When I met Danny

173 6 1
                                    

Present time...


Naisipan ko na magpunta sa parlor kasama ang chaka kong friend na si Boobai. Baka naman kasi kaya walang nagkakagusto sa akin dahil na rin sa itsura ko.

Pagpasok ng parlor, bumati agad ang baklang receptionist...

"Good morning ma'am, ano po hanap nyo?" 

Medyo nabadtrip ako sa sinabi ng receptionist, hindi na nga siya kagandahan may katangahan pa.

"Sapatos, size 11 meron ka?" ang pagtataray ko.

Parang napahiya tuloy ang receptionist kung kaya't biglang eksena si boobai.

"Pasensya ka na ha, matanda na kasi itong si Uge   kaya bugnutin na, menopause na kasi. We need Beautician, para naman gumanda kami." Sabay irap ni baklang boobai

Kaso sa halip na tumigil ay bumanat pa ng isang pang-asar ang panget na receptionist.

'Ahh...ok lang ,  upo po muna kayo ng amo nyo at please wait until we call you."

"Ha? amo ko ? ano ako katulong? Hoy bakla, sa itsura mong yan hindi ka bagay na nagta-trabaho dito!"

"Hoy bakla ka rin, sa itsura mong yan hindi BEAUTICIAN ang kailangan mo, dapat sa'yo MAGICIAN!"

Pahiya si Boobai, kung kaya't lumabas na lang kami ng parlor at hindi na nagpaparlor pa. Naisipan namin ni Boobai na umuwi na lamang ngunit sa kasamaang palad habang nasa labas kami ng mall at naghihintay ng masasakyang jeep ay isang lalaki ang humablot sa 'Louie Biton" kong bag. Oo, sa bangketa ko lang kasi binili yan kaya ganyan ang pangalan. Dahil sa taranta, napasigaw kaming dalawa ni boobai.

"Holdaper! Holdaper!" ang sigaw ni boobai. Napansin kong mali ang sinisigaw niya kaya kinutusan ko siya.

"Tanga! Hinoldap ka ba? " pagsasatama ko sa kanya.

"Ay sori naman, snatcher! snatcher!"

Madali naming hinabol ang snatcher. Nandun pa naman ang mahahalaga kong kagamitan tulad ng seiko walet, ang walet na maswerte, victoria's secret na pabango pero siyempre mumurahin lang iyon, mahal kaya ng branded na un at ang cellphone kong china phone na may tv pa.

"Hoy! Ibalik mo bag ko! Ung cellphone ko nandyan, UNLIMITED pa naman un!" ang sigaw ko sa kanya habang hinahabol. Lintik na magnanakaw kakaregister ko lang un, sayang naman kung hindi ko magagamit.

Maya-maya pa isang lalaking naka shades ang bumunggo sa lalaking snatcher at siya ay napatumba. Agad naman nitong nabitawan ang bag ko. Aktong magsasapakan na sana ang dalawa ngunit mas pinili ng snatcher na tumakbo palayo.

Agad ko namang kinuha ang bag ko at pinagpag ang alikabog nito sa posisyong nakaupo pa ako. Napansin ko tuloy na nakatayo sa harapan ko ang lalaki.

"Are you okey miss?" tanong niya sa akin.

Dahil dito'y tumayo na ako at saka ko lamang napansin na napaka gwapo niya at napaka kisig ng pangangatawan. Mukhang may lahi.

"Yah.thank you for saving my life!" ang sambit ko pero bigla siyang nagtaka"

"Saving your life?"

"I mean for saving my bag" with matching pacute pa ng boses, malay mo naman kasi magustuhan niya ung ganong boses.

"No problem. Next time, mag-iingat ka ha. I'm Danny" 

Nabigla ako ng makipagkilala siya sa akin, kinilig ako ng bonggang-bongga. Ang ganda ko talaga that day. Ingit ang chaka kong friend na si Boobai

'I'm Boobai!"

"Bakla, hindi siya sa'yo nakikipagkilala, sa akin, i'm uge" at saka nakipag shake hands at inalis ang shades na suot. OMAYGAD! kilig to the bones!

"teh, panty mo nalaglag!" sambit ni boobai". Literal kasi na nalaglag ang panty ko. Pero hindi naman un dahil kay Danny, kundi dahil sa paghabol ko sa snatcher. Bigla ko tuloy napaisip na maluwag pala ang garter ng panty ko.

"Mare ano ito?"  namutla ako nang pulutin ni boobai ang isang kulay dilaw na straw. Shit talaga! Naalala ko kasi na ung ang pinambuhol ko sa panty kong magiisang dekada ko nang ginagamit.

Hiyang-hiya ako that time, ang daming tao na sa paligid, iniisip ko tuloy kung isusuot ko ang panty kong nalalaglag o dedma na lang. Buti na lang matalino ako kaya't nakaisip ako agad ng paraan.

"Actually, ung panty na yan ay isa lamang sa tatlong panty na suot ko ngayon. No need to wear it pa". 

Napangiti si Danny at saka tumalikod paalis sa amin. Agad ko namang pinulot ang panty ko.

"Wow teh, di nga tatlo talaga suot mo ngayon?" tanong ni boobai habang hawak ang panty kong kulay puti na may red stain...design un.

Bumulong ako kay boobai para ipangandakan sa kanya ang kabobohan niya. "Siraulo ka ba, gusto mo na magsuot ako ng panty sa harap ng isang cute and hunk guy?"

"So what do you mean? ito lang ang tanging suot mo?"

"Aha! Itabi mo yan at pumasok tayo ulit sa mall para masuot ko na yan."

Diring-diri si boobai sa hawak niya. Maya-maya pa ay biglang humangin ng napakalakas...

Ipagpapatuloy...

JOSE: ANG PAMBANSANG MANLILIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon