Chapter 5

1.2K 51 11
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni Papa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni Papa. It's already ten in the morning?! Mabuti na lang at 3-11 ako ngayon.

"Itinakbo ang Tita Olive mo sa ospital. Pupuntaha kami ng Mama mo doon. Ikandado mo nang husto ang mga pinto bago ka pumunta sa duty mo mamaya. Itetext kita kung sakaling hindi kami makauwi agad," paliwanag niya nang buksan ko ang pinto.

Sa dulo ng hallway ay nakita kong may kausap si Mama sa phone. Nakaayos na silang dalawa at mukhang handa nang umalis.

Habang tinutulungan ko si Mama na mag-empake ng mga pagkain na dadalhin niya ay ipinaliwanag niyang nabunggo raw ang sasakyan ni Tita habang papunta siyang Ilocos.

"Ingat ho kayo. Kausapin mo si Papa habang nagmamaneho para 'di siya antukin," sabi ko.

"Of course, anak. Oo nga pala, nakita ko si Renzen kanina sa store nang mag-load ako. Nabanggit ko na sa kanya na baka gabihin kami mamaya. Kung sakali'y sa kanila ka na muna dumiretso kung natatakot kang mag-isa rito sa bahay. Dalhin na natin ang mga ito sa sasakyan," aniya bago binuhat ang ilang container at nagmamadaling lumbas.

Hindi na ako umimik.

Pagkaraan ng ilang bilin ay umalis na sila.

Ang huli yatang pagkakataon na natulog ako kina Renzen ay noong college. 'Yun ay noong nagpatulong ako sa kanya para sa thesis ko. Nakatulog ako sa kama niya nang 'di ko namalayan. Tuloy ay siya na ang gumawa ng buong revision.

"Ang layo naman ng tingin mo." Kumaway si Renzen sa harapan ko. Kanina pa ba siya nandito sa tapat nga gate namin?

Damn it, hindi pa ako nakapaghilamos! Baka mabaho pa ang hininga ko! Pasimple kong inayos ang aking buhok.

"Saan ka naman daw galing?" tanong ko habang naglalakad papasok ng bahay. Alam ko rin naman na susunod siya.

"Nag-jogging sa park."

"Ikaw? Nag-exercise?" natatawang sabi ko habang kumukuha ng tubig sa kusina.

"There's a first time for everything. Nakakabawas rin kasi ng stress. Tsaka, idol kita e. Gusto ko ring pumayat ng ganyan."

Napansin kong tinitingnan niya ang kabuoan ng bahay. Itatanong ko na sana kung puwede ba kaming mag-usap mamaya pero naunahan niya ako.

"Kung wala kang kasama mamaya, pumunta ka lang sa bahay. Lalabas din kasi kami ng mga kaibigan ko at baka magabihan rin. Just send me a text, okay? Later." Binelatan niya ako sabay alis.

I felt defeated. I'm not confident enough to confront him.

Imbes na mag-duty ay nagpaalam ako sa head namin na 'di ako makakapasok. Lumabas ako para mamili ng goceries. Kailangan kong maghanda ng kakainin nina Mama pagkauwi nila. Sana ay okay lang si Tita.

***

May kasamang dalawang lalaki at isang babae si Renzen sa kanilang veranda nang madaanan ko ang bahay nila. Nagtatawanan sila at panay ang hampas ng babae sa braso ni Renzen.

Between the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon