CHAPTER 8

38 3 0
                                    

ZACH'S POV

Nakatingin lang ako kay maldita habang kumakanta siya. At napatingin rin siya sa akin at tumaas ang kilay pero nanatili parin akong nakatitig sa kanya. Ang ganda ng boses niya para ding kahawig niya ang boses ni Katy Perry pero cover lang sa kanya. Astig.

Tsh, meron pala tong tinatago na talento. Akala mo puro nalang kamalditahan nalalaman.

Pero napansin ko ang bawat lyrics na binibitawan niya ay para bang may tinatamaan siya sa kinakanta niya.

At kanina napansin ko ding may tinitingnan siya at matalim ang kanyang mga titig bago niya ako tingnan.

"The next perform would be Contestant number 10! Zacharia Ongsee! Let's give him around of applause!" Sigaw ng emcee.

Kinuha ko muna ang drums dahil iyon ang gagamitin ko sa pagtugtog. Pagkatapos ay pumunta na ako ng stage.




LAZELLE'S POV

"Wooo! Ang galing mo talaga Leyz!" Sabi nitong Xhilgie na diko alam kung nagpa-papansin lang ba. May patawag-tawag pang leyz. Feeling close ang impakta.

"Thank you?" Patanong kong sabi dahil malay mo nagpaplastikan lang pala itong impaktang to. Well, hindi ako magpapatalo kung ganon nga.

Nagpaalam muna siya sa akin na bibili lang daw siya ng snacks para sa aming dalawa libre lang naman daw niya.

Nai-isip ko parin yung kanina na magkasama sila. Ang sakit na iniwan ka lang pala niya dahil may bago na siya.

Hinihintay ko lang naman na lumapit siya sa akin at magpaliwag na kaibigan lang niya yong haliparot na nga imbyerna pa. Urgh! Pero kung sila na nga talaga edi sila! Iuntog ko pa sila sa pader eh! Duh!

"Our next performer would be Contestant number 10! Zacharia Ongsee! Let's give him around of applause!" Sabi ng emcee.

Napatayo naman ako at tiningnan ang sa kabilang back stage at nakita ko si nerdy boy na kinuha ang drums. Wew! May hidden talent pala ang Nerdy boy bawang!

(Demons by Imagine Dragons)

"When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see
Are all made of gold
When your dreams all fail
And the ones we hail
Are the worst of all
And the blood's run stale

Infairness! Maganda ang boses!

I want to hide the truth
I want to shelter you
But with the beast inside
There's nowhere we can hide

Ang galing niyang mag drums bawat pag hampas niya sa ay sabay sabay sa beat ng pagkanta kasama pa ang ganda ng boses. Ay wait? Ba't ko ba pinupuri to'ng nerdy boy? Yux lang.

No matter what we breed
We still are made of greed
This is my kingdom come
This is my kingdom come

When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide

Tama siya, may pagka demonyo ang mata ano pa kaya ang mukha.

Don't get too close
It's dark inside
It's where my demons hide
It's where my demons hide."



ZACH'S POV

Pagkatapos kong kumanta ay bumalik na ako sa backstage.

Pagbalik ko ay nakita kong nakatayo si maldita na nakatingin sa akin. Nilapitan ko naman siya.

"Shocked huh'?" Pagbibiro ko sa kanya. Pero tulala pa rin. Kaya tinusok ko ang tagiliran niya.

"Ha?"

"Tsh, maang-maangan kapa dyan. Nagandahan ka sa boses ko 'noh?"

"Excuse me? Assuming mo rin eh 'noh?!" Sabi niya sabay hampas sa braso ko.

"Totoo naman ah, tsh"

"Kapal talaga ng mukha 'sing kapal ng libro." Bulong niya pero rinig ko parin.

"Tsh, mag bubulong ka nga lang yung rinig ko pa." Sabi ko at nilagpasan siya. Lalabas na sana ako para pumunta ng canteen dahil nagugutom narin ako pero tinawag ako ni maldita.

"At saan ang punta mo, aber?" Sabi niya at nakapamewang pa.

"Why? Gusto mo'ng sumama?" Hmm. Sarap talaga tripan nitong maldita na 'to.

"Gosh! Ako sasama sa'yo? Mas gustohin ko pang sumama sa hindi ko kilala kesa sa'yo at For your information, may duet pa tayo mamaya!"

"Tsh, 'Yon lang naman pala eh. Edi babalik rin ako agad...." huminto ako sandali at napa-isip. "... baka naman gusto mo lang sumama? Sabihin mo lang" sabi ko sabay taas baba ng kilay.

"Yux! Ikaw lang sabayan? Jogga mo lang! Dyan ka na nga!" Aniya at bumalik sa panunuod ng contest.

Habang naglalakad ay may umakbay sa akin.

"Oy! Oy! Galing ng boses ah! Wooo! Napatulala mo pa si Lazelle my labs so beri sweet!" Ani Renzel.

"Pake ko?"

"Wala lang. hindi lang ako makapaniwala. Tapos, alam mo ba bro kung nakita mo lang ang reaction ni Lazelle parang nai-inlove na hindi mo maintindihan!"

"Tsh, tumahimik ka nga! Guni-guni mo lang yan!" Sabi ko at tinanggal ang pagka-akbay niya sa akin at nagpaunang maglakad.

Nang matapos kong mabayaran ang binili ko ay bumalik na akong hall. Nang makabalik ay nakita ko si maldita na lakad ng lakad.

"Anyare sa'yo?" Tanong ko. Gulat siyang napalingon sa akin.

"Ba't ang tagal mo?! Alam mo ba na tayo na ang sunod niyan?" Sabi niya at tinuro ang sa stage.

"Oh, tapos?"

"Anong tapos, tapos ka diyan?! Hindi pa nga tayo naka practice tapos hindi pa tayo nakapili ng kanta!"

"Tsh, sumabay ka nalang sa akin"

"Argh! Taas ng confidence sa sarili!"

"Let us welcome our next performer, from the Sapphire section!" Sabi ng emcee. Nagkatinginan kami ni maldita.

"Siguraduhin mo lang na hindi tayo mapahiya dyan sa kayabangan mo!" Sabi niya at nagpaunang maglakad sa stage.

Tshh tingnan lang natin.

The Nerd's Secret (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon