Chapter 3

177 11 1
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ako nakatulog nang maayos. Ilang beses kong binalak na tawagan o i-text si Renzen pero umuurong ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kagabi, simula nang makauwi ako, ay nagmukmok lang ako dito kuwarto.

Nanonood ako ng drama sa laptop ko, na siyang ginawa ko maghapon, nang kumatok si Mama para tawagin akong kumain.

"Mamaya na ho," sagot ko at 'di pa nag-abalang tumayo. Hindi ko namalayan na pumasok na pala siya.

"Hindi ka rin kakain ng dinner?" May bahid ng pag-aalala sa kanyang boses. Napakunot ang noo niya nang makita ang naniningkit na mga mata ko.

"Diet, Ma," tugon ko sabay iwas ng tingin at nag-kunwaring may kinalalikot ako sa laptop.

Napaayos nga lang ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Renzen.

"Sus, diet!" Tumakbo siya para lapitan at hilain ako patayo mula sa kama. Kamuntikan tuloy malaglag sa sahig ang laptop ko!

"Nandito ka pala, iho. Bukas na ng umaga na ang alis mo?" tanong ni Mama habang nakangiti.

Binawi ko ang aking kamay mula kay Renzen.

Bukas ng umaga? Akala ko ba next week pa? And did last night really happen? Bakit parang balik sa dati si Renzen?

"May dala ulit akong mga takeouts, Tita. Kayo na po ang bahala. Lalabas muna kami ni Tammy para bumili ng ice cream," ani Renzen kay Mama.

"O sige, bumalik kayo agad para sabay-sabay na tayong kumain," tugon ni Mama bago siya lumabas. Gusto kong tumakbo palabas dahil hindi ko alam kung paano haharapin si Renzen.

"Magpapalit ka pa?" baling niya sa akin nang kami nalang maiwan.

"H-ha?" Tinalikuran ko siya.

"Bibili tayo ng ice cream. Tara na!" Pinaghahatak ba naman niya ako! Siyempre, baka makahalata ang mga magulang ko kapag bigla akong nagwala dahil dito kay Renzen.

Nakapambahay ako samantalang pormadong-pormado naman itong kasama ko. Di bale na, diyan lang naman ang mini-grocery store. Habang naglalakad kami ay saka ko lang naalala na malapit na ang death anniversary ng mga magulang niya at marahil ay wala siya rito sa araw na 'yun.

"Dumaan ka na ba sa sementeryo?" lakas loob na tanong ko.

"Bukas sana, bago ang biyahe ko ng hapon. Sasamahan mo ba kami kagaya ng dati?" malungkot na sabi niya.

Nasa tapat na kami ngayon ng elementary school na siya ring pinasukan naming dalawa noon.

"Can we stop here for a bit and talk? And please, Tammy, look at me," pakiusap niya.

"Okay," tugon ko at ako na mismo ang naunang naglakad papunta sa playground. Diretso kami sa may swing para maupo. Masyado na nga lang itong maliit para kay Renzen kaya tumayo na lang siya.

Between the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon