-7

18 1 0
                                    

"Hi Pepper!" Bati niya.

Ngumiti lang ako sa kanya. Nakakahiya naman kung magre-respond din ako ng "Hi din" eh, di pa naman kami bati.

Oo, nakakahiya talaga. Hindi ko talaga maisip kung paano niya masabi ang lahat ng yon. Nagkakilala na ba kaminoon?

Hindi pa naman eh. Paano kami magkaka tagpo kung taga-Negros ako habang siya taga-dito.

"Uy." He poked my cheek. Now, he's staring at. me. Ano bato, Salt?

Umiwas ako ng tingin. Alangan naman magtitigan lang kami.

"Anong kailangan mo?" Nililigpit ko kasi ang mga libro ko. Tapos na ang klase. Ang dapat kong dapat gawin. At isa pa, kailangan kong maghanap ng pera. May field trip kasi kami. Sa Palawan. Aba't wala akong pang-gastos doon. Siguro, di na lang ako sasali.

"Bati na, tayo". Tiningnan ko siya. Mukhang sincere naman siya.

"Bawiin mo muna lahat ng sinabi mo." He sighed.

"Ayoko." I gave him a deadly stare.

"Ba't ko naman babawiin yun? Ehh, totoo naman lahat."

"Hindi totoo ang lahat ng iyon."

"Paano mo naman nalaman na Hindi totoo ang lahat ng iyon? Ikaw ba si ako?" Ibang klase din ang lalaking to.

"Ewan ko sayo." Naglakad ako palabas ng room. Na bibwisit ako.

"Kain tayo. Tara!" Tiningnan ko siya ng masama.

"Di pa tayo bati."

"Kaya nga. Ayaw mong paniwalaan ang mga sinabi ko. Wala na akong magagawa. Tara na!" Hinila niya ako papunta sa kotse niya.

Binuksan niya ang pintuan ng front seat. "Halika na!"

"May licence, kaba?"

"Ha?"

"Ba't nag-kokotse ka na? Menorde edad ka pa ah. Ayokong sumakay. Ayoko pang mamatay." Tumawa siya. Sheteh. Ang sexy.

"Oh." Ipinakita niya sa akin ang license niya.

"Okay."

Pumasok na ako. "Mag seatbelt ka." Kinuha ko ang seatbelt. Ano ba yan . Ang hirap.

"Ako na." Lumapit siya para ikabit ang seatbelt ko. Bale, yung mukha ko ay kaharap ng leeg niya.

"Ang bango mo."

Tumawa siya. Shet. Ba't ko sinabi yun!? Nakakahiya.

"Ikaw Pepper ha. May pagnanasa ka sakin." Tumawa lang siya.

"Kapal." Nag drive na lang siya papuntang mall.

"Tara." Nilahad niya ang kamay niya pero nilagpasan ko siya. "Halika na! Gutom na ako."

Pumasok kami sa Greenwich. Pizza yung trip namin ngayon. Nag order siya ng Hawaiian. Ehh, sa ayaw ko non' dahil sa mga pineapples.

"Cheese."

"Ayoko Pepper!"

"Sabi ng cheese!"

Hindi niya ako binigyan ng pansin.

"Cheese ang bibilhin mo o aalis ako?"

"Ganito na lang. Hawaiian sa akin, cheese sa iyo."

"Ayoko! Magastos!"

Talagang Hawaiian ang in-order niya. Naiinis ako. Kung nasa cafeteria ako , nakakain ako ng mga gusto ko. Hindi tong ganito.

Hindi ko siya binigyan ng pansin. Naglakad ako papuntang area pagkatapos naming kumain.

"Uy. Sorry na."

Hindi ko siya nilingon.Tse! Manigaska!

"Pepper." Hinawakan niya ang braso ko para iharap ako sa kanya.

"Ano!?" Naiinis ako. Naiinis!

"Wag ka ng magalit."

"Bwisit kang lalaki ka! Hindi kita boyfriend pero nanghahalik ka. And dami mong atraso sa akin!" Tumawa siya.

"Kaya nga sorry na."

Naging okay naman ako dahil manonood daw kami ng Dilim. Pagbibiggyan daw niya ako sa gusto ko. Siyempre! Ang lakingatraso mo sa akin. Ayaw daw niya talaga ng local na movie's. Cliché daw. Ehh, sa mas gusto ko iyon kesa ng English eh. Nakaka nose bleed.

Bumili siya ng dalawang tickets at popcorn. Umupo kami sa likod para di masakit sa mata. Nasa nakakatakot na part ng movie ng humawak siya sa braso ko.

Tinitingnan ko siya. Nakatakip siya sa mga mata niya. Muntik na akong mabulunan dahil tumatawa ako ng may popcorn pa sa bibig ko.

"Takot ka pala sa mga horror movies?" Tanong ko ng nakalabas kami sa cinema. Tinitigan niya ako ng masama.

"Hi, I"m Chuckie. Wanna play?" Kinpoya ku yung boses ni Chuckie sa movie.

"Hatid na kita." Hinawakan niya ang kamay ko. Parang tumibok ng malakas ang puso ko. Teka, ano to? I am not falling in love, right? Pero nakaka panibago ang nararamdaman ko. Para ba akong kinikilig.

Tahimik kami pauwi. Iniisiip ko parin yung naramdaman ko kanina. It's impossible that I've fallen in love with him already. This early? Hindi naman ako magsisinungaling. Type ko siya. Nasa kanya ang traits na hinahanap ko sa isang lalaki.

"Hoy." Lumingon ako sa kanya.

"Kanina pa kita kinakausap."

"A-ano yun?'

"Pwede ba akong pumasok sa inyo?" Ha? Ano namang gagawin niya sa bahay?

"Magpapaalam sana ako sa mama mo."

"Ano namang ipagpapa alam mo?"

"Ipapaalam ko sana na mula ngayon, liligawan na kita." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Isheserious?

Opossites do attractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon