NAKARATING na kami sa Boracay at nasa hotel na kami na tutuluyan namin for 2 weeks. Nasa kalagitnaan ako ng pag papahinga ko ng may nag doorbell.
Pag bukas ko nakita ko si Alex na nasa labas ng pinto.
"Ano yon?" Tanong ko dito pero hindi ako nito pinansin at nag tuloy tuloy pumasok sa loob ng unit ko.
"Kamusta?" Tanong nito na umupo pa sa kama ko.
"I'm good. Bakit?"
"So, boyfriend mo na pala agad si Doc Mark." Sabi nito na rinig na rinig ang sarkasmo sa salita.
"So, ano naman sa iyo yon? E ikaw din naman may girlfriend ah? Pina paki-elaman ba kita?"
"Nag seselos ako." Sabi nito na nag pa tawa sa akin.
"Nag seselos ka? My god. May girlfriend ka for pete's sake Alex!"
"I missed you." Sabi nito na lumakad palapit sa akin.
"Diyan ka lang!" Sabi ko pero para itong bingi na walang na rinig. "Sinabing diyan ka lang, e!" Sabi ko ulit dito pero hindi ako nito pinansin.
"Why the hell can't you like me!" Sigaw nito na nag pahinto sa pag atras ko.
"Wag mo kong sinisigawan!"
"Why are you always pushing me away?" Sabi nito na halata ang lungkot sa mga mata nito.
"I don't know if totoo pa ba yung sinasabi mo o pinag sisinungalingan mo lang ako." Sabi ko dito na umiwas ng tingin.
"Sorry." Sabi nito na hinawakan ako sa balikat at pinatong nito ang noo nito sa aking noo.
"Alex..."
"Yaz.. I like you- NO. Scratch that. I love you Yaz. Nasasaktan ako pag nakikita kong hinahawakan niya yung kamay mo na dapat ako ang humahawak. Pag hinahalikan ka niya sa pisngi. Gusto ko siyang suntukin.. tapos ngayong magkasama pa kayo sa iisang kwarto..Yaz.. mababaliw na ako sa kakaisip sa'yo." Sabi nito na walang sabi sabi na sinakop ang labi ko.
Gusto kong mag pumiglas pero nahihirapan ako. Sa di ko alam na dahilan ayoko ng matapos to.
Hindi nag tagal ito na mismo ang tumapos sa halik at lumayo sa akin.
"Alex.. why d-did you do that?" Tanong ko dito bago pa ito makalabas ng unit ko.
"Dammit YAZ! I love you. That's why I did that." Sabi nito na tuluyan ng lumabas.
NAKA UPO ako sa ilalim ng coconut tree habang umiinom ng buko juice ng makita ko si Alex at Angel na masayang nag tatawanan habang pa sakay ng jetski.
Parang kahapon lang sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Na mahal niya ako. Pero ngayon iba naman ang kasama niya.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko habang naka tingin sa mga ito dahil nag start na sumikip ang dibdib ko. masakit. Masakit na makitang masaya ito. Tapos ako nasasaktan.
"Alam mo. Bakit hindi mo na lang sabihin sakaniya na gusto mo siya?"
"Mark... kanina ka pa diyan?"
"Yes. At nakita ko kung pano kang mag pahid ng luha habang naka tingin sakanila.
"Mark.. natatakot kasi ako. Natatakot akong sumugal.." sabi ko dito at tumayo.
"Alam mo.. walang mangyayari sa takot mo. Kailangan mo talagang sumugal para maging masaya."
"Do you think he likes me?" Baling ko dito.
"I'm sure of that."sabi nito at yinakap ako.
MAG ISA ako habang naka upo sa bar counter ng Exit Bar dahil may ina asikaso si Mark kaya nag pa iwan ito sa unit namin ng biglang mag palak pakan ang mga tao.
Na curious tuloy ako kaya lumapit ako. Pero hindi pa ako naka ka lapit ay para akong tinulos sa kina tatayuan ko.
Alex proposes to Angel.. and they kissed!
Tumalikod ako at bumalik sa Bar counter at umorder ako ng isang bottle ng black label.
Ayokong umiyak dahil lahat ng tao dito sa bar ay masaya, ayokong maging kj pero hindi ko mapigilan. Nakalahati ko naman na yung bote kaya kinuha ko ito at pumunta sa tabing dagat.
"Luha please huwag ka namang traydor. Huwag mo na akong pag mukhaing kawawa." Tangi ko na lang nasabi ng yumuko at yakapin ang tuhod ko.
Tinutungga ko yung alak na hawak ko ng may pumigil dito. Pag tingin ko kung sino. Si Alex..
"Anong ginagawa mo mag isa dito? Asan si Mark?" Sabi nito na umupo pa sa tabi ko.
"Busy eh. Congrats nga pala." Sabi ko dito na nginitian ito pero di ko napigilan na maluha kaya bigla ako na pa iwas ng tingin dito.
"Thankyou.. pero bakit ka umiiyak?" Tanong nito na nginitian ko lang at bigla akong napa hagulgol kaya tinakpan ko na lang ng kamay ang mukha ko.
"Masakit.. sobrang sakit.. pero huli na yata ako.. wala na akong magagawa.." sabi ko habang pinipigil ko ang sarili ko sa pag iyak.
"Yaz.." sabi ni Alex
"Okay lang ako. Don't mind me. I can take care of my self. " sabi ko dito
"Yaz.. ano bang problema mo?" Tanong nito..
"Eto yung problema ko.. hindi ko maamin kasi natatakot ako.. natatakot ako na sa huli iiwan lang ako. Na hindi naman pala totoo ang lahat.. na hindi naman-"
"ALEX C'MON.. MAG VIDEO CALL PA TAYO KILA DADDY PARA IBALITA YUNG ENGAGEMENT NATIN."
Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko si Angel na kumaway kaway pa.
"Go to her and congratulations ulit." Sabi ko kay Alex at iniwan ito mag isang naka upo.
Hindi pa ako nakaka layo ng mag angat ako ng tingin at makita si Mark na naka ngiti at bigla nitong binuka ang kamay na akmang nag hihintay sa pag yakap kaya tinakbo ko na ito at yinakap ito ng mahigpit.
"Shhh stop crying.. everything will be alright." Sabi nito pero hindi ko pa rin maiwasan na maiyak.
"Masakit.. sobrang sakit... gusto ko ng matapos ito.. gusto kong kalimutan itong nararamdaman ko.."
"Take a rest.. tara na bumalik sa hotel para makapag pahinga ka." Sabi nito na inakay na ako pabalik.
**
BINABASA MO ANG
Falling for you
Teen FictionYaz Mallari a restaurant owner and a super sexy chef pero utod ng taray. He don't like men. Men are heartache sabi nga nito kaya ang focus lang niya ay sa trabaho niya. Alex Garcia a restobar owner and a happy go lucky guy na babaero. Pero nagbago n...