Kaibigan

0 0 0
                                    

𝐊𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧

"Erica!" tawag sa'kin ng kaibigan kong si Ana habang tumatakbo papunta sa aking gawi, "Yes po?" nakangiti kong ani na kaniyang ginantihan rin,

"Nakita mo ba si Celia? Potek, gagala pa kase kami mamaya eh. May pinapabili si Mama, tapos gagala ako sasama ko na siya WAHAHAHA." Masaya nitong sabi na nagpasimangot sa akin ng bahagya bago ngumiti ulit, "hindi eh, baka nasa Jowa niya pa." sagot ko dito bago tumalikod na sa kaniya, "Mauuna na ako, cleaners kami ngayon eh."

'bakit siya lagi? Kaibigan niya rin naman ako ah.' wala sa sarili kong inisip bago inalis ito sa aking isipan, 'gaga ka talaga, Erica. Pag isipan mo ba naman sila ng ganiyan, may gagawin lang talga silang mahalaga. Masyado kang inggetera' pangungumbinsi ko sa aking sarili, bago naglakad na papunta sa aming klase ng may tumakbo papasok sa classroom na ikina out balance ko at napaupo sa lapag.

" Celia, Hindi ka na naman nag iingat! Erica, ayos ka lang ba?" pagtatanong ni Andrew, jowa ni Celia, bago inabot ang kaniyang palad sa akin para ako'y tulungan tumayo na aking tinanggihan, "kakayanin" ang aking nasambit lamang.

Lumingon sa aming gawi si Celia at bahagyang nagulat, "Erica? Sorry, hindi kita nakita!" paglalakad nito ng mabilis sa akin, bago pinagpagan ang aking palda, "O-okay lang, kasalanan ko rin naman. Paharang harang ako sa daan" pangungumbinsi ko dito bago bungisngis ng mahina

"Seryoso ka? Sabihin mo lang sa'kin kung may kailangan ka. Ako bahala sa'yo!" ani nito sa'kin na nakangiti.

'hindi halata...'

"Tulungan na kita pumunta ng Clinic, Erica." Pagsusuhestiyon ni Andrew sa akin, bago pa ako makasagot ay hinila na siya ni Celia paalis.

'... Na may tinatago siya'

'natapilok ata ako' ani ko sa aking isipan habang sinusubukang tumayo ng maayos kahit may kirot na nararamdaman, pero pinipilit parin maglakad papuntang Clinic.

*flashback*

Recess ngayon at naatasan akong bumili ng pagkain ng teacher namin, mukha mang teacher pet pero hindi dahil may schedule si Ma'am ng utusan at kasama kami lahat do'n. Wala kaming magagawa, guro namin eh.

Napadaan ako sa may Janitor's room ng may narinig akong nag aaway, napatigil ako dahil sa kuryosidad at hindi na napigilang sumilip. Do'n ko nakita si Celia kasama ang Best Friend ni Andrew, si Arthur nakikipag away sa dalagita.

"Ano pa ba gusto mo ah? Matatapos na yung dare, bakit ayaw mo pa akong makipag break kay Andrew?! Ginawa ko naman na ang utos mo ah!" Sigaw ni Celia habang umiiyak, habang si Arthur ay nakatingin lang sa kaniya, nakasimangot, "Hindi pa pwede, Celia. Ang sabi ko dapat mahalin ka ng lubusan ng kaibigan ko, hanggang sa ibigay niya na lahat sa'yo kasama na do'n ang kaniyang pag ibig. Maghintay ka lang, Mahal." pangungumbinsi nito kay Celia na ikina tingin sa kaniya ng masama ng dalaga

" Mukha ba 'kong laruan sa' yo? Hindi ba sapat na minahal na kita ng lubos lubos at ginagamit mo ako para makuha mga luho mo?! "sigaw ni Celia upang sampalin siya ni Arthur," 'wag mo kong sinasagot sagot, babae. Sumunod ka na lang kung ayaw mo ako mawala sa'yo! "sagot nito bago nagtungo sa pintuan na ikinatago ko ng mabilis sa likuran ng pintuan.

Nang wala na siya ng tuluyan saka ako sumilip ulit. Nakita ko si Celia na humahagulgol sa lapag.

" Celia? "mahina kong sabi upang mabigla siya at mapatingala sa'kin," E-erica? "taka nitong tanong

Napasulyap ako sa namamaga niyang pisngi, bago nagsalita uli," Totoo bang niloloko mo si Andrew? "hindi ko siguradong utal na ikina gulat ko ng tumayo siya at hinablot ang aking mga palad," E-erica, please 'wag mo sabihin kay Andrew. Malaking gulo ang mangyayari kapag nagkataong malaman niya! "ani nito sa akin habang humihikbi

" Celia... Nagsimula na yung gulo nung una palang na sumunod ka kay Arthur. " banggit ko dito na ikina ngiti niya ng mapait," Pasensiya na, marupok lang, Mahal ko eh. We don't control love, love control us. "

'Hindi ko alam na ganito na pala ang pinagdadaanan ng paborito nilang kaibigan, akala ko...' napatingin ako sa kaniyang namumulang pisngi at ngumiti, "Sige, isisikreto muna natin 'to." na ikinatinggala niya sa'kin, "T-talaga, Erica? Pero pa'no kapag madamay ka sa gulo namin?"

'Handa na ako, simula nung nakipag kaibigan ako sa inyo' sabi ko sa aking isip, bago nag kibit balikat, "Ewan, basta ang mahalaga ay hindi ka niya sasaktan," bago siya inalalayang tumayo at humarap sa kaniya, "Simula ngayon ako na mag gagamot ng sugat mo!" nakangiti kong ani bago inabot ang panyo ko sa palda na ikinaluha niya

"pasensiya ka na... Erica. Kung hindi dahi-"

"ops! 'wag na magsalita, punta na tayo sa Clinic!" nakangiti 'kong banggit bago siya inalalayang maglakad, habang nakatakip ang panyo ko sa kaniyang pisngi.

"Ano nangyare sa inyo?" takang tanong ni Andrew na nakasalubong namin, napatingin sa'kin si Celia, "Natamaan lang siya ng bola galing do'n sa mga nag p pe! Mga walang mata nga eh!" sabi ko na ikina ngiti ni Celia, "oh siya! Mauna na kami"

"teka, sasa-"

"hakdog! Ako doktora nito simula ngayon, no boys allowed!" bago hinatak si Celia paalis

*flashback ends*

Katulad ng dati, wala paring Nurse. Pumunta ako sa may lamesa upang makita ang First Aid Kit na madalas naming gamitin para sa mga sugat niya,upang makakita ng isang sulat.

𝔈𝔯𝔦𝔠𝔞,

𝔓𝔞𝔰𝔢𝔫𝔰𝔦𝔶𝔞 𝔨𝔞 𝔫𝔞. 𝔐𝔞𝔥𝔞𝔩 𝔨𝔦𝔱𝔞, 𝔞𝔱 𝔰𝔞𝔩𝔞𝔪𝔞𝔱 𝔫𝔞𝔤𝔦𝔫𝔤 𝔨𝔞𝔦𝔟𝔦𝔤𝔞𝔫 𝔨𝔦𝔱𝔞, 𝔥𝔞𝔫𝔤𝔤𝔞𝔫𝔤 𝔰𝔞 𝔪𝔲𝔩𝔦.

𝔑𝔞𝔤𝔪𝔞𝔪𝔞𝔥𝔞𝔩,
ℭ𝔢𝔩𝔦𝔞

Nagulat ako ng may naghiyawan na mga estudyante, at may pumasok na may dala dalang babae, si Celia na duguan. Katabi nito ay si Andrew na may tama sa Braso, at umiiyak, "Tumawag kayo ng Ambulansya! Tulungan niya ang Girlfriend ko!" hiyaw nito bago nagbalak na pumunta sa pwesto ni Celia na naging dahilan para hawakan siya ng mga teachers.

Pagtingin ko sa lapag ay may isa pa palang sulat. Pag buklat ko ay napangiti ako,

𝔈𝔯𝔦𝔠𝔞,

𝔑𝔞𝔭𝔞𝔪𝔞𝔥𝔞𝔩 𝔫𝔞 𝔯𝔦𝔫 𝔞𝔨𝔬 𝔨𝔞𝔶 𝔄𝔫𝔡𝔯𝔢𝔴, 𝔥𝔦𝔫𝔡𝔦 𝔫𝔞 𝔞𝔨𝔬 𝔟𝔞𝔟𝔞𝔩𝔦𝔨 𝔨𝔞𝔶 𝔄𝔯𝔱𝔥𝔲𝔯. 𝔓𝔦𝔫𝔲𝔱𝔬𝔩 𝔨𝔬 𝔫𝔞 𝔞𝔫𝔤 𝔲𝔤𝔫𝔞𝔶𝔞𝔫 𝔨𝔬 𝔰𝔞 𝔨𝔞𝔫𝔦𝔶𝔞, 𝔰𝔞𝔫𝔞 𝔫𝔞𝔪𝔞𝔫 𝔭𝔞𝔱𝔞𝔴𝔞𝔯𝔦𝔫 𝔞𝔨𝔬 𝔫𝔤 𝔭𝔞𝔫𝔤𝔦𝔫𝔬𝔬𝔫 𝔰𝔞 𝔩𝔞𝔥𝔞𝔱 𝔫𝔤 𝔨𝔞𝔰𝔞𝔩𝔞𝔫𝔞𝔫 𝔨𝔬. 𝔖𝔞𝔩𝔞𝔪𝔞𝔱 𝔰𝔞 𝔱𝔲𝔩𝔬𝔫𝔤 𝔞𝔱 𝔩𝔞𝔤𝔦 𝔨𝔞𝔫𝔤 𝔫𝔞𝔫𝔡𝔶𝔞𝔫 𝔈𝔯𝔦𝔠𝔞... 𝔓𝔞𝔭𝔞𝔱𝔞𝔶𝔦𝔫 𝔫𝔦𝔶𝔞 𝔫𝔞 𝔞𝔨𝔬, at 𝗌𝗎𝗇𝗈𝖽 𝗄𝖺 𝗇𝖺.

Pagkatapos kong basahin ang sulat ay napatingin ako sa may pintuan, upang makita si Arthur na may Baril sa kamay, nakasimangot ito

Ibinuka nito ang kaniyang bunganga at ikinasa ang baril bago pinaputok ang ito.

"𝗆𝖺𝗀𝗌𝖺𝗆𝖺 𝗄𝖺𝗒𝗈, 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗋𝖺𝗒𝖽𝗈𝗋" ang pagbigkas ko sa kaniyang bibig bago nakaramdam ng hapdi sa dibdib at napasalampak sa sahig.

Hindi nagtagal ay nakita ko si Andrew na napatingin sa gawi ni Arthur at sumigaw upang mapunta sa kaniya ang atensiyon ng mga guro, bago tumakbo sa gawi nito. Hindi man lang tumakbo si Arthur, at binagsak ang baril. Kita ko sa mga mata nito ang mga namumuong luha, pero ayaw niyang pabagsakin habang hinahatak siya paalis.

'pareho silang nagmamahalan, ngunit hindi maaari' napatingin ako sa gawi ng katawan ni Celia, nakatingin siya sa'kin at nakangiti na aking ginantihan rin, bago pumikit at nagpasakop sa kadiliman.

normal na babae rin pala siya. Umibig, niloko at sinaktan lang, pero kahit gano'n wala siya pake. Sana kasing tapang niya rin ako, walang pake sa sasabihin ng iba at kung sino ako sa paningin nila.

NefelibataWhere stories live. Discover now