CHAPTER 3

33 7 0
                                    

ZACH'S POV

"May ginawa ka na naman don sa babaeng yun noh?" Hindi ko maiwasang magtanong.

"Hindi ah! Binigyan ko lang naman siya ng mga pagkain! Sana nagpasalamat nalang siya! Napaka-sungit talaga!" Pagmamaktol niyang aniya.

"Kaya mo pa ba?" Natatawang tanong ko.

Nilingon naman niya ako. "Ang alin?" Inosente niyang tanong.

"Na gustohin siya?"

Sumeryoso naman siya bigla. "Ofcourse! Bakit naman hindi? Kakayanin ko talaga bro. Gagawa ako ng paraan na magbago sya at mapa sa'kin siya." Naghahamon ang kanyang tono.

"Sige nga, tingnan natin." Tumawa ako. Tiningnan lang niya ako.

Naglalakad na kami palabas ng campus dahil uwian na namin.

"Bro?" Tinawag niya ako.

"Ano?" Tanong ko.

"Puntahan natin si Lazelle sa clinic baka andon pa siya."

"Tsh, ikaw nalang. Uuwi na'ko. May gagawin pa'kong mga assignments." Sabi ko. Hindi naman sya sunagot. Tiningnan ko naman siya. Sinundan ko kung saan sya nakatingin. Nagulat nalang ako ng si Lazelle pala ang kanyang tinitingnan. Na papalabas narin ng campus.

"Eh, andyan na pala sya eh." Sabi ko.

"Puntahan ko muna bro. Hintayin mo'ko dyan." Aniya.

Hinintay ko nalang siya. Habang sya naman ay panay ang usap kay Lazelle na tinatarayan lang siya. Habang tinitingnan ko sila ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman 'yon.

"Hello?" Sagot ko.

[ Zach! Asan' kana? Maglalaro pa tayo ng basketball! ] sabi ni ahia sa tawag.

"Oo. Pauwi na'ko. Hintayin  mo nalang ako dyan sa basketball court."

[ bilisan mo! Hihintayin kita dito! Bye! ] paalam niya tsaka binaba ang linya.

Nilingon ko naman ang dalawa. Hindi parin sila tapos mag-usap. Kaya naman nilapitan ko na sila.

"Bro, mauuna na'ko maglalaro pa kami ng basketball ni ahia." Paalam ko sa kanya. Tinignan naman niya ako.

"Sabay nalang tayo bro. Uuwi na naman din ako." Aniya.

Nilapitan ko naman siya. "Hindi mo ba yan yayain na makipag date?" Sabay turo kay Lazelle.

"Nope." Maikling sagot niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

Nilingon pa muna niya si Lazelle na abala sa pakikipag-usap sa katawag niya. Lumapit naman si Renzel sa akin at bumulong.

"Kasi, hindi naman daw siya intresado sa'kin."

"Tsh, yon lang? Tapos hindi mo na siya yayain? Diba ang sabi mo, gagawa ka ng paraan na magbago siya at mapasayo siya?.." tumango naman siya. "Eh, ba't parang sumusuko kana?" Natatawang tanong ko. Ngumiwi naman siya.

"Sige na nga. Daming sinasabi."

"Sige uuwi na—"

"Wait!" Pigil sa'kin ni Lazelle. Nilingon ko naman siya ng may halong pagtataka.

"What?"

"Uuwi kana?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako. "Ahm, may itanong sana ako sa'yo." Napapahiyang aniya. Tinaasan ko lang siya nang kilay.

"What is it?"

"Ikaw ba ang nagdala sa'kin papuntang clinic kanina.?" Tanong niya.

"Bakit mo naman naitanong iyan?

"Psh, Nevermind. Okay pwede kanang umuwi." Aniya sabay talikod.

Nagtinginan naman kami ni Renzel na puno ng pagtataka ang mga mukha namin.

What is wrong with her? Bakit pa ba naitanong niya 'yon? Big deal paba 'yon? Tsh.

Nilapitan ako ni Renzel at tinapik sa balikat.

"Mauuna nalang ako sa'yo bro. Nag-text na kasi si Mommy sa'kin na umuwi na." Paalam niya sakin.

"Sige, bro. Mag-iingat ka. Bye." Paalam ko rin.

Matapos non ay sumakay na siya sa kanyang sasakyan. Bumusina pa muna siya at saka humarurot paalis. Sinundan ko naman ng tingin ang kanyang sasakyan na unti-unting lumalayo. Nang hindi ko na matanaw ay saka ako napag desisyong umuwi.

Bago paman ako makasakay ay may humawak na sa braso ko. Nilingon ko naman kung sino ito. Hindi ko inaasahang makikita ko siya ulit.

"Kamusta?" Tanong niya.

"Hey, okay naman. By the way, Long time no see Rheena." Nagpilit ako ng ngiti. Ngumiti lang din siya.

"Can i ask you a favor?."

"Yea, what is it?"

"Pwede ba kitang yayain kumain sa labas? Mag-kwentuhan narin tayo!" Masayang aniya.

What the. Siya pa talaga nag-yayang kumain? Ang totoo, sino ba sa'min ang lalaki dito? Tsh.

Nag-isip muna ako bago magsalita. "Next time nalang siguro kasi hinihintay na ako ni ahia sa bahay. Mag-lalaro pa kami ng basketball."

"Ah okay." Yumuko siya. "So, pwede ba'ng sumama nalang ako sa'yo?" Nag angat siya ng tingin. "Hindi ko pa kasi gustong umuwi. Kung okay lang ba sa iyo? Tiningnan niya ako ng nagmamaka-awa.

"Okay. Ano pa nga ba."

Nagliwanag naman ang mukha niya. "Sige, thank you!."

Gaya ng sinabi ko. Sumama nalang siya sa'kin papunta sa bahay. Pagdating namin, nagmadaling pumasok naman ako sa loob para magpalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba na ako at sumakay na ng sasakyan. At pinaharurot paalis papuntang basketball gym.

The Nerd's Secret (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon