Renzen and Tamara are childhood friends. They would always be there for each other without questions. Parang pamilya na ang turingan nila sa isa't-isa kaya naman nagulat na lang si Tamara nang umamin si Renzen na gusto siya nito. She was taken aback...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dumiretso agad ako sa locker area nang matapos ang aking shift. Pagod na pagod ako at ang gusto ko nang gawin ay umuwi, uminom ng gatas at matulog. Mabuti na lang at off ko bukas sabay magbabago na rin ang rotation ng aming grupo. Sa isang buwan na inilagi ko sa Emergency Room, pakiramdam ko'y tumada ako ng limang taon!
"Tammy, nagtatawag si Lance na mag-coffee muna tayo bago umuwi," lapit sa akin ni Angela habang nagliligpit ako ng gamit.
"Sa susunod na lang, Angie. Gusto ko na talagang matulog," sagot ko. Tinatamad kong binuhat ang aking bag.
"Sama ka na, ihahatid naman kita e," singit ni Lance na kakapasok lang sa room.
"Da moves!" react ni Angie. Pasimple ko tuloy siyang sinamaan ng tingin.
"Next time, promise. Mauna na ako ha? Enjoy!" paalam ko sa dalawa para hindi na magatungan ng asaran.
Tatlo kaming mga trainee nurses dito sa SMMC. Kagrupo ko si Angie since Day 1 at dahil na-dissolve ang original group namin, isinama nalang kami sa grupo nina Lance.
Nitong huli ay nakakahalata na ako kay Lance. Papansin siya nang papansin at kahit na oo, ang dami naming similarities sa hobbies, movie preferences and whatnot, wala talaga akong maramdamang spark. Tsaka, wala pa talaga akong balak magkaroon ng boyfriend.
"Ta-ma-ra, pa-ngit."
Sinulyapan ko agad ang sumabay sa akin sa paglalakad.
"Bakit ka nandito?" duro ko kay Renzen. Aba, hindi ba siya nilalamig? Naka-plain black shirt, jeans at beanie lang kasi siya. Lumapit ako para singhutin siya. Amoy bagong ligo at hindi alak.
"Hey, stop sniffing. Galing ako sa bahay. Kanina pa kaya kita sinasabayang maglakad. Bakit lumilipad ang isip mo? Iniisip mo si crush?" natatawang sabi niya. Gusto ko siyang ibalibag, kaso wala na talaga akong energy.
"Nag-text ka ba? Ba't ka nga nandito sa ospital?" tanong ko.
"Para sunduin ka?" aniya sabay ngisi.
Sasagot na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko. Pareho naming nilingon ni Renzen si Lance na papalapit sa aming dalawa.
"Naiwan mo," ani Lance sabay abot ng paraphernalia ko.
"Oh my God, thank you! Hindi ko pala nakuha sa station," masayang sagot ko. Ang mamahal kasi ng mga gamit na nasa loob nito— lalo na 'yung pulse oximeter!
"No worries. Ayaw mo ba talagang sumama for coffee?" sagot ni Lance.
"Next time na lang, bro. Pauwi na kami," singit bigla ni Renzen.
"Lance, si Renzen nga pala, kapitbahay ko—" simula ko sa pagpapakilala pero sumingit nanaman si Renzen.
"Kapitbahay lang?!" OA na react ni Renzen. Sinamaan ko agad siya ng tingin bago bumaling pabalik kay Lance.
"Thanks ulit, Lance. See you sa next duty," paalam ko.
"Sure. Ingat pauwi, Tammy!" nakangiting sagot niya sa akin sabay kay Renzen, "...at ikaw, kung sino ka man."
Kinindatan pa ako ni Lance bago tuluyang umalis para puntahan ang mga nag-aabang na kasama niya sa parking area.
"Kung sino man ako? Hanep! Mukhang may gusto 'yun sa'yo. Kaso lang, maangas. Dapat sinabi mong ako ang best friend mo. Magsisisi siya na sinabi niya 'yun!" himutok ni Renzen nang kami na lang ang naiwan.
"Tara na nga, inaantok na talaga ako. Saka ka na ngumawa," sabi ko dahil talagang 'di ko na naiintindihan ang iba sa sinasabi niya.
"Akin na nga 'yang bag mo." Tinanggal niya nang sapilitan ang backpack ko.
Last week, nang 3-11 ako, naabutan ko naman siya sa hintayan ng sasakyan. Noong 11 PM naman ang pasok ko, dinaanan niya ako sa bahay para isabay dahil may lakad din daw siya. Oo na, siya na ang maraming free time. Two weeks ago kasi ay nagresign siya sa pinapasukan niyang firm.
Elementary pa lang ay magkaibigan na kami ni Renzen. Bukod doon, magkababata at magkapitbahay pa kami. Ang totoo niyan, ang mga kuya ko ang una niyang naging close. Dahil sa kanila kaya ako nahilig sa mga computer games imbes na sa barbie dolls, make up at dresses.
Mapang-asar itong si Renzen kaya naiinis ako sa kanya dati. Utang na loob, hanggang high school, schoolmates pa rin kami! Pareho rin ang pinasukan naming university noong college. Kahit na magkaiba kami ng kurso, hindi pa rin nawala ang closeness namin.
I think this is one of those things where you can't totally remember why it ended this way.
Best friend?
Yup, siya na siguro ang masasabi kong pinaka-best friend ko. Kilala niya ako in and out. Sa kanya ako parating naglalabas ng sama ng loob. Madali niya rin kasing napapagaan ang loob ko. Lagi nga kaming napagkakamalang mag-syota. But, we've never crossed that line. I have realized that I am better as his friend. We're both 23 now and are still great friends!
"Kailan na matatapos ang pagiging volunteer mo?" tanong niya nang makasakay kami sa front seat ng jeep.
"Next month."
"Will you extend or try any other hospital?"
"Ewan ko. Pero may suggestions si Kuya sa Manila."
"Consider them, please? Para naman hindi ako home sick masyado kapag nandoon na ako," sagot niya.
"Ibig sabihin?" Tinitigan ko siya.
"Natanggap ako sa ITC Global. 'Yung isa sa mga inaplayan ko last week? Pinapapunta na nila ako doon ASAP. I'm the best, right?" pagmamalaki niya.
"Of course you are, Mr. Accountant. Aba, big time. Kailan ka aalis?" tanong ko.
Oh wow, he's leaving, too... Mawawalan na ako ng punching bag...
"Next week. Ang sabi nga ni Kuya Mike mo tumuloy muna ako sa condo niya. Kaso lang ay malayo sa ITC 'yung unit niya. Hanep si Kuya Mike! Pa-condo-condo na ngayon e dati nanghihingi pa 'yun ng piso sa akin kada matapos ang klase," natatawang sabi niya.
Oo nga, hindi na kami mga bata. Sobrang nalungkot ako dati nung lumipat si Kuya Mike sa Manila. Pati narin nang pumasok si Kuya Adrian sa marines. Tatlo na lang kami ng mga magulang ko sa bahay.
"Oh? Huwag ka munang umiyak, nandito pa naman ako," he said sweetly. This is one of those Renzen moments that are rare.
"Tss. Makakapaglaro pa naman tayo ng online games kahit na nandoon ka," sambit ko.
Sa buong biyahe pauwi ay sinabi niya sa akin ang detalye ng magiging work niya. Manila? Parang nakakatakot sumabak doon.
Inihatid ako ni Renzen hanggang sa bahay.
"Off mo bukas at sa isang araw, 'di ba? Labas tayo day after tomorrow, please? Wear something nice. Date tayo bago ako umalis," pahabol ni Renzen.
"Date? Saan? Sa computer shop?" natatawang sabi ko. Huminto siya at lumingon sabay ngisi.
"Somewhere fancy. For a change," aniya sabay kaway at alis.
Imbes na matulog na agad, nandito tuloy ako ngayon at nanonood ng mga old pictures namin noong mga bata pa kami. They were always there for me, as I for them. Time sure flies. We're all adults now with responsibilities to handle. Now, I'm the only one who hasn't left the nest yet.