[Ch25]

2.1K 57 10
                                    

Ang sama-sama ko!

Paano ko nakalimutan si Asher? Ganon na ba talaga ang epekto sa'kin ni Miguel? Parang nahihiya na tuloy akong humarap kay Asher. SH*T!

Patuloy parin ang pag-uusap ni Akesha at Asher, pero mukhang nagtatampo ata si Akesha, ang OA naman n'ya. Nakakairita ang paraan ng pagkilos n'ya.

Pinagmamasdan ko sila ng maigi ng makuha ni Miguel ang atensyon ko sa paghila n'ya sa aking kamay.

'huh?'

"Let's go."

Napataas naman ang kilay ko sa inasta n'ya.

"Teka saan tayo pupunta?"

"Diba gusto mong sumakay doon? Let's go, what are you waiting for?"

"Seryoso? Akala ko ba natatakot ka?"

"Natatakot? Damn! I'm not scared for fruits sake!"

Ahhh

Napatango na lamang ako dahil obvious naman sa panginginig ng kamay n'ya na takot s'ya. Sus nagtatapang-tapangan si bebe ko HAHA.

"Wait!"

Patuloy parin s'ya sa paghila sa'kin.

"Teka nga lang Miguel. Magpapaalam muna ako sa kanila." wika ko sa kan'ya.

Bumitaw naman s'ya sa pagkakahawak sa'kin.

Tss.

Hindi ko nalang pinansin ang inasal n'ya, pero sa totoo lang ang hot n'yang tignan kapag nakabusangot. Hahahaha

Naglakad na ako palapit sa pwesto nina Asher.

"Uhm—Hi?" pagkuha ko ng atensyon n'ya.

Ngunit tila pakiramdam ko'y napahiya ako ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Asher, tanging si Akesha lamang ang nagbigay atensyon sa'kin.

Kasalanan ko naman ito, niyaya ako ni Asher pero kinalimutan ko s'ya dahil kay Miguel. Gusto kong humingi ng patawad sa kan'ya pero nahihiya akong harapin s'ya ngayong halata namang hindi pa s'ya handang kausapin o pansinin ako.

"Uy Zhaine? What's wrong?" wika ni Akesha

"Ah eh— wala-wala. Pasensya na ha? Mauuna na kami, sasakay na kasi kami roon."

"Really?! Wait! So you mean my ticket kana?"

"Malamang, kasi paano kami makakasakay doon kung wala kaming ticket?" saad ko na may pagkasarkastiko.

Totoo naman diba?

"No! I mean, how? Kasi look oh, ang haba ng pila sa ticket booth! So you mean pumila kayo ng ganon katagal?"

Ahhh

"Hindi eh, may babaeng nagbigay sa'min ng ticket. Apat na ticket yon, kayo ba? Kung gusto n'yo sama nalang kayo sa'min, tutal dalawa lang naman kami ni Miguel." pagyaya ko sa kanila.

Para naman kahit papaano makabawi ako kay Asher.

"No thanks." walang ganang wika ni Asher.

Hala?! Galit ba s'ya?

"No! Sasama kami!" sabat naman ni Akesha.

Tinitigan ni Asher si Akesha na tila sinasabing 'I said no!'

Pero halata namang hindi papatalo si Akesha.

"Sama na tayo Jo! Please?" nagpapacute na wika ni Akesha.

Walang emosyon akong tinignan ni Asher at mabilis namang ibinaling ang tingin kay Akesha.

"Okay, as if I have a choice."

"Yeyyyy! Let's go!"

————

So ayon, nakasakay na kami.

Katabi ko si Miguel, parang gusto ko humagalpak ng tawa! Kasi naman! HAHAHA

Grabe yung kapit ng kamay n'ya sa'kin! Parang kaunti nalang ay mababali na ang buto ko. Sinasabi ko na nga ba't takot s'ya HAHAHA

Pasimple akong tumatawa para hindi n'ya makita HAHAHA

Nakasakay na lahat kaya sinabihan na kami na humawak ng mahigpit. Pero grabe ang pagkakakapit ni Miguel, ayaw n'yang bitawan ang kamay ko, pero yung mukha n'ya napakaseryoso.

GRABE! Napakagwapo parin n'ya!

"Miguel? Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kan'ya.

"Yes, ofcourse."

Dahan-dahan ng umaangat ang sinasakyan namin, kasabay no'n ay ang pagbigat ng hinga n'ya.

Napatingin naman ako sa pwesto nina Asher at Akesha, hindi ko sila gaanong nakikita dahil sa nakaharang sa pagitan ng ulo ko. Pero halata namang kabado si Akesha.

Ilang segundo lang ang lumipas ng nagsimula ng bumilis ang pag-angat at ang biglaang pagbagsak.

"OMAYGADDD! MY HEART! MY HEART! NAIWAN KO ATA SA TAAS OMAYGASHHH! MAMAAAA! MAMAAAAA HELPPP!" patawarin sana ako ng panginoon dahil sa nagagawa kong kasalanan ngayon.

Hindi ko kasi maiwasang pagtawanan si Akesha na akala mo ay mamamatay s'ya dahil dito.HAHAHAHA

"Sh*t! Sh*t! Sh*****tttt!" isa pa tong si Miguel na kanina pa nagmumura.

"Stop staring Zhaine!!! I want to—ughhh stopp!" nanginig pa s'ya ng biglang ibagsak na naman kami.

Sasakit ang t'yan ko rito kakatawa! HAHAHAHA

Seriously? May ganitong side din pala si Miguel.

I didn't expect na ang napakahot na si Miguel ay may itinatagong lihim HAHAHAHA.

"Sh*t! Stop this f*ckin' thing! F*ckk!"

————
COMMANDEREY: AH EH I LOVE YOU ALL. SORRY FOR THE LAME UPDATE.

Buntisin Mo'ko EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon