Hello! I'm Uge

513 8 3
                                    

Matanda na raw ako para mag-asawa pa, yan ang sabi ng mga kaibigan kong matatanda na rin. Palibhasa may mga anak at pamilya na sila kung kaya't madali sa kanila ang magbigay ng payo.

Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, alam kong darating din ang tamang panahon at magkakaroon ako ng pamilya. 

Tawagin nyo na lang ako sa pangalang "UGE", real name ko yan wala nang iba pa. Ewan ko ba, tinamad ata ang mga magulang ko at wala nang naisip pang pangalan na ibigay sa akin kundi ang UGE.

Forty years old na ako, never been kissed never been touched! You heard it right! at eto pa ang masaklap, NO BOYFRIEND SINCE BIRTH!

Alam kong sa sarili kong hindi ako pangit, may katabaan nga lang pero kung minsan ay nadaraan din naman sa diet at kapag napapalakas ng kain ay nagiging "Chubby" ulit.

Mabait naman ako, "Choosy" nga lang pagdating sa mga lalaki. Pangarap ko kasing mapangasawa ung mala DANIEL MATSUNAGA! Brapanese ang dating para ung magiging anak ko, maganda rin ang lahi. Ang kaso karamihan sa mga nanliligaw sa akin noon eh mukhang panis! . Ewww!

Kung sinu-sino na nga ang tinutukso sa akin ng mga kaibigan ko para magkaroon lamang ng boyfriend, sa kasamaang palad hindi ko trip ang nirereto nila sa akin. 

Natatandaan ko pa noong "College days" , foundation day ng school  namin, pwersahan akong isinali ng mga friends ko para makipag Blind Date. Pagkakataon ko na raw ito na magkaroon ng jowa dahil magtatapos na kami noong mga panahong iyon sa kolehiyo. May magagawa pa ba ako? Eh piniringan na nila  ko ang mga  mata ko at pinasok ako sa isang kwarto at saka pinaupo.

"May tao na ba rito?"  ang  magiliw kong tanong, dahil wala naman akong nakikita.

"OO"  ang sagot ng isang lalaki. 

Hmmm...mukhang ayos itong lalaking ito. Boses gwapo, lalaking lalaki. Ito na kaya ang Man of my dreams?

Eh ang kaso mukhang mahiyain rin, isa yan sa mga tipo ko sa lalaki. Mahiyain, for sure gagalangin  ako nito at sobrang gwapo.

"Ano name mo?" ang sunod niyang tanong sa akin.

"Ah...ako ba? Uge Dominador ? Ikaw?" ang balik na tanong ko naman sa kanya.

"Joselito Magtalo, Jose nalang for short"

Maya- maya pa ay naramdaman kong nakapa ni Jose ang kamay ko. Shit! Kilig to the Max ako! Ang lambot kasi ng kamay niya, walang kagaspang-gaspang. 

At dahil pakipot ang lola mo, agad akong pumiglas at pangiting sinabi na " Pwede ba kitang makita? Pwede ko na bang tanggalin itong nakapiring sa mata ko?"

 "Sure!" ang maikli niyang tugon.

This is it! Makikita ko na ang lalaking nagpatibok sa akin. Hindi ko maiwasang mangiti habang inaalis ang panyong nakapiring sa mga mata ko.

Alam ko gwapo siya at malamang na kapag naging kami na nito ay maiingit ang mga "mahadera" kong kaklase. 

"Ikaw na ba yan?" ang tanong ko sa kanya. Kung makapagtanong naman ako akala mo nakikita ko talaga siya, eh sobrang dilim kaya at tanging dim light lang mayroon sa kwarto.

"Tara! Labas na tayo para makita na natin ang isa't-isa" ang pag-aaya niya

Bagama't nakakahiya dahil alam kong nakaabang sa labas ng kwarto ang mga pasimuno kong kaklase ay wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Sa totoo lang, excited na rin ako makita siya. 

Naglalaro sa maliko't kong isip ang itsura niya. Maganda kaya ang katawan niya? Matangos ang ilong at maputi. Basta ang alam ko, kinikilig ako sa kanya. Ikinagulat ko nga ang bigla niyang paghawak sa aking...

"ah...wag po...!" ang ungol ko este ang sambit ko matapos kong maramdaman ang mga kamay niya ay muling kumapit sa akin.

" Sige na aalalayan kita, baka madapa ka pa eh"  ang pagpupumilit niya.

Another OMAYGAD! Napaka gentleman naman niya. 2 points na siya sa akin. Sana mahaba pa ang lalakaran namin at nang sa gayun ay mahaba ang hawakan namin ng mga kamay.

Sa labas, as expected, nandun ang tatlo kong kaklase na hindi ko alam kung kinikilig ba o natatawa. Si Lindsay, Si Shalani at ang pinaka close ko sa lahat, ang chakang beki na si Boobai.

"Teh, ang bilis nyo naman. kayo na?" ang tanong ni boobai

"Look! Oh Magka holding hands sila! Ewwwwwwww!!!" ang sabi ni Shalani habang tumatawa.

"Hoy! Para kayong sira, inalalayan lang ako nitong si Jose, Thank you ha."  ang depensa ko naman sa kanila, pero  dahil sa kahihiyan hindi pa rin ako makatingin kay Jose.

"Nagpapasalamat ka pero hindi ka nakatingin" ang tugon ni Jose

Oo nga naman, bakit ba hindi ko magawang ilingon ang mukha ko  sa kanya, nahihiya kasi talaga ako, baka mamaya madismaya siya kapag nakita niya ako, wala pa naman akong make-up ngayon at ang gulo gulo pa ng buhok ko.

"Oh? Bakit hindi kayo maglingunan?? " tanong ni lindsay habang abot tenga ang ngiti.

This is it! kailangan ko na siya talagang lingunin para makita ko na ang peslak ng lalaking ito. Parang slow motion sa pelikula ang nangyaring lingunan namin.

"Nightmare..." ang bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ko ang mukha niya.

" You look so gorgeous, Uge"  ang sambit niya with matching pacute pa sa pamamagitan ng pagkindat niya.

Bahadya akong nanigas sa kinatatayuan ko habang tinititigan ang mukha niya. Yes, makinis ang palad pero hindi ang face niya. Mukha atang naging hobby na niya ang pagtiris sa mga tigyawat niya at sa edad niya ay mukha siyang problemado sa buhay.

Gusto kong magteleport, kainin ng lupa o kidlatan na lang para biglang mawala sa kinatatayuan ko. 

Maya -maya pa halos himatayin ako sa sinambit ni Jose..

"Uge, Pwede ba Manligaw?"

Abangan ang susunod...

JOSE: ANG PAMBANSANG MANLILIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon