-4

20 1 0
                                    

Hinila niya lang ako papuntang paradahan ng jeep. Magmo-mall daw kami. Ehh, libre niya. Wala akong pera ngayon no. Naka iPhone 4s siya. Sigurado akong mayaman siya. Ang mahal kaya ng iPhone! Hindi ba pwedeng hiniram niya lang yan? Oh, ninakaw!

"Hindi ka naman magnanakaw diba?" Tinitigan niya lang ako.

"O kidnapper?" Ayun. Tawa na siya ng tawa.

"Kung ki-kidnappin kita eh , sana hindi tayo sumakay ng jeep. Dapat sa van kita ipinasok tapos itinali ko na yung kamay at binti mo tapos nilagyan ko na ng tape yang bibig mo." sabi niya ng nakatingin sa mga dinadaanan namin. Kunsabagay, may point siya.

"Andito na tayo" bumaba na siya. Sumunod na ako.

"Saan tayo ngayon?" Nasa  labas kami ng SM.

"Aba'y malay ko ba. Nanghi-hila ka jan tapos hindi mo alam kung saan ako dadalhin?" Hanep ka pre.  Nakakahiya naman. Ni hindi nga namin kilala ang isa't isa. Tapos, mnglilibre siya. Bahala na nga. Sabi nga nila, wag tanggihan ang grasya.

Naglakad siya papuntang Arcade. Naglaro kami doon.

"Haha! Talo ka!" sigaw ko sa kanya.

"Madaya ka eh".

Pagkatapos naming maglaro sabi niya kakain daw kami. Tamang-tama. Gutom na ako.

"Saan tayo kakain?" tanong ko.

"Starbucks na lang tayo."

"Wag don. Ang mahal ng mga kape don. Jollibee na lang tayo!"

"Ano ba yan. Hindi ka ba nagsasawa sa Jollibee? Ehh. Doon ka nga nagta-trabaho."

"Tse! Tara na."

"Ayoko. KFC tayo." Ano ba naman tong lalaking ito!

"Jollibee."

"Teka, sino bang gagastos?"

'"Sabi ko nga eh. KFC tayo kakain. Ikaw talaga". Naglakad ako papuntang KFC. Tumigil ako ng hindi ko naramdaman yung presence niya sa likod ko. Lumingon ako sa kanya at naglakad ng konti palapit sa kanya. "Ano pang hinihintay mo? Tara!" sigaw ko.

"Spicy"

"Cheese"

Nag-aaway lang naman kami kung anong flavor ng chicken ang aming bibilhin. Sabi ko naman sa kanya na pwede namang iba lang kami. Ehh, ayaw niya. Ang laki ng problema ng lalaking to sa utak.

Ha! Dahil nauubusan na ng pasensya ang babae sa counter. Pumayag na lang siya na iba iba na lang yun chicken namin.

"Alam mo? Ayoko talaga ng cheese. Nakakasawa yung lasa."

sabi niya ng palabas na kami ng mall. Hindi ko na lang siya sinagot dahil pagod na pagod na ako.

"Hoy." pinitik niya yung noo ko.Aray. Lumingon ako sa kanya.

"Saan ka ba uuwi?" Kinuha ko yung cellphone ko. 4:30 na. Wla na akong klase ngayon.

"Pupunta na lang akong Jollibee. May trabaho ako ngayon. Ikaw?"

"Uuwi na lang ako.Kabilang daanan yung sa amin eh. Pano ba yan. Di kita mahahatid."

"Okay lang." ngiti ko sa kanya.

"Sige, salamat Ms?"

"Bea Pepper Salbabida. " Inilahad ko yung kamay ko para makipag-handshake.

"Prince Salt Villacampa". Naghand shake kami. "Nice meeting you" ngumiti siya sa akin.

"Salt and pepper? Ang cute naman. Oh, cge. Una na ako. Til' we meet again."

Naglakad na siya palayo.

"Hoy, Salt! Wala tayo sa mga movies! Anong "Til' we meet again yang pinagsasabi mo?" Magkikita pa tayo! Kaklase kaya kita sa Psyh 101." sigaw ko. Dahilan ng paglingon niya, at binigyan niya ako ng ngiti. Kumaway na lang siya at kumaway ako pabalik.

"Nagsama kami maghapon ng hindi namin kilala ang isa't isa. Nakakatuwa naman." ngumiti na lang ako ng unti unti  siyang nawala sa paningin ko.

"Ano ba naman yan. Nakalimutan kong magpasalamat. Di bale na. Sa susunod na lang."

Opossites do attractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon