CHAPTER V

64 5 0
                                    

Allen's POV

"Aray! ***! ang sakit talaga ng paa ko! Humanda talaga sa akin yang babaeng yan!"

Sa sobrang sakit hindi halos maigalaw ang isa kong paa. Dumating na si Jayden pero hindi pa ako nakakatayo. Pinagtitinginan na nga ako ng mga estudyante eh.

"Anong tinitingin tingin niyo ha? Umalis nga kayo sa paningin ko!" sigaw ko sa mga estudyanteng nakatingin sa akin.

"Boss! Pasensiya na pero hindi ko na siya nahabol. Nakapasok na siya sa room nila nang dumating ako"

"Ano? Lintik naman oh! Lalaki ka tapos hindi mo man lang nahabol ang isang babae?"

"Pasensiya na boss!"

Inalalayan niya ako sa pagtayo. Kahit paika-ika sa paglalakad, tiniis ko ang sakit. Nakakailang hakbang palang kami ni Jayden ay may pumukaw sa aking atensiyon. Isang school I.D.

Pinulot ko ito habang inaalalayan ako ni Jayden.  Pagkaharap ko ng school I.D., ay nakita ko ang pagmumukha ng babaeng tumapak sa aking paa.

"Alam ko na kung ano ang gagawin!. *evil smile*"

***

Anne's POV

"Nasan na ba yung I.D. koooo!"

Halos baliktarin ko na lahat ng laman sa bag ko para lang makita yun pero hindi ko mahanap. Bago ako umalis sa room, tiningnan ko naman sa upuan ko kung may nakalimutan ako pero wala din naman eh.

"Aaahhh na saan ka na ba? Magpakita ka na oh! Hindi ako makakapasok bukas kung wala ka!"

Teka? Nung pumasok ako kanina hawak-hawak ko yung school I.D. ko kasi nga late na ako tapos.....

"Aahhh! Alam ko na! Di kaya nung nagkabungguan kami nung Allen na yon, eh nahulog ko! Tama! Nahulog! Pero bakit hindi ko man lang napansin o naramdaman? Haaayy!"

Pumunta ako kung saan kami nagkabungguan ni Allen at wala akong nakita. Nagtanong-tanong din ako kung may nakita ba silang I.D. pero wala rin eh.

Pumunta ako sa locker ko para ilagay ang mga libro dahil mabigat na sa bag.

"Baka naman...! ..haay. '. Sana mali ang hula ko."

Binuksan ko ang locker at inilagay na ang mga libro ko.

"Nasan na ba kasi yunnn!" naiinis na nag-aalala na ako.

" *ehem* "

"Ay kabay0!" nagulat ako sa isang taong nag- 'ehem' sa katabing locker ko.

Isinira ko ang locker para tingnan kung sino.....

"Ito ba ang hinahanap mo?"

"Allen?? Yung I.D. ko!"

"Aaahh... Sayo ba to? (hawak-hawak ang I.D. ) Kaya pala nung nakita ko, biglang kumulo ang dugo ko!"

"Ibalik mo sa akin yan!" pilit kong kinukuha ang I.D. ko pero siya namang iniiwas ito palayo sa akin.

"Please! Ibigay mo na sa akin yan!"

"Bakit ko naman ibibigay sayo ng ganun-ganun lang? Buti nga napulot ko eh. Kung iba ang nakakuha, baka hindi na nila ibigay sayo. Swerte ka pa rin at ang pinakasikat sa campus nato ang siyang nakapulot!"

"Bakit ako magpapasalamat sayo, eh hindi mo nga binibigay sa akin. Mas mabuti pa sigurong iba ang nakakuha. At least alam ko na, na ibabalik nila yun sa akin"

"Tsssk! *** (*** means 'a bad word') naman oh! Para makuha mo tong I.D. mo, kailangan mong sundin ang mga utos ko!"

"Alam mo hindi lahat nadadaan sa pagmumura. Alam mo bang kasalanan yan at kinamumuhian yan ng Diyos."

(A/N: Ipapakita ko sa inyo sa susunod pang mga chapters kung saang book sa bible matatagpuan ang mga bagay na kinamumuhian ng Diyos.)

"May mga nalalaman ka pang ganyan! Akala mo naman kung sinong anghel! ***"

"Kung ayaw mong ibalik  ang I.D. ko, mapipilitan akong isumbong ka sa principal."

" *laugh* Ano? Isusumbong? Ako? *laugh*"    Bigla siyang lumapit sa mukha ko sabay sabing... "Kahit anong gawin mo, kahit isumbong mo pa ako sa principal, wala ka rin lang mapapala. Hindi ka nila papansinin!"

"At pano mo naman nasabi?? Bakit ikaw ba may-ari ng school na to?"

"So hindi mo pa pala alam ang biography  ko huh! .. Para sa kaalaman mo, ang building na kinatatayuan mo ngayon ay ang pinatayo ng Company namin. Nakikita mo ba yung isa pang building nayon? (sabay turo sa isang  di-kalayuang building sa school) Kami rin ang nagpagawa nun! At pagdating sa mga donasyon, kami ang nangunguna sa laki ng presyong binibigay namin para lang sa school nato! Pati rin ang principal ng school na to na si Rosalino Tiu Jr. ay tito ko! Kaya hinding-hindi mo ako kayang isumbong at parusahan na lang ng basta basta dahil isa na rin ako sa dahilan kung bakit nakatayo pa ang eskwelahang ito! Naiintindihan mo?"

"Masaya ka na nun?"tanong ko.

"O0! Bakit naman hindi ako magiging masaya? Huh!"

"Oo nasayo na lahat pero sa tingin mo ba kaya mong mabuhay ng masaya kung lahat ng estudyante dito ay takot sayo? Kung wala yang mga barkada mo ngayon, makakapag-exist ka ba sa school nato?  o siguro magmumuk-mok ka na lang sa isang sulok dahil wala kang mahanap na mga kaibigan dahil takot silang maging kaibigan mo? Masaya ka ba kung sa araw-araw ay may naaabuso kang mga estudyante? Masaya ka ba sa pera mo ! at hindi mo pinapahalagahan ang damdamin ng mga taong nasa pali------"

"Tama na!" sagot niya. "Hindi mo ako kilala kaya manahimik ka! *** "

Bigla siyang nag-walk out. May nasabi ba akong mali? Sa pagkaka-alam ko , tama naman Lahat ng sinabi ko ah. Sa tingin ko, may kinikimkim siya na problema at ayaw niya itong pag-usapan o mapakinggan.

"Teka! Yung I.D. ko!! Ibalik mo muna!" sigaw ko sa kanya dahil medyo malayo na rin ang nalalakad niya.

Tumigil siya saglit. Ngunit hindi niya  nilingon ang kaniyang mga mata sa akin.

"Kung gusto mong makuha ang I.D. mo, kailangan mong pumunta sa labas ng gym mamayang 3:00pm."

"Bakit kailangan ko pang pumunta doon?"

"Malalaman mo kung ano!"

tuluyan na nga siyang naglakad palayo sa akin dala-dala ang pinaka-iingatan kong I.D.

*********

"Lolo! Kawawa naman po pala si Ate Anne. Kinuha niyo ang I.D. niya at mukhang may balak pa kayong gawin na hindi maganda sa kaniya!"

" *laugh* Apo! Hindi ka rin ba naaawa sa akin nun, una binunggo ako tapos tinapakan ang paa ko tapos pinagsalitaan ako ng mga bagay na ayaw kong marinig sa buong buhay ko."

"Hindi naman po gagawin yun ni Ate Anne kung hindi niyo siya ginugulo eh"

"Oo nga po Lo!"

"Lolo! Alin po sa mga sinabi ni ate Anne ang ayaw niyong marinig sa buong buhay niyo? At ano ang dahilan kung bakit ayaw niyo yung marinig?"

Itong mga bata talaga oh! Kung makapagsalita at makapagtanong, para ng mga matatanda!

"Mga apo! Masyado kayong advance!.. Sige ikwekwento ko na kung ano at bakit ayaw kong marinig ang mga salitang yon."

"Lolo gusto ko rin pong malaman kung ano ang gagawin niyo kay ate Anne?"

"Sige! Ito na nga ang nangyari......."

She made My Life CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon