CHAPTER 7

41 5 0
                                    

ZACH'S POV

"Please, sing it properly Ms. Cruz!" Pag-uutos ni Sir leo sa kay maldita.

"Ugh! I'm so tired! Kanina pa kami practice ng practice!" Reklamo niya.

Nandito kasi kami ngayon sa audi. at nag pa-practice ng kanta dahil bukas na yung event.

"Hindi ka kasi uma-ayos kumanta. 'Yan tuloy napagalitan tayo." Bulong ko sa kanya.

"What the fudge?! Ako pa talaga ang pinagbibintangan mo!"

"Sinabi ko bang pinagbintangan kita? Kapal rin ng mukha."

"Excuse me? Ako? Makapal ang mukha?! Nakakahiya naman sa'yo! Close ba tayo?!"

"Tumigil na kayo!" Pag-aawat sa'min ni sir. Kaya naman tumigil na rin kami sa pag-susumbatan. "Paano na ang performance niyo kung nag-aaway kayo diyan?! Magdu-duet pa kayo!"

"WHAT?!" Sabay naming sabi.

"Yes. Bakit? Hindi niyo ba alam? Tsk. Sinasabi ko na nga ba hindi talaga sinabi ni Elen" sabi ni sir.

"No way! Mas mabuti pang hindi nalang mag perform kesa ng maka-duet pa yang nerd na yan! Eews!" Ang arte niya talaga. Nakakainis, nakakapikon.

"Akala mo naman gusto rin kitang maka-duet! Mamatay nalang! Tsh."

"Bakit ba nag-aaway kayo? Para kayong mag-jowa na hindi nag kakaintindihan." Sabi ni sir

"Tsh, asa naman na magkaka-gusto ako dyan." Tinuro ko siya at tinaasan ako ng kilay.

"Wop! Wop! Tama na baka magkapikonan na naman kayo dyan." Ani sir. "Mabuti pa umuwi nalang kayo para narin makapag handa na kayo bukas."

Nagpaalam narin kami kay sir. Naglalakad ako ngayon papunta sa tapat ng coffee house dahil wala narin akong mapagpwestuhan ng sasakyan ko. Nang marating ko na ang tapat ng coffe house ay napansin kong may sumusunod sa akin kaya nilingon ko ito.

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko kay maldita.

"Seriously? Kapal ng mukha! Hindi kita sinusundan, dito rin naka-parking ang sasakyan ko! Duh! Assuming!" Aniya at nagpaunang maglakad.

"Edi sinusundan mo parin ako kasi dito rin naka parking sasakyan ko."

"Excuse me? Masyado kana talagang assuming! Hindi mo ba napansin na wala na akong maparkingan don' sa parking lot! Stupid nerd!" Sigaw niya at mabilis na sumakay sa kanyang sakyanan at pinaharurot paalis.

Tsk! Oo nga.. hindi ko rin naisip 'yon? stupid!

Sumakay narin ako sa sakyanan ko at nagmaneho pauwi. Nang makarating na ako sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko at naghahanap ng maisusuot ko para bukas. Habang naghahanap ay may kumatok at pumasok si mommy.

"What are you doing, zach?" Tanong ni mom.

"Naghahanap kasi ako ng pwede kong isuot para sa event namin bukas, mom. Pero wala akong mahanap ang papangit ng mga long sleeves ko."

"Naku! Ganon ba? Sige hahanap ako kay ahia mo dahil marami siyang mga bagong damit." Sabi ni mommy at lumabas ng kwarto. Maya-maya ay dumating narin siya at marami siyang dala na mga long sleeves meron ding amerikana at polo.

"Eto anak, pili ka ng gusto mo rito at i-try mo" nagsimula narin akong pumili at nang makapili na ako ay saka ko ito niligpit at bumaba na para kumain.




The Nerd's Secret (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon