CHAPTER 1

111 9 1
                                    

ZACH'S POV

"Zach, anak. Gumising kana dyan at baka ma-late ka. First day pa naman ng school mo" Sabi ni mom.

"Hmm" tugon ko.

"Bumangon kana diyan at maligo. Pagkatapos mo, bumaba kana para kumain." Aniya 'tsaka lumabas ng kwarto ko.

Bumangon na'ko at naligo pagkatapos ay nagmadaling bumaba.

"Good morning Dad." Bati ko.

"Good morning too son." Bati ni Dad.

Pagkatapos kong makipag batian sa kanila ay saka kami nagsimulang kumain.

"Hey bro, laro tayo basketball mamaya pag-uwi mo pagkagaling skwela. Nakangiting ani ahia.

{Translation: Kuya}

"Okay" maikling tugon ko.

"Oh bat' ang tamlay mo ata? Siguro hindi kapa handa na makita si Rheena noh?" Natatawang aniya.

"Tsh, wala na'kong pake don."

"Eh, bat' nga kase ang tamlay mo? Hahaha."

"Tumahimik ka na nga dyan ang ingay mo!." Inis na sabi ko.

"Okay boss, hahahaha."

Yun lang at pagkatapos 'non ay saka ako nagpaalam kina mommy na aalis na'ko. Pagdating ko, pinark ko muna ang sasakyan ko at bumaba na. Pagkapasok ko sa campus ay yon parin, masayang nagkakasama ang ilang mga studyante yung iba panay kwentuhan kung ano ang ginawa nila no'ng summer.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa dean's para hanapin kung ano ang magiging section ko. Panay ang tingin ko sa bulletin board kung saan ang pangalan ko. Napangiti nalang ako ng makita ko yung pangalan ko at tsaka pangalan ni Renzel. Kaibigan ko.

Tssh classmate na naman kami nang unggoy na yon. Natawa ako sa isiping iyon.

Pagkatapos kong maghanap sa pangalan ko ay saka ako dumeretso sa magiging room ko. Habang naglalakad, may napansin akong nakasunod sa likod ko. Nang lingunin ko ito nagulat nalang ako ng makita kung sino ito.

"Yow wazup bro! Haha! Na-miss kita ng sobra bro! Alam mo yon?" Masayang ani Renzel

"Yea na-miss rin kita. 'San ba kayo nag bakasyon?" Tanong ko.

"Ah, pumunta kame ng Antipolo kasi may reunion na naganap." Aniya

"Ahh ganon ba, sge." Sagot ko naman.

"Tara! Bilisan na natin baka may bago na naman tayong classmate na chix! Haha!."

"Tsh, loko."

Nagpatuloy na kame sa paglakad pakatapos naming mag kwentuhan. Panay ang tawanan namin kase nong nasa Antipolo daw sila hindi daw niya maiwasan mang trip sa kanyang lolo na kapag tumatae, pinapatay ang ilaw tapos magagalit ang kanyang lolo tapos sya panay tawa.

Nakarating na kame sa classroom. Humanap kami kung saan ang pwesto namen.

"Dito ka bro!" Tinuro nya ang isang upuan na katabi niya kaya doon ako naupo.

The Nerd's Secret (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon