tinawag pala ako ni sheena para may sabihin pa. 

"Uge! Naku patay! bahala siya" ang sambit ni sheena habang nasa reception area.

Pagpasok ko sa  room 12 , napansin kong nakahubad na at nakahiga na patuwad ang customer. Handang handa na siya para sa masahe ko.

"tomboy ba to?" ang bulong ko sa sarili ko. Hugis lalaki kasi ang likod niya .

"Ma'am, ready na ba kayo?" ang tanong ko.

Dedma ang customer ko. "Siguro po pagod na pagod kayo sa trabaho ninyo kaya nandito kayo ngayon at nagpapamasahe?" ang tanong ko habang naglalagay ng oil sa aking kamay. 

Wala pa rin siyang imik. "Ma'am..Ma'am..patay na ba kayo?" 

Nakatulog na ata siya  kung kaya't hindi na niya narinig pa ang biro ko. 

"Uhhh...Ahhhh.....uhhhh......ahhhh...." ang ungol ng customer. Siguro nasasarapan siya habang hinahagod ko ang likod niya.

"Ma'am, ang dami po ninyong lamig sa katawan, ano po bang trabaho ninyo?"

Dedma pa rin ang customer ko. 

"Walang hiyang tomboy na to, pipi ba to?" ang bulong ko sa sarili ko.

Halos kalahating oras na akong nagmamasahe sa likod niya nang bigla siyang magising at magsalita.

"Miss, pwede ba umihi muna?"

Sounds Familiar. Parang narinig ko na ang boses na ito. 

" Sige po bilisan nyo lang ha". 

Agad siyang bumangon at humarap sa akin. "Sarap ng masahe mo, pagod na pagod talaga ako eh"

"Jose??!!!" ang tanong ko

Parang nagulat siya sa sinabi ko. Dahil dito ay mabilis kong binuksan ang ilaw ng kwarto.

"Excuse me? Do I know you? Isa ka ba sa mga binreak ko? O isa sa mga avid fans ko?"

"Hindi mo ako maalala? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung sino ako?"

"Teka lang ale, wag kang maghuhubad" ang sambit ni Jose

Bwisit talaga ang lalaking ito. Feeling pogi! 

"Ako lang naman si Uge, schoolmate mo. Remember, ung blind date sa school during foundation day?" ang pagtataray kong sagot 

"Ah..ung hinawakan hawakan ung kamay ko?"

"Hoy! kapal mo, Ikaw kaya ang unang humawak sa kamay ko noh?"

"Buti naman at natatandaan mo pa ako"

"bakit ko naman hindi matatandaan yang mukha mong...

"POGI?" bigla niyang sagot.

"...puro bukbok!" ang pagpapatuloy ko.

"Ang sakit mo namang magsalita, ilan na ba ang anak mo aleng uge?"

"Stop calling me aleng uge at baka baliin ko yang buto mo? akala ko kanina tomboy ka, yon pala ugly boy! " buong pagtataray ko sa kanya.

 "Excuse me...speaking of tomboy, may nakausap ako kaninang tomboy, ayun pag-alis ko babae na!" ang pagbibiro ng mokong habang kinakagat ang labi niya, as if naman cute siyang tignan sa ginagawa niya.

Dahil sa ingay na ginawa ko, biglang dumating si sheena at ang chaka kong friend na si Boobai.

"Sabi ko na nga ba eh, sori talaga Uge ha, kasi tinatawag kita kanina para sabihing request ng lalaking ito na babae ang magmasahe sa kanya, eh kaso bigla kang umalis." paliwanag ni sheena na mukhang nagsisisi sa ginagawa niya.

"OMG! Ikaw ba yan? Joselito Magtalo?" ang singit ni boobai

"Hello! I know you, ikaw ung baklang na ospital dati  diba?" sagot ni jose

"Ha? a..ako??" balik tanong ni boobai

"Yah! Nabalitaan ko na-ospital ka raw matapos kong magsabi ng hello sa'yo, nahirapang huminga sa sobrang kilig!" 

Hambog talaga ang lalaking ito. Napakayabang

"Umalis ka na nga lang at pwede ba suotin mo na yang damit mo, nakasusuka yang katawan mo!" ang sabi ko naman sa kanya.

"May asawa ka na ba?" ang tanong ni jose habang nagsusuot ng damit

"Wala pang asawa yan jose! " ang biglang pasok ni boobai

"Ako din eh, sayang, crush pa naman kita. pero dapat nga proud ka. Kung crush kita, dapat ipagmalaki mo yon, pero kung crush mo ko, natural na yon!"

Sa sobrang banas ko sa mga banat niya, ako na lang ang umalis,  napansin ko ngang mas tumindi pa ang feeling pogi ng lalaking ito sa sarili niya. Nasira tuloy ang buong araw ko.

Ipagpapatuloy...

JOSE: ANG PAMBANSANG MANLILIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon