Daylight 25 - Deal

2.8K 47 12
                                    

Daylight (25)


Sunday.

"Nahila ako, brad!"

"Nira-rape ako ng hunter!"

"May witch mga 'tol! 'Wag niyong barilin! Lagpasan niyo lang!"

One week has passed. 

Ngayon lang ulit kami nakapaglaro ng L4D nila Viel, Ynna, at Sky. The previous week felt long and busy. Bukas na ang pasukan ng mga students ng LIAM kaya naman puro preparations na kami ngayon sa AES office at gano'n rin sa grand opening ng Kop Kun Cup Milk Tea o KKC.

Puro ako lang din ang umaasikaso sa KKC LIAM branch kasi nag-focus muna si Viel sa Taguig branch namin dahil nga ro'n sa issue na may buhok sa milk tea namin. Bumaba sobra ang sales namin do'n kaya kinailangan munang tutukan yung branch.

Sobrang busy na tuwing aakalain naming pwede na kaming makapaglaro, tatawag naman si dad para ipakilala ako sa ibang clients ng AQH.

Puro trabaho nalang ang ginagawa ko na parang nawalan na ako ng oras sa mga nilalaro ko, sa mga kaibigan ko at sa sarili ko. Ngayon nalang ulit.

"May tank! Molotov!"

"Sundan niyo ko brad!"

Nagtuloy-tuloy lang na puro tungkol lang sa nilalaro namin ang naging laman ng usapan hanggang sa biglang nagtanong si Viel. Chismoso talaga.

"Abo! Balita ko uuwi na raw si Morganne next year, ah?" he sounded like he's phishing.

"Sabi nga niya," I responded casually. My eyes only focused on the game.

"Muling ibalik na ba ang naudlot na pag-ibig ito? Hahaha!" pang-aasar pa niya. I tsked.

"May Yanisa Chuppanaporn na 'yan!" singit naman ni Sky.

"Akin na 'yun, eh!" Viel said.

"What?!" I asked. Did I hear him right? Kanya raw si Yanisa?

"Anong sa 'yo? Mang-aagaw ka na nga lang, kay Ash pa! Isusumbong kita kay Shibama para kagatin ka niya eh!" Ynna said to Viel, sounding annoyed. Shibama is her pitbull, named after our late friend.

"May usapan kasi kami niyan ni Ash na kapag three months na at hindi pa rin sila ni Yanisa, lalandiin ko na 'yun!"

"I didn't agree to that! 'Wag mo ngang idamay yung tao sa mga laro mo!" I retorted.

"Oo nga! Bad ka Viel!" Ynna added.

"Ipaubaya mo na si Yanisa kay kuya, Viel. Nang hindi na niya tinitignan si Ynna!" Sky almost shouted.

"The heck, bro?! Eto nanaman ba tayo?"

"Naninigurado lang! Mahirap na!" Sky said back. He's serious. Ack.

"Kroo! Kroo! Hahahaha! Awkward!" natatawang sabi naman ni Viel nang biglang nagka-dead air sa aming apat.

Tsk. Here we go again. 

Sobrang seloso pa rin talaga ni Sky lalo na pagdating sa amin ni Ynna.

Truth is, I really did have a crush on Ynna back then. She was so adorable and pure. But that's about it. Na-cute-an lang ako sa kanya at bumilib sa lakas ng loob niya bilang isang babae. There is nothing more. It's not even close to what I felt for Morganne before.

Grabe lang talaga ang selos ni Sky kasi vocal sa kanya si Ynna na mas gwapo raw ako sa kanya. Sobrang inosente at honest lang kasi talaga si Ynna.

Si Sky naman, kala mo laging maaagawan ng girlfriend. Hindi ba niya nakikitang ang saya saya ko para sa kanila? Tinulungan ko pa nga siya sa paghahanda sa upcoming proposal niya kay Ynna, eh.

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon