Chapter 2

210 12 0
                                    

It was already late afternoon when I woke up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It was already late afternoon when I woke up. Gusto ko pa ngang matulog pero naririnig ko kasi ang malakas na tawanan ng mga magulang ko at ni Renzen. I lazily stood up and went down without even combing my hair.

Natigilan silang lahat nang lumitaw ako sa sala. By everyone I meant my parents, Renzen and my two brothers whose face are currently on our smart TV's screen. They're Skype calling and they didn't even wake me up!

"Tamara, pucha! Magpalit ka naman muna at maghilamos!" react ni Kuya Mike. Si Kuya Aid, tumatawa lang.

Lumapit ako't tumabi kay Mama.

"Don't listen to them. Pinakamaganda ka tuwing may muta ka pa," komento naman ni Renzen na nasa dulo ng sofa. Binelatan ko siya.

It turns out, everyone gathered to congratulate Renzen. Malaking bagay daw kasi ang pagka-hire niya sa ITC Global.

The call went on for almost an hour. Kahit na hanggang kumakain kami. May mga dinala pala kasi si Renzen na takeouts. These are the times that this house is most lively. Noon, kung hindi nagba-basketball ay nandito ang tatlong mokong para maglaro ng video games. Minsan nakikilaro din ako and they're loudest when they're teasing me.

Pagkatapos ng hapunan, tinulungan ako ni Renzen na maghugas ng pinngan.

"Kanina ka pa tahimik. Tapos parang pilit ang mga ngiti mo. Iiyak ka kapag aalis ako, ano?" aniya. Inapakan ko ang paa niya. Napa-aray siya at kamuntikan pa niyang mahulog ang binabalnawang baso.

"Don't worry. I'll make sure to always call you before the day ends."

"Sus, bakit naman? Ano ako? Girlfriend mo na kailangan ng assurance?" yamot ko.

"You're acting like one right now." He smirked.

"Mukha mo! Naalala ko lang kasi noong umalis sina Kuya Mike at Adrian. Tayo-tayo rin ang nag-celebrate noong makuha sila sa mga trabaho nila. Para na talaga tayong magkapatid."

"Kaya nga e. Ang saya. Salamat, Tammy. Sana nga nandito rin ang mga magulang ko para makita nila ito. Man, I wonder how it feels... Na sabihin ng mismong magulang ko na proud sila sa akin..." Lumungkot ang boses niya.

Shit, me and my big mouth!

Nasa Grade 4 kami noong parehong maaksidente at mamatay ang mga magulang ni Renzen. Ang lolo't lola niya ang nagpalaki sakanya.

"Sigurado akong proud sila sa'yo, Renzen," seryosong sabi ko. He gave me a smile then changed the topic.

Bago umalis si Renzen ay pinaalala nanaman niya sa akin ang lakad namin bukas. Pinipilit niya talagang magsuot ako ng dress. Siguro gusto niya lang akong pagtripan for the last time bago siya umalis.

Wait—

Last time? Bakit? Hindi na ba siya babalik? O sige, sabihin na nating babalik siya. Kaso alam ko na marami ring magbabago kapag dumating ang oras na 'yun. My brothers are my brothers but Renzen...

Between the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon