kilig moments...

329 10 8
                                    

UGE’s POV

Pag-uwi ko ng bahay galling sa massage parlor, isang panget na lalaki ang nakita kong nag-aantay sa labas ng bahay.  Naka barong na ang tukmol, at mukhang may tinatago sa likod ng kanyang kamay.

“Oh? Kanina ka pa?”

“Ah Oo kanina pa!” tugon niya.

“Ok sige, uwi ka na, kanina ka pa eh!”  saka binuksan ang bahay at pumasok, sumunod naman siya.

“Teka lang, nandito ko para manligaw, flowers for you” sabay pakipot ng mokong pagka-abot ng flowers.

Aaminin ko may konting kilig pero slight lang ha. Mahirap na baka mamaya mainlove pa ako ng tuluyan sa lalaking itong eh.

“Thank you! Lanta na kasi ung bulaklak sa altar eh”

“Para sa’yo yan, hindi sa altar” sagot niya.

“Umuwi ka na at magpapahinga na ako.” Ang mahinahon kong sagot habang tinatanggal ang sapatos ko.

“Grabe ka naman, hindi mo ba ako aalukin man lang uminom ng tubig? O maupo man lang sa sala?”

“Have a sit! Kukuha lang ako ng tubig!” but deep inside iritable na ako kanya.

Sa sobrang banas ko, kumuha ako ng baso at sumalok ng tubig mula sa inidoro.

“Oh! Ubusuin mo yang tubig na yan ha!”

Agad namang ininom ni Kumag ang tubig na galling ng inidoro. Kadiri talaga mukhang sarap na sarap pa sa iniinom niya.

“AHHHHHHHH…sarap naman, hindi mo naman sinabi sa aking juice pala ang ipapainom mo”

“May sira ba ung utak mo? O sadyang may diperensya lang ung panlasa mo? Tubig yan mula sa inidoro!” Gusto niyang isuka ang kanyang ininom kaso wala na siyang nagawa pa.

“Dahil sa ginawa mo, hindi ako aalis ng bahay mo, dito ako matutulog!” sabi  ni jose.

“and who told you na pwede kang matulog dito? At isa pa nga pala, tigilan mo na ang panliligaw mo, kasi you’re BASTED!”

“No way! Pumayag ka na! Kaya tara na at matutulog na tayo”

Nabigla ako sa ginawang pagpanhik ni Jose sa taas. Aba, seryoso nga siya sa kanyang sinasabing dito matutulog.  Pinilit ko siyang paalisin kaso bigla siyang humiga sa kama ko at nagtulug-tulugan.

“Hoy Jose! Bumaba ka nga! Alis! Marurumihan pa yang kama ko eh!” Sinubukan ko siyang hilain ang kaso bigla niya akong hinila, kung kaya't nasubsob ako sa dibdib niya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, sinubukan kong bumangon ang kaso mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Mabilis ang mga pangyayari. Biglang dumating si Boobai at nasaksihan niya ang posisyon namin ni Jose. Nanlaki ang mata ng bakla.

“OMG Mare, pwede mo namang i-lock ung pinto kung may gagawin kayo”

Pwersahan kong inalis ang sarili ko mula sa pagkakayakap kay Jose at nagpaliwanag kay Boobai.

“ Mare, I don’t need your explanation, malinaw na ang lahat, isa kang malandeeeeee!” ang pagbibiro ni Boobai kung kaya’t isang lumalagatok na kutos ang natanggap niya mula sa akin.

“Hoy bakla, ang panget mo na nga, panget ka pa mag-isip!” pagtataray ko, pero alam naman ni boobai na biro ko lang iyon sa kanya.

"Bakit ka ba nandito ha? Itong si Jose, biglang umakyat dito at nagtulog tulugan na sa kama ko" ang sunod kong tanong sa kanya.

"Wala, masama bang puntahan ka? o siya sige na nga at aalis na ako malamang nakakaistorbo na ako sa inyo. bye, I'm so excited mare sa magiging baby ninyo, BYE!" at saka siya bumaba ng bahay.

