CHAPTER I

226 11 0
                                    

(A/N: hi reaDers! :) Iibahin ko lang yung style ng story ko... "wala itong halong mga bad words" hihihi.. Pag may nakita kayong ganito (***) ibig sabihin, may bad words kaso hindi ko itatype..XD . .. i hope na sana mag-enjoy kayo..

Enjoy! :))

***

Haayy.. Ang bilis talaga ng panahon! Parang kahapon lang, kabataan pa ako. Ngayon, Senior Citizen na ako. Ako nga pala si Allen Tiu. Anak ako ng may-ari ng The Tiu Company. Namatay na ang mga mga magulang ko, dala na rin ng katandaan. Ngunit hindi ko minana ang kanilang Companya  dahil gusto kong mamuhay ng simple. Ayaw kong mangyari sa mga anak ko ang nangyari sa akin noong ako'y bata pa. Na madalas hindi pinapansin ng mga magulang dahil na rin sa sobrang busy sa trabaho. Kaya binenta ko ito sa iba. Ako ay isang retired Teacher/Profesor sa isang University. Ngayon,meron na akong mga apo. At halos lahat sila ay sobrang makukulit.

"Lolo!"

Naku! Nanjan na pala sila.

"Lolo! Nandito na kami!"

"Lolo! You said you will tell us another story"

"Oo mga apo! Hindi ko naman nakalimutan yun" sabi ko.

Tuwing Sabado ng gabi, nandito ang mga apo't anak ko sa bahay. Tatlo ang anak ko at dalawa doon ay may tig dalawang mga anak. Ang isa ko namang anak ay may tatlong anak. Kaya pitong lahat ang mga apo ko. Tatlo doon ay high school students na at ang apat naman ay mga bata pa. Sila ang makukulit sa bahay ko. Ang mga tatlo kong apong high school na ay nakikinig pa rin ng turo ko. Tuwing bumibisita sila dito ay talaga namang parang palengke ang bahay namin sa ingay.

Paboritong gawin ng mga apo ko ay makinig sa kanilang Lolo Allen ng mga kwento. Oo, para akong si Lola Bashang. Gustong gusto nila na ikwento ko sa kanila ang mga kwento sa bibliya. Syempre natutuwa ako sa kanila dahil kahit na silay napakakulit, meron naman silang dignidad sa buhay at syempre may takot sila sa Diyos.

"Tama na yan lolo! Simulan na natin yung story"

"Oh sige na" sabi ko.

Paano yan? Magkwekwento na ako. Sana makinig din kayo ha?

"Simulan na natin!"

"Lolo what is the title of the story?"

"This story is entitled Allen Tiu's First Love"........"This is my own story".. ..

"Lolo, bakit hindi bible story?"

^_^

"Pwede bang ibahin ko muna ngayon ang kwento natin mga apo?" sabi ko.

"Bakit naman po lolo? Nagsasawa na ba kayo sa pagkukuwento sa amin ng bible story?"

"Hindi naman saganon, hinding hindi ako magsasawang turuan kayo pero gusto ko namang ibahagi sa inyo ang love story ng lolo niyo."

"Lolo naman! Bata pa po kami!"

"Alam niyo mga ading, paminsan-minsan masarap ding makinig ng mga love story. Kaya hayaan niyo na si lolo ha? Siguradong nakakakilig to! HahaxD" pagbibiro ng isa sa mga apo kong high school na.

"Look oh! Lolo's cheeks are blushing! ^_^" haahh..

*Laugh*

"Sige na nga po lolo! Start niyo na! Excited na kami!"

"Siguradong nakakakilig to! Haha"

Hindi alam ng mga apo ko na ang story na ito ang pinakamasakit na parte sa buong buhay ko. Nawala siya. Iniwan niya ako. Oo, masarap magmahal pero ang masaktan, ang pinakamapait sa lahat. Kahit na sobrang sakit maalala, pinipilit kong maging masaya at matapang dahil yan ang turo niya sa akin. Gusto kong ikwento sa aking mga apo ang babaeng unang nagpatibok ng aking puso dahil gusto kong makilala nila siya. Dahil kahit na siya'y pumanaw na, hindi siya mawawalan ng parte dito sa puso ko. Nangako akong hinding hindi ko siya kakalimutan hanggat nabubuhay pa ako. Mananatili siya sa buhay ko magpakailanman.

She made My Life CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon