Kyut Ako

6 1 0
                                    

Kyut ako

Nagbabantay ako sa may tindahan ngayon, habang nag se selpon. Tamang basa lang ng bL HAHAHA. May tunog ng baryang nagbalik sa aking ulirat, paglingo ko ay bumungad ang isang chubby na batang babaeng naka pigtails ang buhok,

"Pwa bwili pwo, pochiiii" pagpapahaba nito sa salita na nagpaka cute sa kaniya.

Gago, parang gusto ko kidnapin 'tong batang' to ah! Taena, nandyan ba yung nanay? Paglingon ko sa may labas, upang makitang may birthday pala sa kabilang kanto.

Ala ka dayo pala 'to, Jasmine hindi tuloy ang plano

"Atweeeee"tawag sakin nung bata, upang balingan ko na ito," Yes po opo, Love"sabi ko dito, bago kinuha yung  garapon ng pochi at binukas.

"Ayaw ko niyan, gusto ko yung marami!" dagdag nito, na may patagdiyak tadiyak pa.

Ala ka, dai. Spoiled ba 'tong batang 'to? Tanong ko sa sarili ko bago kumuha ng panungkit, "Purple o Pink?"

"Pink!" masaya niyang sabi na nagpangiti sa akin, bago ko sungkitin yung Pink Pochi, "Ilan ba, Love?"

"Lahat!"

Ay spoiled child confirmed charot

"Atwe, anoe name mwo?" tanong nito na ikinataka ko, "Jasmine Rox Santillan, you can call me Ate Jas." nakangiti kong ani sa kaniya na ikinatango niya

Inabot ko sa kaniya ang sampung pirasong pochi, bago niya inabot sakin ang 100 pesos at kumaripas na ng takbo.

"Bata, Sukli mo! Woi! 'pag d ka bumalik, akin na lang 'to!" pag tawag ko sa kaniya, pero d man lang lumingon sa akin at kumaripas na sa kabilang kanto.

Itinabi ko yung sukli niya sa gilid at nag facebook na uli.

Bing!
'You have a new Friend request'

Kevin Del Valle
[Accept] [Decline]

Gago, sino na naman 'to? Tanong ko bago pinindot ang decline. Manigas ka dyan, hindi ako nag a accept ng 'di ko kilala.

[(1) message]
[(2) message]
[(3) message]
[(4) message]

sunod sunod na nag pop sa taas ng screen ko. Langya, nagbabasa ako panira!

Pag bukas ko ay bumungad sa akin ang pangalan ng lalake, inis ko namang Inaccept ang message bago bumungad ang mga message nito sa akin,

🧑:Hoy, pandak
🧑:Hoy, seen mo 'to
🧑:i a accept mo ko o ia accept mo ko?
🧑:Hoy, kyut

Inis naman akong nag type ng mabilis mala Flash,

👩:Woi, inaano kita? Makapandak wagas ah
👩:Saka bakit naman kita i a accept? Kilala ba kita? And matagal ko ng alam na kyut ako hindi mo kailangan ipaalala! Che!

Mahaba kong sabi, bago may nakitang nag pop up na naman sa itaas,

'You have a new Friend request'

Taena

🧑:First of all, pandak ka naman talaga

Bungad na message nito sa akin, na ikina singkit ng mata ko. Aba, atapang abata ireeee.

🧑:Second, i accept mo ko kase gwapo ako, and yes kilalang kilala mo ang gwapong tulad ko. Mahirap kalimutan ang kagwapuhan ko, lastly alam ko na kyut ka matagal na nga 'yang sakit mo eh.

Abaaaaaaaaaa, ang hangiiinnnnnnn

👩:balitang gabi, may paraan pong malakas na bagyo na nagngangalang 'Kevin'. Mag ingat ho kayo ngayong gabi, masyadong mahangin ho ang Bagyong Kevin.
🧑:Lakas natin ah.
👩:Mas malakas ka,
🧑Sa puso ko.
👩: mahangin ka masyado eh. Sabay naming message

Taena, parang natatae akong ewan. Rupok ko talaga kahit kailan.

🧑:Hoy
👩: oh?
🧑:mas kyut ako kaysa sayo, 'lam mo yun?
👩:MAS KYUT AKO, KAPAL MO

Gigil kong type bago pinatay yung data ng cellphone ko.

"Kapal naman nung lalaking' yon. Minessage lang ako para sabihin na kyut siya, pwe! Mas kyut ako!" bulong ko sa sarili bago nangalumbaba

"Mas kyut naman kase talaga ako, Jasmine" sabi ng lalaki sa labas, mabilis naman akong lumingon dito, " Ako kase ang kyut, epal ka-" napahinto ako ng napatingin sa kaniya.

Nyeta, Kyut nga siya... Pero mas kyut ako. 'wag papatalo, selp. Lamang lang' yan sa pulbos.

"Sabi ko sa'yo mas kyut ako eh." sabi nito ng nakangiti, "Pagbilan ako"

"Ate" Rinig kong ani ng kasama niya na nagpalingon sa akin, pagkakita ko yung bata kanina!

Napa tikhim ako ng mahina, "Mas kyut parin ako, kupal. Ano bibilin mo, aber?" pagsusungit ko dito kungwari

"Yung Puso mo sana, pwede ba mabili 'yan?" naka ngisi nitong ani na ikina mula ko, "Sorry, sold out na. May nakabili na nito."

Napasimangot naman siya, "Sino?"

"Ikaw. Kyut ka, kyut ako. Coufal tayo, tara pakasal na tayo."

NefelibataWhere stories live. Discover now