-8

13 1 0
                                    

He opened the door and dragged me out of his car.

Is he serious? Magpapaalam siyang manligaw? Teka, ba't parang ang bilis.

"Ma! Nakauwi na po ako." Sigaw ko. Rinig ko ang yapak ni mama pababa ng hagdan.

"Oh, anak. Kuma--- may bisita ka pala." Nakangiti niyang sabi.

"Ah, opo. Ma, si Salt. Schoolmate ko po."

"At soon to be boyfriend po ni Pepper." Singit ni Salt. Aba't nanadya ka talaga ha! Sarap mong tadyakan!

"Totoo ba iyan anak?" Binigyan ako ng nakakalokong tingin ni mama.

Hindi ko na lang siya sinagot at binigyan ko ng masamang tingin si Salt. Bwisit ka!

Naghanda ng hapunan si mama para sa aming dalawa. Mag-a-alasais na. Naku. Absent na naman ako sa trabaho.

"Ah, tita." Tawag niya Kay mama.

Tita ka Jan! Close kayo ni mama!? Aba'y FC kang lalaki ka ha.

"Gusto ko sanang pormal na ligawan ang anak niyo. Patawad po kung nagmadali kami. Sorry po. Pero pananagutan ko naman si Pepper. Baka po may nabuo---" Binatukan ko na. Kitang kita sa mata ni mama ang pagka-shock.

"Ma. Wag kang maniwala sa kanya. Nagbibiro lang yan!"

Binigyan ko ng masamang tingin si Salt habang hinihilot niya yung noo niya. Napalakas siguro yung batok ko sa kanya. Ha! Buti nga.

"Oo po tita. Joke lang po yun." Tumawa na lang si mama. Parang alam niya na nagbibiro si  Salt.

"Kayo talagang mga batang kayo oh. Halina kayo. Nagluto ako ng sinigang na baboy at nautusan ko na si Ping na bumili ng soft drinks."

Alam ni Salt na may kapatid ako. Sinabihan ko siya na pinag iipunan ko hang cellphone na balak kong bilhin para sa kanya. Nag volunteer nga siya na siya ang bumili pero Hindi ko tinanggap.

Kumain kami ng hapunan at panay ang tanong ni mama kay Salt. May business pala sila ni Salt. Kaya pala ang yaman niya. Magarang damit, kotse.

"Paano mo naman nakilala si Ate , kuya?" Tanong ni Ping. Oo nga no. Paano niya kaya ako nakilala. Kung makapagsalita siya parang ang tagal na naming magkaibigan.

Tiningnan ko si Salt na ngayon ay nag iisip kung ano ang isasagot niya sa tanong ni Ping.

"Yung.. Introduce yourself nong' first day of school ."  Ah, Oo! Tama nga yun. But why did he said the he've waited for me for so long. Ano yun? Parang Alam na niya ang future!? Hala.  May anting anting itong si Salt?

"Saan mo nabili yang anting anting mo? Para makabili ako." Tinitigan nila akong tatlo at sabay silang nagtawanan.

My life has changed since I came here. Naging peaceful. Doon kasi sa Negros, ang raming bully. Ang raming maliliit na tingin sa pamilya namin. God gave us a chance to start a new. At nagpapasalamat akong nakakilala ako ng mga taong mabuti. Tulad ni Salt.

"Pepper, pwede'ng makitulog sa inyo?" Nasa labas kami, nakaupo habang titutukan ang langit.

"Ha? Bakit?"

"Gusto ko lang." Ayoko.

"Ayoko. Wala kaming extrang banig, unan at kumot! T-tska wala kaming aircon!"

"Cge na nga. Baka isipin ni tita na sumosobra na ako. Ehh, Hindi pa tayo." Hindi ko na lang siya sinagot at tumutok na lang ako sa mga bituin. Ang dami.

"Alam mo? Pag malungkot ako. Tinitignan ko lang ang mga bituin. Magiging okay na ako". He said with  a sad smile.

"I was in the seashore that night. 11 years old ako non'. Naglalaro ako sa buhanginan ng accidentally nakatapak ako na bato na matulis. Siyempre, nagkasugat ako. Hirap na hirap akong maglakad. Kaya't naisipan kong umupo na lang muna." He stopped and I stared at him. Parang may masakit sa sinabi niya.

"Go on."

"I was so thankful na nangyari iyon sa akin. Dahil' don' nakilala ko ang babaeng mamahalin ko habang buhay." Doon na ako nagreact.

"Ano ba yan! 11 years ka pa non. May pa "habang buhay" ka pang nalalaman." Tinakpan niya ang bibig ko. Tinutukan ko na lang ang mga bituin.

"Tinulungan  niya ako. Kumuha siya ng mga gamot sa kubo nila at agad niyang ginamot ang aking sugat. Ang ganda niya. Para siyang anghel. Kitang kita ko ang kanyang mukha dahil full moon."

"Ayan, tapos na." Sabi niya pagkatapos.

"Salamat."

"Alam kong turista ka, kaya't pwedeng itanong? Bakit ka andito sa labas, eh malamig?"

"Sinabi ko sa kanya na nag-away ang mommy at daddy ko kaya't malungkot ako. Nabigla ako dahil bigla niya akong niyakap."

"Magiging okay din ang lahat. Manood na lang tayo ng stars para di ka na malungkot. Sabi kasi ni papa, someday. Makikilala mo ang ang mamahalin mo sa mga bituin. Ehh, pwede ba yun. Hindi naman yun totoo diba?"  Tumawa na lang kami sa sinabi niya.

Ano ba yan. Yun din kasi ang sabi ni papa. Na someday, makikilala mo ang mamahalin mo habang buhay sa mga bituin. Pinaniwalaan ko yun.  Kahit alam kong di totoo.

Pero sino naman kaya ang  nagsabi non' kay Salt? Pwedeng coincidence lang naman!

"Sino ba yang babae na pinagsasabi mo?" Ang tagal niyang sumagot kaya't tiningnan ko siya.

"Pepper, talaga bang hindi mo na ako nakikilala?" Sabi niya with tears in his eyes.

Opossites do attractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon