CHAPTER VI

17 1 2
                                    

(A/N: hello sa mga readers :) medyo matagal tagal din akong hindi nakapag-update kasi inayos ko muna ang mga requirements ko sa school. Alam niyo naman na.. Mahirap habulin ang mga teachers para masign lang ang clearance ng mga estudyante kaya pasensiya na.
BTW,  pinalitan ko ang ilang names sa story na to like Jun jun --> na naging Jayden ; Den den --> na naging Denver. 
Meron din akong mga binago at dinagdag na mga *achuchu* sa story na to pero konti lang naman. Konti lang :) kaya kung gusto niyo basahin niyo ulit. Kung busy naman kayo, ok lang kahit hindi niyo na uliting basahin tutal konti lang namn talaga yung dinagdag ko kada chapters at nandoon din naman yung story. At yung mga apo ni lolo Allen ay may binago ako. Imbes na bata lahat sila, ginawa ko ng 4 ang mga bata at tatlo doon ay high school studenta na.

Kaya heto na ang new update ko.
Enjoy! :)

--------------------------------------

Anne's POV

3:00pm na. Naglalakad kami ni bhexhie Joy sa hallway galing sa room namin. Oo, magkaklase kami simula pa noong elementary pero hindi ko siya naging kaklase noong high school dahil mas mataas ako ng section kaysa sa kaniya. (nagyabang pa eh). Pareho kami ng kursong kinukuha, Education. Pangarap na talaga namin to simula nung bata kami hanggang ngayon. Alam kong mahirap maging guro pero kung hangarin mong makatulong sa kapwa, kailanman hindi ka mapapagod at hindi ka magsasawang maglingkod sa kanila.

"Oh ano na?? Pupunta ka ba?" tanong ni Joy.

Kinuwento ko na sa kaniya ang nangyari kanina kaya alam niya na pinapapunta ako ni Allen sa gym.

"Uhmmm... Hindi ko pa nga alam eh." sabi ko. "Ano kaya kung hindi na ako pumunta."

"Ano ka ba? Kung hindi ka pupunta, paano mo makukuha yung I.D. mo? Aber???"

"Eh natatakot ako..Baka kasi may mali siyang gawin sa akin?"

"Eh anong ginagawa ng wonderwoman mong bespren? Nandito ako! Sasama ako sayo para siguradong may back-up ka agad. Joke ^_^ Tsaka nanjan naman palagi si  Jehovah God sa tabi natin! Hindi niya tayo pababayaan! Just fighting!" suporta ng bestprEn kong si Joy.

*********

"Lolo! Jehovah's witness din po ba sila?"

"Oo mga apo! Sila nga ang dahilan kung bakit din ako naging tasi ni Jehovah. At naimana ko na rin ito sa inyo...hahaah"

"Ang ibig sabihin po, si ate Anne po ang nagbible study sa inyo dati?"

"Oo mga apo!"

Nakalimutan kong ikwento pala sa inyo, Si Anne ay isang saksi o tasi ni Jehovah. Alam ko familiar na kayo sa religion na ito dahil sila ang mga kapatid na laging pumupunta sa mga kabahayan ninyo upang magkaroon ng boluntaryong pagtuturo ng bibliya. Sila ang mga magigiting, matatapat na lingkod ng Diyos. Lumilibot sila sa mga lugar (kahit ang kasulok-sulukan ng bayan niyo ay napupuntahan nila) upang ipahayag sa mga tao ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos na gaya ng ginawa ni Jesus noong siya'y nasa lupa pa lamang.Ginagawa nila ito hindi dahil napipilitan sila kundi ginagawa nila ito dahil mahal nila si Jehovah ng kanilang buong puso at handa nilang paglingkuran Siya.

-----------------------------------------

Nakapasok na nga kami ng gym. At nakita na namin  sila Allen at ang mga kaibigan niya. Walang ibang tao sa gym maliban sa amin.

"Oh nanjan na pala kayo! Pasok! Welcome na welcome kayo dito" pangangantiyaw ni Allen.

Hindi kami sumagot imbes, lumapit kami ni Joy sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She made My Life CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon