IKATLONG KABANATA

218 5 0
                                    

UGE's POV 

Kinabukasan, isang ingay ang gumising sa akin. 

"Uge! Uge, gising may bisita ka sa baba! dali!" ang atat na sambit ni boobai.

"Sino ba yan, ang aga aga pa eh?" 

Restday namin ngayon, palibhasa magkalapit lang ang bahay namin ni Boobai kung kaya't kahit anong oras ay napupuntahan niya ako sa bahay. 

Agad akong bumaba ng bahay para makita ang sinasabing bisitang  dumating . Ni hindi ko na ngang nagawang magmumog o maghilamos man lamang at magpalit ng damit pantulog dahil sa pagmamadali nitong si  Boobai. 

" OMG!!!what a nightmare!" pakiramdam ko nananaginip ako. Habang tinititigan ko ang sinasabing bisita ko.

"And why are you here???" ang tanong ko

"Good morning! Flowers for you!"

Si Jose. OO! Si Joselito Magtalo, ang feeling pogi. Nag-init bigla ang tenga ko ng makita siya. Umaga na pero pakiramdam ko binabangungot pa ako.

"Paano mo natukoy ang bahay ko ha??" ang pagtataray ko sa kanya.

Bigla siyang ngumuso. Ayun...ang baklang boobai pala ang pasimuno at nagbigay ng address ko.

"Ah..sige mare ha, alis muna ko, maglalaba pa ako..." ang dahan-dahan at halatag takot na paalam ni boobai.

"Hoy! Mr. Acne, wala ka bang asawa at ako pa ang napagtripan mong puntahan dito?" 

"Wala, pero nagkaroon ako ng girlfriend dati, kaso naghiwalay na kami, napag-alaman ko kasing minahal niya lang ako para manalo sa papogian ng boyfriend eh, kaya ayun hiniwalayan ko na."

"Wala ka bang alam kundi ang mag-ilusyon. Dapat sa'yo Joselito ilusyunado eh! Feeling mo ba pogi ka ha?"

"Actually, nagsearch nga ako ng most handsome man in the earth, kaso puro pictures ko ang lumabas."

Iritang- irita na ako sa kayabangan ng lalaking ito. Mas gugustuhin ko pang maging isang matandang dalaga kaysa ang mapagasawa ang mukhang buwan na ito.

"Hoy Jose!, hindi ko tatanggapin yang bulaklak na dala mo. Itabi mo na lang yan bago pa tuluyang  magdilim ang paningin ko at magamit  yan sa lamay mo!"

"Ouch!, Ganyan ka ba tumanggap ng manliligaw?"Masyado kang pakipot, forty years old ka na, wala ka bang balak na magkaroon ng pamilya?"

"Meron, pero hindi sa isang tulad mo. Alis na! Panira ka ng umaga. Ang baduy pa ng porma mo! Pa long sleeves, long sleeves ka pa dapat nag barong ka, tutal mukha ka namang bangkay!"

"Ang sakit mo naman magsalita, nandito lang naman ako para umakyat ng ligaw"

"Sori ka wala kaming stairs!" 

Bago umalis si Jose ay isang kataga ang iniwan ng mokong na lalong nagpasira sa umaga ko.

"Tandaan mo to Uge, wala pang babae ang hindi ko napapasagot!"

Tuluyan nang nagpintig ang tenga ko at aktong kukunin ko ang  walis tambo at malamang sa takot na mahambalos ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay.

"Wala raw napapasagot, baka naman wala pang sumasagot. itsura niya!" ang bulong ko sa sarili ko habang naka kunot ang noo. 

Maya-maya ay napansin kong naiwan niya ang bulaklak. Sinadya niya ba ito o dahil sa takot na mahampas ko ay nakalimutan na niyang dalhin? Itatapon ko na sana, pero sayang naman, mukhang mamahalin. Iba't-iba ang kulay nito at mabango pa, sa totoo lang ngayon lang ako binigyan ng lalaki ng bulaklak na ganon kabongga.  

Oo na, medyo may kilig pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. He's not my type. Period!

JOSE'S POV

"oh kamusta ung panliligaw mo dun kay Uge?" ang tanong ng kaibigan kong si Antonio.

"As usual like other girls na nakakakita sa akin, pakipot pa," pagmamamyabang ni Jose.

"Guduck bro, sana mapasagot mo na yang si Uge para naman maranasan mo nang magkapamilya"

GENERAL's POV 

 Parehas ng kapalaran sina Jose at Uge, mga walang naging kasintahan mula pagkabata. Si Jose, sa dinami-rami ng nilagawan, lahat  basted. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo kung gaano kahambog ang lalaking ito, kaya lahat ng babae turn off sa kanya.

Si Uge naman, ambisyosa lang ang peg. Matanda na pero naghahanap pa ng gwapong mapapangasawa. Minsan na siyang tinulungan ni Boobai na maghanap ng makakadate sa website na "date.com" ang kaso...

ANG NAKARAAN...

Habang nakaharap sa computer shop si Boobai at Uge...

"Mare, etong foreigner na ito, mukhang cute!" ang sabi ni Boobai

"Ayoko niyan, ang laki ng tiyan!"

Browsing...

Browsing..

Browsing...

"Oh, eto super duper cute talaga, hindi malaki ang tiyan, maganda ang mata, bata pa. this is it"

"I-view mo ang profile dali para makita natin kung ano ang bet niya sa babae."

Kaso bigla silang napanganga habang binabasa nila ang profile nito.

" single and ready to mingle, 25 years old, working in a private company, mayaman ito mare! kaso...looking for boy....boyfriend??"

Nagtinginan sila.

" beki?" ang sabay nilang tugon.

"malamang boyfriend nga eh!. hay naku boobai! ayoko na! suko na ako!"

"E di kung ayaw mo, kami na lang"

" teh, boyfriend ang hanap niya, hindi maid, kadiri ka, ano to, kapwa mo mahal mo?!" ang pangiinsulto ni Uge.

 Dati, tuwing gabi madalas na nag-eemote si Uge sa bintana ng bahay nila para ipanalangin ang pagdating ng lalaking kanyang pinapangarap.

"Uge...Mare...Mare!", ang chakang si boobai habang umaakyat sa bahay nila Uge.

"Oh? Emote ka na naman friend?" ang tanong ni boobai.

"Hindi noh, nagpaantok lang ako" sagot ni Uge

"May naisip na akong solusyon sa problema mo!" ang nakangiting sambit ni boobai.

"Ano?"

"Tutal palagi ka namang nakatambay dito sa bintana, why don't you wait for a falling star then make a wish?"

"Ilang falling stars na ang nakita ko kulang na lang magkaroon ng meteor rain pero hindi pa rin natutupad ung gusto ko" ang malungkot na sagot ni Uge.

"Hindi kaya malas ka, eto friend oh, may dala kong makatutulong sa'yo" sabay may hinugot sa bulsa.

"ano yan?"

"Lubid! Magbigti ka!" ang pagbibirong ni boobai".

"Siraulong bakla!" 

"Magmadre ka na lang kaya?  Buti pa nga ang mga story sa fairy tales, may prince charming pero ikaw wala!"

"pag hindi mo ko tinigilan sa mga ka echosan mo, ipupulupot ko sa baba mo yang lubid na dala mo!"

Napatigil si Boobai..

Ipagpapatuloy...

JOSE: ANG PAMBANSANG MANLILIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon