Anne's POV
Kasalukuyan akong tumatakbo ng mabilis na mabilis ngayon sa corridor ng building namin dahil late na ako para sa 7:00 - 8:00 kong klase. Eh sa ang sarap matulog eh. Hindi pa nga ako nakakasuklay ng buhok ko, nagmadali na akong pumunta sa school, meron pa naman kaming exam ngayon. Pati mga ibang libro ko hindi ko na nailagay sa bag pati ang school I.D. ko muntik ko pang makalimutan buti na lang at naalala pa ng brain ko.
"Kaya mo yan Anne! Sige! Malapit na! FIGHTING!!" pagche-cheer ko sa sarili ko. Nang biglang,........
"Araaay!"
Napasigaw ako ng may nakabanggaan akong isang lalaki. Malakas ito dahilan para akoy matumba. Lahat ng mga libro ko ay nahulog.
Agad kong pinulot lahat ng mga libro ko sa sahig.
"You need help?" sabi ng lalaki.
Obvious naman siguro eh noh? Hay naku, ipakita naman niya ang pagkagentle man niya oh. Tumingin ako paitaas dahil nakatayo ang lalaki at samantalang ako ay nakaupo pinupulot ang mga nahulog na libro.
"aaa-aa-hh e-e-ehh----" omo! Kapag minamalas ka nga naman oh!
"uy! Boss oh!" sabi ng kaibigan niya.
"Mukhang nagmamadali ka ata ah?" sabi niya.
"Please.. Wag muna ngayon. Late na talaga ako. May exam pa kami ngayon" sinabi ko sa mahinahon na boses baka sakaling maawa siya at pagbigyan niya ako.
"Ah ganun ba? Eh di maganda! Magiging exciting to!" sabi niya. "Baka nakalimutan mo na, may atraso ka pa sa akin?"
"Kung ano man po yung nangyari, humihingi po ako ng tawad. Please wag niyo na pong gawin ang mga plano niyo"
"Teka! Hindi ka naman namin aanuhin eh. Ipapakita lang namin kung ano magiging buhay mo sa school na ito. At sigurado akong mag-eenjoy ka rin"
Tumayo na ako at dali daling inayos ang mga gamit ko. Tsaka ko inapakan ng madiin ang paa nung lalaking iyon dahilan para mapa-aray at mapaupo siya sa sahig. Kahit masama ang manakit ng kapwa, wala akong magagawa hindi kasi siya mapakiusapan sa mahinahon na pananalita. Kaya pagkakataon ko na ito para makatakas. Dali dali akong tumakbo papunta sa room namin. Pero bago pa ako makalayo ng lubusan, narinig ko ang malakas na...
"Araaaaaaaaaaaaaaaay!" ni Allen Tiu.
"Ano pang tinutunganga mo jan? Habulin mo siya!" utos niya pa sa kaibigan niya.
Buti na lang at isa lang ang kasama niya at hindi lahat ng kaibigan niya dahil kung hindi, patay!
Binilisan ko ng binilisan hanggang sa makarating na ako sa room.
"Ms. Costes! Why are you late? Is that the time I asked you to go to school? I said you go here early so that you can start the exam at the exact time!" sigaw ng teacher ko dahilan para mapatingin lahat ng kaklase ko sakin.
"Ma'am I'm so sorry po. Nagkaroon lang po nang konteng problema."
"You go to your sit and take your exam! Ms. Costes! Next time, you go to school early. Okay?"
"Yes ma'am! I'm sorry po"
Pagkaupo na pagkaupo ko, nakita ko ang kaibigan ni Allen na kanina'y humahabol sa akin sa labas ng room namin pero natatakot atang pumasok dahil nakita niya si ma'am kung pano magalit kaya biglang tumakbo palayo sa room. Nakahinga na ako ng malalim ng makaalis na siya. Pero sa pagkakataong nakasakit ako ng kapwa ko. Tss! Siya naman kasi eh. Hindi ko naman talaga gagawin yun kung hindi niya ako hinarangan kanina. Ayaw kong mamiss ang exam na ito. Ayaw kong bumaba ang grades ko.
BINABASA MO ANG
She made My Life Complete
RomanceThis story is all about a man who fell in love with a woman who serves and love Jehovah,God. This story is all about a woman, his first love who died because of a very serious disease. He loves that woman so much the reason why after so many years...