Nasa SM Pampanga kami!
"Ang ganda!" saad ko habang inililibot ang tingin sa paligid
Gulat akong napaturo sa napakataas na ferris wheel!
SKYRANCH!
"Gusto kong sumakay dun oh!" parang batang sigaw ko
"Hahaha"
Napalingon ako bigla kay Miguel na tumatawa.
"Baket?" I said
"Nothing haha, Oo sasakay tayo mamaya dun."
"YEHEYYY!—"
"—But we will eat it first."
Napanguso naman ako bigla.
Excited pa naman akong sumakay dun!
"Gusto ko na sumakay dun... Miguel please..." Liniitan ko pa ang boses ko para magmukhang kawawa
Tss*
"No! We will eat first bago sumakay dyan, h'wag ng makulit Zhaine." He said as he walk towards the mall
Sumunod nalamang ako, Ano pa nga bang magagawa ko? Eh s'ya ang boss.
Pagkapasok sa mall ay bigla s'yang huminto dahilan para mabunggo ako sa kanya.
Aray ang tigas! Hehe
"Ba't dika tumingin sa dinadaanan mo?"
"Eh bigla ka kasing huminto!" sagot ko
"Tss. Saan mo gustong kumain?" he asked
Hmmm...
Pumorma ako na parang nag-iisip talaga.
"AHA! Sa jollibee tayo!"
"What the f*ck?" gulat na usal n'ya
"What the f—" panggagaya ko sana sa kanya ang kaso mabilis n'yang tinakpan ang bibig ko sabay tingin sakin ng masama.
"Seriously? Sa jollibee?" tanong n'ya
Tumango ako bilang sagot
Baket? Ayaw n'ya ba sa jollibee? Eh ang sarap kaya dun!
"Are you a kid? Wala na bang ibang mapagpipilian at yun ang napili mo?"
Eh kainis naman tong gwapong toh!
"Edi sana di kana nag tanong saken." nagdadramang saad ko
"Alright sa jollibee na." Labag sa loob na sabi n'ya
Ginanahan ako bigla dun ah! Haha
Nagtungo nakami sa jollibee at ako na ang naghanap ng pwesto si Miguel naman ang umorder.
Nagpwesto ako dun sa may bintanang malaki basta yun, kitang kita kasi yung sa labas.
Agad na dumating si Miguel dala ang pagkain.
"Let's eat." simpleng wika n'ya
Yeheyyy! Nakakatakam!
Habang kumakain ay kita ko sa peripheral vision ko na tinitignan ako ni Miguel.
Nakakailang!
"Uhm..." Umayos ako ng upo
"May dumi ba sa mukha ko?" i asked
Tila gulat s'yang napaiwas ng tingin
"Wala may na isip lang ako bigla" saad n'ya
Knock knock!*
Gulat akong napatingin sa may bintana
May batang nasa labas!
Nakatitig ito sakin at pasulyap-sulyap pa sa pagkain ko!
Himas-himas ang kanyang tyan,
halatang gutom ito.Kawawa naman 'tong bata!
Tumungin ako kay Miguel na parang nagmamakaawa, tumingin naman ito sakin at umiling-iling.
"No. I know what you're thinking. Hindi mo kilala yan, baka kung ano pa ang modus nyan."
Hindi ba s'ya naaawa dun sa bata?! Hay naku!
"Please..." nagmamakaawang saad ko
"It's a no." he said
Napatayo naman ako
"Bahala ka Miguel! Kung ayaw mong tumulong bahala ka. Basta ako bibigyan ko ng pagkain yung bata." Naiinis na wika ko sabay harap sa bata at sumenyas ng 'sandali lang'
Aalis na sana ako pero biglang hinila ni Miguel ang kamay ko.
Napasabunot ito sa sariling buhok at tinitigan ako.
"Oo na! Let's just uhm— ubusin mo muna ang kinakain mo. Pagkatapos bibilhan na natin yang bata ng pagkain." inis na wika n'ya
"Happy?" sarkastikong dagdag pa n'ya na ikinatuwa ko haha
Hindi n'ya ko kayang tiisin!
Feelingera na kung feelingera! Pake n'yo ba?! Haha
Mabilis kong inubos ang natitirang kanin sa plato ko at agad na hinila si Miguel.
Kanina pa kasi naghihintay yung bata! Kawawa naman.
"Tss" tanging naisinghal ni Miguel
————
COMMANDER: PLEASE VOTE AND SHARE BB'S💕
BINABASA MO ANG
Buntisin Mo'ko Engineer
RomanceSi Zhaine Cabrera ay isang simpleng babae lamang, s'ya ay namumuhay ng payapa kasama ang kan'yang pamilya. Ngunit sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat simula ng makilala n'ya ang dalawang napakagwapong Inhinyero. Ano nga ba ang mga nakatagong li...