PROLOGUE

274 12 3
                                    

Hindi lahat ng bagay kaya nating kunin, kung minsan may mga pagsubok pa na dapat tahakin para lang makuha ito. Kahit gaano pa man ito kahirap, titiisin mo lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang taong mahal mo.

Sa buong buhay ko, lahat ng bagay ay pag-aari ko. Kung ano ang gusto ko nasusunod.Masaya ako sa buhay na ganito. Walang kinakatakutan. Lahat ay akin.

Pero minsan may nagtanong sa akin "Alam mo ba talaga ang ibig sabihin ng salitang MASAYA? Nakaramdam ka na ba ng TUNAY na KALIGAYAHAN sa buong buhay mo?" Bigla akong nalungkot ng itanong yun sa akin. Dahil sa buong buhay ko, ngayon ko lang naisip na hindi talaga ako totoong masaya. Oo, sa likod ng aking mga ngiti ay may nakatagong lungkot. Lungkot na hindi ko masulusyunan.

Pero ng dumating Siya sa buhay ko, lahat nagbago! Naramdaman ko ang tunay na KALIGAYAHAN sa aking buhay.

Hindi siya isang anghel na bumagsak mula sa langit para magpabago sa aking buhay... Isa siyang babaeng walang ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba bago ang kanyang sarili.

Nagsakripisyo siya para sa akin. Wala siyang ibang ginawa kundi pasayahin ako gamit ang mga salita ng Diyos. Hindi siya sumuko kahit ilang beses ko pa siyang ipagtulakan.

Anong naging kinalabasan?...

Heto ako ngayon, isang mabuting tagasunod ng Diyos, at dito ko naramdaman ang tunay na kaligayahan. Dito ako natutong paunlarin ang aking pagkatao. Naging social ako sa ibang tao, kaya ko ng kontrolin ang aking emosyon, naging malakas ako sa mga pagsubok na aking tinahak at higit sa lahat napaunlad ko ang aking relasyon sa Diyos.

Lahat ng ito'y dahil sa aking angel. Oo hindi siya isang anghel pero para sa akin siya lang ang nag-iisa kong angel..

The Angel who saved me and....
.
.
.
.
.
.

Made my life COMPLETE !

.

.
Ngunit paano na lamang kung dumating ang araw ng kaniyang katapusan? Paano na lamang ako? Paano na lamang KAMI? Kakayanin ko ba ang mabuhay ngayong wala na siya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
For3v3r_eight :)

She made My Life CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon