[Ch4]

3.5K 108 2
                                    

Ilang buwan na nga ba ang lumipas simula ng makilala ko si boss manyak? Dalawa? Tatlo? Aah ewan.

Simula ng nagtrabaho ako sa kanya ay nagresign na'ko sa resto.

Aba! Laki na ng sahod ko kay boss sapat na yun para samin ng mga bata. Madali lang naman ang trabaho ko kay boss eh. Madalas ay inuutusan n'ya akong magluto ng lunch n'ya minsan naman ay ako ang ginagawa n'yang secretary kapag wala si Eva ang secretary talaga n'ya.

Pansin ko nga ay madalas na ang pag-absent ng babaeng yun, kaya eto ako ngayon sa opisina ni boss. Inaayos ko ang mga nagkalat na papeles sa table n'ya.

Napatingin ako sa katambak na papeles na hindi na kailangan. Lumapit ako roon at kinuha upang ilagay na sa bodega.

————

Pagkatapos kong maayos ang lahat ay napagpasyahan kong pumunta muna sa cafeteria ng kumpanya.

Nasa Unang palapag ito.

Sosyal ang cafeteria doon haha. Card ang ginagamit na pangbayad at syempre dahil medyo bago-bago pa ako dito ay ang card ni boss ang gamit ko.

Ipinahiram n'ya sa'kin 'to nung minsang nagreklamo ako sa kanyang ayaw akong pagbilhan ng cafeteria eh may pera naman ako. Yun pala iba ang patakaran dito.

Si Boss Manyak naman nasa meeting nanaman, siguradong ako nanaman ang pagbubuntungan n'ya ng pagod n'ya.

Napakasupladong nilalang hmmp!

Pumili na ako ng pagkain sabay swipe ng card. Naghanap ako ng pwesto upang makakain na'ko, buti nalang wala pa si Boss Manyak kaya makakapagwattpad pako haha

Pabalik na ako ngayon sa opisina ni Boss manyak.

Habang naglalakad ako'y nakasalubong ko si Dane nagtatrabaho din siya rito sa kumpanya. Lumapit siya sa'kin na pawis na pawis.

Hindi ko maiwasang pagtawanan ang itsura n'ya ngayon haha

Hinawakan n'ya ang kamay ko, ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kamay n'ya.

"Oh Dane anong nangyari sa'yo?" tanong ko.

"Uhm— Zhaine baka naman pwedeng pasuyo neto kay commander? kasi uhm-ano.." Hindi mapakaling saad n'ya.

Huh? Commander?

Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya. Ano toh? May sundalo sa kumpanya?

"Sinong commander?" nagtatakang tanong ko. Napataas din ang kan'yang drawing na kilay haha

"Juskooo Zhaine ilang buwan ka ng nagtatrabaho kay Engr. Vazquez wala parin ba s'yang na ikwento sayo about sa may-ari ng kumpanya?" saad n'ya habang may hawak na folder.

"Uhm wala eh tsaka kilala n'yo naman si Boss suplado haha." natatawang saad ko.

Sabagay sino nga ba ang owner neto? Napabaling ako ng tingin kay Dane na pinagpapawisan parin.

"Oh pasuyo kay commander, owner ng company nasa 4th floor yung may nakapaskil na Commander Vane—TAENG-TAE NA'KO SALAMAT!" tuloy-tuloy na saad n'ya, inabot n'ya sa'kin ang folder sabay karipas ng takbo papunta sa cr.

Jusqoo haha! Kaya pala nanlalamig at pinagpapawisan na ay kailangan na pala magbawas haha

Napatingin ako sa folder at napagpasyahang pumunta na kay 'Commander Vane' daw.

Bumukas na ang pinto ng elevator kaya't lumabas na ako. Tumingin ako sa kanan at nakita roon ang sinasabi ni Dane na nakapaskil na 'Commander Vane'.

Naglakad na ako patungo roon. Uhm kakatok ba ako oh ano? Napatingin ako sa bilog sa pader.

Ahh parang doorbell ata toh

Pinindot ko iyon ng ilang ulit pero wala paring lumalabas. Sinubukan ko na ring kumatok pero wala rin. Hinawakan ko ang doorknob at napangiti ako ng mapagtantong hindi ito nakalock.

Sinubukan ko muna uling kumatok at nung walang sumagot ay napagpasyahan ko ng pumasok. Sa pagpasok ko'y namangha ako sa aking nakita.

Juice coloreddddd! Heaven na ba toh?!

Sumisigaw ang pagka-elegante ng buong opisina. Halatang sobrang yaman ng may-ari! Isang napakalaking SANA ALL!

Nagulat ako sa biglang kalabog mula sa isang parte ng malaking opisina na ito.

May pusa ba rito?—baka multo HAHA

Lumapit ako roon at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Pagkabukas ay tumambad sa'kin ang walang damit na pang-itaas na lalaki. Nakatalikod s'ya sa'kin at nakaluhod. Kitang-kita ko ang malamodelo n'yang likod.

Nakita ko rin ang basag na baso na pinupulot n'ya, may hawak din siyang mop.

Janitor ba s'ya? Ang matcho naman ng janitor dito.

Nanigas ako bigla sa aking kinatatayuan ng umamba siyang haharap. Pagkaharap n'ya sa'kin ay napanganga ako at halata din sakanya ang pagkagulat.

"ASHER?!—" "ZHAINE?!" Sabay na sigaw namin.

Napatingin s'ya sa kanyang katawan at duon n'ya lamang namalayan na wala siyang suot na pang-itaas. Dali-dali siyang tumayo kaya't nasugatan s'ya sa mga bubog na kanyang hawak.

"Aishh f*ck!" gulat na usal n'ya. Dahil sa gulat ay agad ko naman siyang dinaluhan.

"Hala? Asan nga tignan ko..." sabay hila sa nagdurugong kamay n'ya. Iniabot n'ya naman ito.

Napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Aah-uhm asan yung first aid kit dito?" naiilang na tanong ko.

Tambad na tambad sa akin ang napakasarap n'yang katawan. Amoy na amoy ang napakabango n'yang pawis HAHA

Lord patawarin mo akooo!

Minsan lang naman ako mang-manyak ng ganito.

Itinuro n'ya sa'kin ang isang box malapit sa mesa kaya binitawan ko muna saglet ang kamay n'ya at pinaupo s'ya. Kinuha ko ang kit at inilapag sa mesa lahat ng kakailanganin.

"Asan." simpleng saad ko. Iniabot n'ya muli ang kanyang kamay, kaya sinimulan ko ng gamutin ang sugat n'ya.

Habang nililinis ay naiilang ako. Kanina pa kase s'ya matiim na nakatitig sa akin, At kapag naman nahuhuli ko siyang nakatingin ay mabilis naman siyang umiiwas.

"Oh ayan tapos na." saad ko. "Uhmm—salamat ." nahihiyang saad n'ya.

"Ano ka ba, ayos lang iyon noh! atsaka kasalanan ko naman kung bakit ka nasugatan." wika ko.

Buntisin Mo'ko EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon