CHAPTER III

87 7 0
                                    

ANNE's POV

"Sa susunod , kilalanin mo muna mga binabangga mo! Hindi mo alam kung sino ako .!.. Mabuti pa magresearch ka o di kaya mag-interview ka sa mga estudyante dito para malaman mo kung sino ako....at sa susunod na magkita tayo, dapat alam mo na biography ko..dahil kung hindi, LAGOT KA!! ***"

Pagkarinig ko nun ay biglang tumulo ang aking mga luha na agad ko namang pinunasan para hindi nila mahalata.. Ganito talaga ako kapag may nakakasagutan akong kapwa.. Hindi ko maintindihan pero mabigat lang talaga sa pakiramdam na may taong may galit sa akin.. Iyakin na kung iyakin.. Totoo naman eh..

"Uy! Bhexhie! ... Alis na tayo, samahan kita sa c.r. para makapagpalit ka," sabi ng bestfriend kong si Joy... Hindi ko namamalayan na nakaalis na pala yung apat na lalaking nabunggo ko kanina...

"a-ahh.. Wag na! , dito ka na lang, hintayin mo na lang ako dito kuha lang ako ng damit sa locker .. Tapos babalik din ako agad" sabi ko ng may bakas pa ring lungkot sa aking mukha...hindi lang talaga ako makapaniwala na may makakaaway pala ako dito sa school na ito... Sa totoo lang , ayaw ko talagang magkaroon ako ng bad record sa school dahil kung hindi , bababa ang mga grades ko at kung nangyari yun, may posibilidad na mawalan ako ng scholarship sa school na ito ...

***

Kasalukuyan akong nagbibihis sa c.r. ng may nagsalitang dalawang babae..

" Alam mo na ba yung balita na bumalik na si Allen??"

" oo nga eh.. Nabalitaan ko nayan at alam mo ba meron na naman siyang nabastos na babae.. Sinabunutan, pinaamoy at pinahalik niya daw yung medyas niya.."

"Talaga?? Yak! Kadiri! Ang bastos niya talaga"

Pagkarinig ko ng pangalan na Allen ay natakot ako... Naalala ko ang sinabi nung lalaking nabunggo ko na alamin ko daw ang biography ni Allen Tiu.. Siguro pangalan niya yun... Naguguluhan talaga ako kaya hindi na ako nakatiis at lumabas na ako ng c.r. dahil tapos na rin akong magbihis, kinapalan ko na ang mukha ko para maka-usap sila. Gusto kong malaman ang mga kasagutan sa aking mga tanong gaya na lamang ng " Sino ba talaga si Allen?" , "Bakit parang ang sama sama niya sa mata ng mga estudyante?"..

Lumabas na ako at nakichissmiss...

"Excuse me miss, pwede bang magtanong??"

"a-ahh...kanina ka pa dyan? Narinig mo ba mga pinag-uusapan namin?"

"oo narinig ko lahat pero wala akong balak ipagkalat... Gusto ko lang magtanong sa inyo.."

Nakahinga ng maluwag ang dalawang babae.. " Promise wag na wag mong ipagkakalat ha?"

" Oo..hindi ko po ugali ang magkalat ng sekreto"

"salamat miss ha! ., ano nga pala itatanong mo?"

"Bago palang po ako sa school na ito.. Kanina lang po may nakabunggo ako na isang lalaki na may tatlong kaibigan... Galit siya sa akin ng mabangga ko siya.. At sabi niya pa na sa susunod na magkita kami, alamin ko raw ang biography ni Allen Tiu.. Narinig ko po kayo kanina na pinag-uusapan niyo po si Allen Tiu.. Kaya gusto ko lang itanong kung sino po ba siya??"

"huh! Oh my GOSH!! Naku miss mag-iingat ka sa Allen Tiu na yon.."

"Alam mo kapag may nabunggo kang lalaki at sinabi sayong alamin mo ang buhay ni Allen Tiu,, ihanda mo na sarili mo!"

"marami na siyang napaalis na estudyante sa school na ito..."

"Ano po ba ang ginagawa niya sa mga estudyante?" isa pang tanong ko.

"Tino-torture niya! Pinapahirapan niya! Kung babae ka, masuerte ka na! Kumpara sa mga lalaki na sinusuntok /binubully niya para mapaalis lang sa school na to. Kung babae ka, Gaganti siya sa mga grades sa subjects mo at kapag mangyari yun, bababa ang grades mo at kapag bumaba pa ng masyado, ipaaalis ka na sa school na ito o di naman kaya, tatakutin ka nila sa mga bagay na kinatatakutan mo."

"Paano niyo naman nalaman na ganoon talaga ang ginagawa niya? At tsaka, di ba my batas ang gobyerno na bawal ang pambubully?"sabi ko.

"Oo nga , kaso ang problema walang mga teachers o principal ag nakakaalam na may pambubully nang nagaganap sa school."

"Bakit naman?" tanong ko.

"Dahil walang may balak na magsumbong. Dahil kapag magsusumbong ka, gagawa at gagawa ng paraan ang Allen Tiu na yon ng ibang paraan para makarma yung taong yun."

"Eh paano naman siya? Hindi ba siya bibigyan ng parusa?" tanong ko pa.

"Siyempre bibigyan, peroo...hindi rin magtatagal ang parusa na iyon kasi anak siya ng isa sa mga pinakasikat at pinakamayamang company dito sa lugar natin. Alam mo naman ang nagagawa ng pera,diba?" pagpapaliwanag ng babae.

"Ah ganun ba? Sige salamat ha. Pangako! Hindi ko ipagsasabi na sa inyo ko nakuha ang mga impormasyong yon "

Bumalik na ako sa canteen kung saan naghihintay ang bestfriend kong si Joy..

"Oh ano ? Ayos ka na?"

"Joy! Alam ko na ang buhay ni Allen Tiu. Yung lalaking nakabunggo ko kanina, siya nga si Allen Tiu"

"Pano mo nalaman?"

"Meron akong nakapagkwentuhan sa c.r. at sa kanila ko nakalap ang mga impormasyong yon."

Ikinuwento ko na nga kay Joy ang mga sinabi sa akin ng dalawang babaeng yon.

Ano kaya ang gagawin niya sa akin? Sana makalimutan niya na lang ako para mawala na rin atraso ko sa kaniya pero sa tingin ko malabong mangyari yon.

*****

"Mukhang takot na takot din si ate Anne,Lolo!"

"Siguro nag-eevolved kayo as monster kaya takot sila sa inyo!"

*laugh* "Sa kagwapuhan kung ito, matatakot sila sa akin?" (pogi sign)

*laugh*

She made My Life CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon