CHAPTER 4

30 5 0
                                    

ZACH'S POV

"Zach, matagal paba kayo dyan?!" Tawag sa'kin ni Rheena.

Nag-lalaro kami ngayon ng basketball ni kuya. Matagal pa sana kaming matapos dito pero panay na ang tawag nitong si Rheena.

Tsh, siya ito'ng gustong sumama, siya pa ang mag rereklamo.

"Bro, hindi ako makapaniwala na magkasama kayo ngayon ni Rheena? Hahaha! Ano? Comeback na ba?" Biro pa ni ahia sabay shoot ng bola sa ring.

"Lol, hindi na mangyayari yan."

"Ay, oo nga ano? Bago'ng buhay kana pala! Hahaha!"

"Tsh."

Pagkatapos naming maglaro ay nagpahinga muna kami.

"Hi kuya Jack! Long time no see!" Agaw-pansin niya kay kuya.

"Hi Rheena!" Nakipag-kamay si ahia sa kanya.

"Zach! Kain tayo sa labas!" Tinawag ako ni ahia. Nilapitan ko siya.

"Are you kidding me ahia? Malapit ng mag hating-gabi oh?," Sabay turo sa langit. "Papagalitan tayo nila mommy"

"Tsk! Sabihin mo lang na iniiwasan mo si Rheena! Hahaha!" Sabay tawa.

"Tsh, baka nakalimutan mo na hindi tayo pwede'ng maabutan ng gabi." Bulong ko sa kanya.

Sandali siyang natigilan at nag-iisip.

"Owno! Tara! Uwi na tayo!" Sigaw niya.

"Tsh, sabi ko naman sa iyo eh."

Pagkatapos naming iligpit ang mga gamit namin ay saka kami umalis.

Hinatid pa muna namin si Rheena sa kanilang bahay. Pagdating namin ay nag paalam lang siya at saka pumasok na sa loob.

Habang nag mamaneho ako ay panay ang dada ni ahia. Na wala na ba daw akong feelings kay Rheena. Gusto ko pa ba daw siya.

"Ang sabihin mo nalang kasi na ang ate ni Rheena ang gusto mong pag-usapan. Tsh." Sabay lingon kay ahia.

"Tsk! Hindi noh!"

"Tsh, tumahimik ka nalang kasi dyan."

Panay lang ang kwentuhan namin ni ahia tungkol sa mga bago daw niyang natutunan sa basketball.

Pagdating sa bahay ay nagpaalam lang ako kina mommy na aakyat na sa taas dahil pagod na ako at gusto ko ng mahiga.

Pagkahiga ng pagkahiga ay biglang tumunog ang cellphone ko.

*One message received*

From: RenzelUnggoy
Bro, may good news ako!

To: RenzelUnggoy
Ano naman iyon?

From: RenzelUnggoy
May number na ako ni Lazelle! Orayt! Haha!

To: RenzelUnggoy
Tsh, akala ko kung ano na.

From: RenzelUnggoy
Sige bro, ite-text ko muna siya! Bye bro! Sleep well!

Hindi ko na siya ni replyan pa dahil inaantok na talaga ako.


RENZEL'S POV

Hindi ko maiwasang matuwa dahil may number na ako ni Lazelle.

Yie hahahaha!

To: LazelleCrush
Hi po!

Mga ilang minuto rin bago siya mag reply.

From: LazelleCrush
Who's this?

To: LazelleCrush
Your Secret Admirer! Hehe!

From: LazelleCrush
Who the fvck are you?!

To: LazelleCrush
Hey chill, si Renzel to. Hehehe sorry hindi ako nagpakilala agad.

From: LazelleCrush
Renzel? I don't remember na may kilala ba akong Renzel?

To: LazelleCrush
Grabe ka naman crush! Haha! Hindi mo na ba ako naalala? magka-usap pa nga tayo kaina eh!

From: LazelleCrush
Duh.

To: LazelleCrush
Wud?

From: LazelleCrush
Anong wud?

To: LazelleCrush
What u doin'?

From: LazelleCrush
Pake mo?

To: LazelleCrush
Sungit mo naman crush! Hehehe. Pero okay lang at least nagawa mo pa'kong replyan.

From: LazelleCrush
Napilitan eh. Duh. Matutulog na ako, bye.

Bigla akong nanlumo pagkatapos niyang magpaalam. Pero agad rin napalitan ng tuwa dahil sa halip na bale-walain ay nagawa niya parin akong replyan.

Sandali pa muna ako pumunta ng banyo para mag sipilyo. At nang pagkatapos ay lumabas na ako at nahiga sa kama. Hindi ko namalayan na na nakatulog na pala ako.

The Nerd's Secret (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon