CHAPTER 6

11 2 0
                                    

PAGKA pasok ko sa restaurant ko agad kong nakita si Alex at may kasamang babae.

Tsk. Babaero talaga 'to. Kaya dapat hindi pinapa niwalaan yung mga sinasabi nito at masasaktan ka lang.

Ginawa kong busy ang sarili ko sa pag luluto ng mga orders ng mga kumakain kaya hindi ko namalayan na mag gagabi na pala.

"Hazel, I need to go. Masama ang pakiramdam ko. Ikaw na muna ang bahala ah. " sabi ko na tinanguan naman ako nito.

Pagka rating ko sa bahay ko agad akong nahiga sa sofa sa sala at natulog. Naalimpungatan lang ako ng may nag doorbell kaya pinagbuksan ko ito.

"Sino ya- Alex.. anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na hindi nito sinagot at nag tuloy tuloy sa pag pasok sa kusina ko .

"Mag pahinga ka na. Ako mag luluto ng pagkain mo." Sabi nito kaya humiga ako ulit sa sofa dahil wala akong lakas para makipag talo rito.

Nagising na lang ako ng may tumutusok-tusok sa pisngi ko.

"Alex.. hmm.. anong.. g-ginagawa mo dito?" Tanong ko habang paupo.

"Kainin mo ito. Ohh ibuka mo na yung bibig mo." Sabi nito kaya wala akong nagawa kaya kinain ko na lang din lahat ng sinusubo niya sa akin.

"Salamat Alex." Sabi ko na humiga ulit.

"Magpahinga ka na ulit. Ako na bahala dito." Sabi nito na tinanguan ko lang at nakatulog na rin ako ka agad.

NAGISING ako kinabukasan sa sikat ng araw. Nandito nga pala ako sa sala naka tulog.

Patayo na sana ako ng maramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko. Paglingon ko si Alex. Naka dukdok sa gilid ng sofa at tulog na tulog.

Hindi ko naiwasan na hawakan ang kilay nito dahil napaka kapal tapos yung ilong nito na matangos at yung pisngi na mamula mula at pati ang labi nito na pinkish ang kulay..

Busy ako sa pag tingin at pag hawak sa labi nito ng may kumurbang ngiti dito kaya tinanggal ko kaagad yung kamay ko.

Nagdilat ito ng mata at tinitigan ako.

"Anong tinitingin tingin mo?" Tanong ko dito na tumayo na at nag lakad. Dahil hawak nga niya ang kamay ko hindi ako maka layo. "Bitawan mong kamay ko." Sabi ko habang naka talikod dito.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin at mapa upo ako sa kandungan nito. "Ano ba. Huwag mo nga kong yakapin!" Sabi ko na nag pumiglas pero mas lalo lang niyang hinigpitan.

"Good Morning, Yaz." Sabi nito na isiniksik ang mukha nito sa gilid ng leeg ko.

Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang hininga nito.

"Alex, bitiwan mo na ako. Mag luluto ako. Ano bang gusto mong ulam?" Sabi ko habang yakap parin nito.

"Pwedeng kare-kare?" Tanong nito..

"Okay sige. Bitiwan mo na ako at mag luluto ako." Sabi ko dito at buti na lang din at pinaka walan ako nito.

Pagka rating ko sa kusina agad kong hinawakan yung dibdib ko. Ang bilis bilis nanamn ng tibok nito.

Nag hihiwa na ako ng karne ng may pumulupot nanaman na braso sa bewang ko.

"Alex, nag luluto ako." Sabi ko pero mas lalo lang nitong hinig pitan ang yakap sa akin.

"Inaamoy ko lang yung amoy mo- ay este yung aroma ng niluluto mo." Sabi nito na sisinghot singhot pa.

"Tsk. Bitiwan mo ko. Kung hindi. Hindi ko itutuloy tong niluluto ko. " banta ko na agad naman itong humiwalay sa akin. "Good."

Pagka tapos ko magluto nakita ko si Alex na nag lalagay ng plato sa lamesa at mga kutsara.

"Aba, masipag."sabi ko ng maka lapit ako at ilapag ko ang kare-kare.

"Nag pa-pa good shot." Sabi nito na ngumiti pa.

"Hah?" Sabi ko dahil parang nabingi ako.

"Wala, sabi ko tara na kumain." Sabi nito na nag start na lantakan yung pagkain.

"Masarap?" Tanong ko dito na nag pa hinto sumubo dito.

"Hmmmm, sharap!" Sabi nito na puno ang bibig at nag thumbs up pa. Kaya nginitian ko na lang ito.

After namin kumain, nag presinta ito mag urong kaya pinabayaan ko na lang ito. Nanood na lang ako ng sponge bob sa TV.

"Uy spongebob!" Sabi naman nito na umupo sa tabi ko.

"Usog!" Sabi ko na iniwas ang braso ko sa braso nito.

"Ang arte naman."sabi nito na umusog palayo sa akin.

"Anong maarte?! Gusto mong lumabas ng bahay ko?" turo ko sa likod namin.

"Hindi ahhh. Joke lang." Sabi nito na nag peace sign pa.

Komportable akong nanonood ng TV habang naka indian sit ng bigla itong humiga sa lap ko.

"Huy! Ano ba?!" Sabi ko na itatayo sana ito pero pinigilan nito ang kamay ko.

"Ansakit ng ulo ko" sabi nito at nilagay ang kamay ko sa noo niya. "Hilutin mo nga." Sabi pa nito.

"Ang demanding mo naman!"

"Please.." sabi nito na dumilat at tinitigan ako.

"O-okay. O-oo na!" Sabi ko na lang at iniwas ang tingin dito at hinilot ito.

Pagkatapos ko siyang hilutin pinauwi ko na ito dahil sabi ko papasok ako sa restaurant at siya naman ay mag bubukas pa ng Restobar.

Falling for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon