Midnight 74 - Announce

665 30 31
                                    

Midnight (74)


Tinakip ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha dahil sa pagtuluy-tuloy ng pag-bagsak ng luha ko. Hindi ko na nasagot ang tawag ni Ash kaya siya nalang ang nag-end call nito.

I kept on crying like an idiot until I felt his warm hands on my waist. His touch was so familiar that it made me shiver a bit. Marahan niya akong pinaharap sa kanya bago niya ako niyakap. He was brushing my hair gently with his hands. And then, he kissed me in the forehead.

Mahina ko siyang hinampas bago ako ngumuso. Medyo nahihiya pa rin kasi ako. Naka-ilang beses akong lumunok bago ako nakapagsalita.

"You... are Eunnie?"

His eyes on me felt like he was looking through my soul. And then, he gave me a little smirk as his response.

"Gaano ka nang katagal na si Eunnie?" tanong ko ulit.

"Since you left."

Nanlaki ang mata ko doon.

No way.

"S-Since I left... the Philippines?" ulit ko pa.

"Yes."

Ilang segundo pa akong nanigas sa pagkakagulat. Tapos nun ay napapikit nalang ako ng mariin sa sobrang kahihiyan. I was even pinching my fingers!

Kaya pala.

Kaya pala all those times na magka-chat kami, panay ang English ni Eunnie. Tapos hindi na rin siya gumagamit ng stickers at emoticons na laging ginagamit ni Eunnie noon. Nahiya ako bigla sa lahat ng pinagsasabi ko kay Eunnie! Na pinagsasabi ko pala lahat kay Ash!

"That's the reason why I didn't want you to come home yet," he said. "Because you always kept on telling Eunica that you miss me, but you were still having some nightmares. You still even had sessions left."

"The way you talked to Eunica, it was obvious that you are still not fully recovered. But the way you talked to me as Ash, you would always make me believe that everything is doing alright when the truth is, it's actually not."

"I-I just miss you..." pag-amin ko.

"I decided to let you go for you to heal. I don't want to be your downfall, Yanisa. But I guess I couldn't stay away that long. Buti nalang at nag-offer si Eunica na gamitin ko yung account niya para bantayan ka."

"Kasi nakokonsensya pa rin ba siya nung inaway ka niya noon?" I asked. 

He chuckled. "Yeah. Apparently."

Napapikit na naman ako ng mariin nung naalala ko yung mga chat ko kay Eunnie. I told her so many things such as our dates, how I miss our moments, and even our wildest adventures together! Bakit ba kasi ang daldal ko? Nakakahiyang isipin na nabasa 'yun lahat ni Ash!

"Nakakahiya yung mga pinagsasabi ko sa 'yo," I said, my eyes still shut.

"Nakakahiya talaga." He laughed.

Nag-iinit man ang pisngi ko, napatingin pa rin ako sa kanya habang naka-kunot ang noo. Lalo lang siyang natawa sa reaction ko. Mapipikon pa sana ako pero parang natunaw ang puso ko sa sobrang saya ni Ash habang tumatawa siya. I miss that laugh. I miss him so much.

"So, wala ka ngang girlfriend?" tanong ko nalang. Tutal napahiya na rin naman ako, e 'di diretsuhin ko nalang rin.

"Wala pa."

"Huh?" I tilted my head questionably.

"Kung sasagutin mo ako, e 'di may girlfriend na ako," he said it so seriously I ended up swallowing hard again.

Midnight Stalker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon