Naalala ko bigla ang ipinunta ko rito. "Uhm Asher janitor ka ba rito?" tanong ko.Bigla siyang namula at nag-iwas ng tingin. "Uhm Hindi eh. Ano— uhm— Ah oo, engineer ako diba? May pinaasikaso lang sa'kin dito hehe" utal na saad n'ya.
"Ah oo nga pala no? Eh sino si Commander Vane? kase may pinapasuyo silang folder sa'kin para kay Commander daw" wika ko.
"Uhm—" Magsasalita na sana s'ya ng biglang bumukas ang pinto, tumambad ang isang lalaking Uhm bad boy yung look na gwapo pero mas lamang yung kacutetan.
"Bos—ah hi?" gulat at ilang na saad ni cutie.
"YAN!" biglang sigaw ni Asher. "Ha?" sabay naming usal ni cutie.
"Ah yan si Commander Vane—oo hehe siya yun"
Ang weird naman ni Asher ngayon, pero okay lang yun gwapo parin s'ya.
Napatingin ako kay cutie ngunit bigla akong hinila paupo ni Asher.
"Ah d'yan ka muna Zhaine, may irereport lang ako kay Commander saglet hehe" saad n'ya.
Napatango nalang ako at pilit na ngumiti. Ang weird talaga n'ya ngayon.
Napatingin muli ako kay commander daw na halatang takang-taka sa nangyayari. Ngumiti muna s'ya sa'kin bago mahila ni Asher.
Napano kaya ang mga yun? HAHA
Lumipas ang limang minuto ng maramdaman ko ang pagbukas muli ng pinto. Napatayo ako ng lumabas mula roon si Commander cutie. Nakangiti s'ya sa'kin kaya't ngumiti ako pabalik. Yumuko ako ng bahagya sa kanyang harapan biglang respeto.
"So sabi ni Engr. Asher may ibibigay ka raw?"
"Ah opo" sabay abot ng folder. "Ayan po, pinasuyo lang po yan sa'kin ni Dane."
"Ah sige miss—?"
"Zhaine po Commander hehe" saad ko.
Nakita kong sumilip si Asher kaya't napagpasyahan ko ng magpaalam kay Commander cutie. "Ah sige po mauna nako" "Sige Miss" sagot n'ya.
Naglakad na'ko palabas ng pintuan nitong kusina ni Commander. Biglang nagvibrate ang phone ko na nasa aking bulsa kaya't kinuha ko ito, kaso bigla akong naiihi.
Napatingin ako kay Asher na nakatayo sa gilid. Nakatingin din s'ya sa'kin habang tila namumula pa rin ang mukha. Nahihiya man ay naglakas loob ako. "Ah— Asher uhm- pwede makigamit ng cr? Naiihi na kase talaga ako eh." nahihiyang saad ko.
Tumango naman s'ya sabay turo sa isang pinto. Ngumiti ako sa kanya sabay takbo papasok sa cr. Pagkapasok ay agad-agad kong binitawan ang phone sa may sink.
Hayyy success HAHA
Lumabas na 'ko ng cr pagkatapos kong buhusan ng tubig.
Nagpaalam at nagpasalamat na rin ako kina Asher at Commander.
Palabas na ako ng elevator ng may naalala ako.
Owwsh*t
Yung phone! Nakalimutan ko sa cr!
Mabilis kong pinindot ang floor kung saan ako nanggaling. Pagkadating doon ay patakbo akong lumapit, sakto naman at nakabukas pa rin ang pinto.
Nadatnan ko si Asher na nakaupo sa table habang si Commander naman ay nakasandal sa pader, umiinom sila ng canned beer.
"Uhm Hi?" usal ko. Napatingin sila sa'kin. "May kailangan ka pa ba Zhaine?" tanong ni Asher. "Ah kase nakalimutan ko yung phone sa cr, kunin ko lang sana." saad ko. "Sige, sandali ako na ang kukuha para sayo." "Sige salamat hehe"
Gwapo na sweet pa hihi
Lumabas na si Asher sa cr at aktong lalapit na ako sa kanya ay naramdaman ko na lang bigla ang pagtumba ko. Napapikit na lamang ako at hinihintay ang sakit na idudulot ng pagbagsak ko.
Juicecolored!
Ilang sandali ay wala akong naramdaman kaya't iminulat ko ang isa kong mata.
Ang GWAPO!
Nasalo ako ni Asher. Nasa nakakailang na posisyon kami dahil magkalapit ang aming mukha, konti nalamang ay mahahalikan ko na siya. Nang biglang bumukas ang main door, pumasok mula doon si Miguel.
Napatingin siya sa amin sabay, "WHAT THE F*CK ARE YOU DOING!?" malakas na sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Buntisin Mo'ko Engineer
RomanceSi Zhaine Cabrera ay isang simpleng babae lamang, s'ya ay namumuhay ng payapa kasama ang kan'yang pamilya. Ngunit sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat simula ng makilala n'ya ang dalawang napakagwapong Inhinyero. Ano nga ba ang mga nakatagong li...