"Nakita mo na ung ginawa mo? Nag-iwan ka pa ng maruming interprestasyon sa kaibigan ko?" hoy Jose! Gumising ka nga!" but this time, humihilik na siya, nakatulog na nga siya ng tuluyan. Napakamot na lamang ako ng ulo sa mga nangyayari,

"Teka, san ako matutulog?" tanong ko sa sarili ko.

Okey fine. I have no choice. Wala naman akong banig at ayokong matulog sa sahig, puro surot kasi ang sahig ng 2nd floor at wala naman akong pwedeng pwestuhan sa ibaba ng bahay. Hay buhay, sa dinarami-rami ba naman ng lalaking pwede kong makatabi ngayong gabi ay itong lalaki na ito. Si baklang boobai nga hindi kami nagtatabi matulog eh, alam ko na kasing hindi fresh air ang maaamoy ko, paggising ko.

 Upang makatiyak na hindi ako babarubalin ng lalaking ito habang kami ay natutulog ay kumuha ako ng mga unan at ito ang pinangharang ko sa kanya.  Binalot ko rin ang buo kong katawan ng kumot kahit sobrang init ng aking pakiramdam. 

Lumipas ang mga oras at hindi ako makatulog. Hindi ako sanay na may katabing lalaki sa pagtulog ko. Magmula kasi ng manirahan sa probinsya ang aking kapatid at ina ay ako na lang mag-isa dito sa bahay.

"ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzz" 

 Matindi pala humilik ang lalaking ito para siyang sirang makina kung humilik. Sa sobrang banas ko, nginudngod ko ng unan ang pagmumukha niya. Ang kaso hindi pa rin siya nagising at  mas lalo pang lumala ang mga nangyari. Nagulat pa nga ako ng magsalita siya habang natutulog.

"Uge..Uge" Napakamot na lang tuloy ako ng ulo habang tinitigan siya. 

"I love you uge...I love you!"

"Yuck! Tumigil ka nga! Kadiri ka!"

 "I love you..sagutin mo na ko..pls" 

Tulog ba talaga ang lalaking ito o nagtutulog-tulugan lang. Minsan gusto ko nang lasunin ang lalaking ito para mawala na sa buhay ko, kaso hindi ko pwedeng gawin iyon, ayoko atang makulong at mabahiran ng hindi maganda ang pangalan ko.

Alas tres  na ng umaga at hindi pa rin ako makatulog. kung anu-anong posisyon na ang ginawa namin ni Jose , may nakatuwad, may nakadapa at may nakatagalid, ang hirap pala matulog kapag ganito ang sitwasyon. Maya- maya pa ay naihi ako  kung kaya't bumangon ako upang umihi, hindi pa man ako nakalalayo ay  biglang namatay ang ilaw...SHIT! BROWNOUT! 

"ARRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRHHHHHHHHHHHHHH" natakot ako at biglang napatakbo pabalik ng kama, Sa sobrang pagmamadali ko ay naapakan ko ang basahan at natumba sa isang bagay na hindi ko maintindihan kung ano. 

Biglang bumalik ang kuryente at bumukas ang ilaw. Another Shit talaga! Si Jose pala ang nadagan ko. Sa pagkakataong ito ay bigla siyang nagising.

"Aray..ang sakit ng dibdib ko" 

"Sorry! Nadulas kasi ako kasi biglang namatay ung ilaw, takot kasi ako sa dilim eh"

"Kunwari ka pa, ang sabihin mo, minamanyakis mo lang ako! Pero ok lang sweetie basta ikaw kahit manyakin mo pa ko, tatanggapin ko"

"Excuse me, sa itsura mong yan ikaw ang mukhang manyakis! At bakit ko naman gagawin iyon noh, kadiri ka!"

Sa halip na mapikon sa mga pinagsasabi ko ay nakangiti pa ang tukmol. Maya- maya pa ay bigla na namang namatay ang ilaw at mabilis akong napayakap sa kanya.

Ipagpapatuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JOSE: ANG PAMBANSANG MANLILIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon