-5

17 1 0
                                    

"What can I do for you, miss?" tanong ng babaeng nasa harap ko ngayon.

"Uhh.. Andyan ba si Salt?" Oo. Hinahanap ko si Salt. Accountancy yung course niya. Aba'y hanep. Ang talino pala nun ng math.

"Salt! May naghahanap sayo!" sigaw niya.

"Salamat." ngumiti ako sa kanya. Tumango lang siya.

Kung tinatanong niyo kung nasan' ako? Nasa room ako ng first subject niya. Luckily, wala pa yung professor so may time pa akong isa-uli yung ID niya. Ewan ko ba kung paano siya nakakapasok dito sa school na "NO ID, NO ENTRY" ang policy dito.

"Oh, pepper. Miss mo na agad ako?" kumunot ang noo ko.

"Ano ba yang pingsasabi mo?"

Tumawa siya. Jusko! Ba't ngayon ko lang na appreciate ang kabuuan niya?

"Joke lang." Kumindat siya.

Ano ba tong lalaking to? Nag-papacute.

"Oh, ID mo" Inabot ko sa kanya ang ID niya. "Paano ka ba nakakapasok sa Campus eh, wala ka naming ID?"

"I have my ways, pepper" Ngiti niya.  "Salamat"

"Cge, una na ako. May klase pa kasi." Tumango na lang siya at ngumiti. "Cge, ingat".

"Pepper-- wait."

"Ano yun?"

"Sabay tayong mag-lunch?" Hindi! Ayoko! Ano ka ba, Pepper! Lunch lang yan. Hindi yan date. Bakit ang laki ng "Hindi" mo? Kunsabagay..

"Cge. Text mo na lang ako". Tumalikod na ako. Naku! Baka late na ako sa first class ko. Okay..  takbo!

"Hoy! Pepper!" Hindi pa naman ako nakakalayo kay Salt kaya rinig ko ang pagtawag niya sa akin. Lumingon ako sa kinatatayuan niya.

"Ano!?"

"Paano kita itetext. Eh, wala akong number sayo!?"

"0926 " Teka? Bakit ko isisigaw yung number ko? Haynaku Pepper. Lumapit ako kay Salt. Kumuha ako ng marker sa bag ko.

"09267613026" Oh, ayan.

Tiningnan ko siya ng pinakamatamis kong ngiti. Nakakunot yung mukha niya na para bang maya't maya't sasakalin na niya ako sa galit.

"Salamat, Salbabida ah". Kinagat ko ang labi ko dahil muntikan na akong tumawa sa harapan niya.

Isinulat ko lang naman ang numero  sa noo niya. Ehh, sa wala akong papel eh. He is cute. Especially, when he's not in the mood.

"Cge, just text me. Okay?"

*

"Ang tagal naman ng lalaking yon!" Kanina pa akong naghihintay ni Salt dito sa labas ng campus. Vacant ko naman ngayon kaya okay lang. Kakain daw kami sa labas. Pwede namang sa cafeteria nalang diba?

"Boooo!" Ayy, palakang natapakan ng kabayo!  Liningun ko siya. Nakahawak siya sa tiyan niya dahil sa sobrang tawa.

"Ewan ko sayo." Naglakad ako ng mabilis.

"Bwisit yung lalaking yun. Mukha niya parang tae. Bwisit! Bwisit! Sana mamatay na yun. Ughhh- kainis!"

"Hoy, Bea. Will you stop murmuring? Tinitignan ka na ng mga tao. Baka akala nila may girlfriend akong baliw."

"A--ano?"

"Wala." Hinarap niya ako sa kanyang mukha.

"Pasensya ka na ha. Patawarin mo na ko." Gumaan ang pakiramdam ko ng sinabi niya iyon.

"Oo. Ok---- bwisit ka Salt!"

Kinurot niya yung pisngi ko! May topak ba ang lalaking ito? Ugh, ang sakit. Bakit ba ang kulit niya? Ang lalaking tao tapos ang gwapo pa! Kainis!

"Hoy, hintayin mo ko!" Tumakbo siya papuntang Plaza. Malapit lang kasi dito sa school ang park.

Ng makalapit na ako ng konti. Kyaaaa!

"Ug--Pep--wa-g sa--kal" Bwisit kang lalaki ka! Pinagod mo pa ako. Sasakalin kita hanggang sa mamatay ka na! Bwisit ka!

"Pat--wari m--ko" Ha? Anong sabi mo? Patawad? Kiss my ass. Bwisit ka. Mapapatay kita! Sayang ang mga similya mo! Goodbye sayo, Salt!

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Bitawan mo ko, taragis ka! Papatayin kita!"

*Tsup*

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hinalikan niya ako! Jusko. Ang first kiss ko. Mama! Ang first kiss ko.

Wala na! Nakuha na ng unggoy na to!

Kinuha ko ang hankie ko at pinunasan ko ang labi ko. Pinunasan ko ito ng mabuti. Punas. Punas. Ayan. Hindi naman considered yun na first kiss diba? Hindi naman ngtagal ng five minutes yung kiss!

Dios ko po.

"Halos mapatay mo na ako kanina" Nakatayo siya habang ang dalawang kamay niya ay nasa bewang niya.

"Tse! Sana natuluyan ka!"

Kung hindi lang po talaga mali ang pagpatay ng tao, matagal ko ng ginawa sa lalaking ito. Bwisit. Ang manyak. Buti na lang talaga may takot ako sa Diyos.

Sino ba man kasing matinong tao ang nangnanakaw ng halik? aba't! Di yun pwede. Kailangan ng batas para Jan! Hindi bale na , pag ako naging abogado.. Gagawan ko to ng batas.

Umalis si Salt. May bibilhin daw muna siya. Sabi niya, babalik lang daw siya. Sus Salt. Mas mabuti na lang kung hindi ka na babalik!

"oy, Bea." Lumingun ako sa tumawag ng pangalan ko.

Si Salt. May dalang balloons. Teka? Anong gagawin niya sa balloons?

"Halika." Tinaasan ko siya ng kilay. Hoy, lalaki! Hindi pa tayo bati.

"Halika sabi eh" Hinila niya ako papunta sa pwesto niya.

"Hawakan mo." Binigay niya sa akin ang balloons. Bale apat yun.

Kumuha siya ng marker sa bag niya. Kinuha niya ang isang balloon sa kamay ko at nagsisimula siyang sulatan ang balloon. Ako nam an, nakatutok lang sa sinusulat niya.

Sana patawarin na ako ni Pepper kasi ninakaw ko ang first kiss niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. At talagang nilagay pa niya ang "first kiss" ha. Binatawan na niya ang balloon.

"Higher!" Sigaw niya habang tumatalon na parang bata.

Inabot niya sa akin ang marker. "Oh, ikaw naman."

Kinuha ko ang marker at ibinigay ko sa kanya ang natitirang balloons para mkasulat ako.  Ano ba yan. Ang hirap!

Tse! Manigas ka Jan! Umuwi ka na. Ang pangit mo Salt.

Binatawan ko ang balloon at nakita ko siyang naka-smile sa akin.

"Ang cute mo Bea." Sabi niya saka niya ako hinalikan. Nagulat ako. Pero mas nagulat ako sa ginawa ko. The worst part was I responded to his kiss.

Opossites do attractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon