Midnight 13 - Recognize

3.6K 78 15
                                    

A/N: 

Hi! Please be informed that this chapter (and the next 2 chapters) will contain a LOT of swear/curse words that are all uncensored. My apologies.

--      

Midnight (13)


Tuesday.

Nagising ako bago pa tumunog ang alarm ng cellphone ko. Mahaba kasi ang naging tulog ko kagabi dahil hindi ko nakausap si Ash. Masaya dapat ako dahil hindi ako napuyat pero hindi eh. Nasasayangan lang ako sa mga sinearch ko tungkol sa Phuket. Ang dami dami ko pa namang sinearch na sasabihin sa kanya para makabawi sa kanya kaso 'di ko man lang nagamit kasi hindi pala siya available kagabi. Sayang.

Si Paul naman, mukhang wala na talaga siyang pakialam sa akin. Hindi na niya ako tinawagan o tinext man lang after no'ng huling usapan namin sa phone kahapon. Sa totoo lang, nakaka-offend talaga. Bukod naman kasi sa pagkakagusto ko sa kanya, tinuring ko rin naman talaga siyang malapit na kaibigan. At ang akala ko ay gano'n din siya sa akin pero mukhang mali ang akala ko.

Mag-dra-drama pa sana ako tungkol sa paulit-ulit na pang-bro-brokenhearted sa akin ni Paul nang biglang nag-ring ang cellphone ko sa tawag ni mama.

"Mama!" Bati ko sa kanya. "Ang aga mo yata napatawag."

[Nalimutan kasi kitang kamustahin kagabi sa first day of work mo d'yan. Okay ka lang ba d'yan?]

"Okay naman po mama. Nagkaroon ako ng dalawang kaibigan. Nasukatan na rin kami ng uniforms. After two weeks pa raw bago matatahi lahat ng orders."

[Mabuti naman. Wala naman bang problema anak? Ayos naman ba ang lahat?]

"Wala naman po mama."

[Si Cairo nga pala, gusto makipagkilala sa'yo sa weekend daw sana.] What?

"Y-Yung anak po ni tita Marga?" Naguguluhan kong tanong. Don't tell me... nagandahan siya sa picture ko? Ew.

[Oo, anak. Na-meet ko na siya kahapon, dinala ni Marga sa condo. Gwapo. Bagay kayo.]

"Mama naman eh. Hindi naman ako interesadong mag-boyfriend ngayon."

[Hindi ko naman sinabing seryosohin mo. Makipag-date ka lang. Nang ma-enjoy mo naman ang buhay.]

"Na-e-enjoy ko naman ang buhay mama eh." I rolled my eyes. Kapag walang boyfriend, hindi na ba masaya ang buhay? Gano'n?

[Baka naman may boyfriend ka nang iba d'yan? Sabihin mo sa akin agad nang 'di naman ako napapahiya dito kay Marga.] My goodness! Ako pa ngayon ang may tinatago? Really, mama? Minsan talaga, nakakagigil 'tong mama ko eh.

"Wala po mama." I assured her, emphasizing 'Wala'.

[Siguraduhin mo lang, Yanisa.]

[At kapag nagka-boyfriend ka, papasa lang sa akin kapag mas gwapo kay Cairo.]

"Haha. Ewan ko sa'yo mama. Ikaw ba, kamusta ka na d'yan? Okay naman ba kayo?" Pag-iiba ko sa topic.

[Ayos naman. Ano, sa weekend ha? Friendly date lang.] At binalik pa rin niya do'n ang topic. Mukhang wala akong lusot. Fine, I'll do it. I'll just have to act weird and clumsy para layuan ako agad no'ng Cairo. Yup, easy peasy.

"Okay, mama."

[Good. Sige, Yanisa. Ingat ka lagi d'yan. Sabihin mo sa akin kung kulang ang pera na binibigay ko sa 'yo.]

"Yes po, mama. Ingat ka rin lagi. Bye."

[Bye, anak.]

*toot toot toot toot*

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon