Prologue

46 1 0
                                    


Ako si Cayde Enriquez. Nakatapos ako sa pangalawang kurso ko sa kolehiyo na BS Accountancy sa taong 2018. O, di ba ang saya noon? Nagkadiploma na ako sa wakas! Ang saya-saya nito, mga pre! 


Pero sa totoo lang, nahinto ako ng pag-aaral noong 2008 sa kursong BS Nursing. Wala pang syota, kasi gusto kong umasenso sa buhay at makatulong ako sa pamilya. Kaya kung anu-ano na pinasok kong mga trabaho: ESL teacher, Academic Tutor, Admim Staff, at mga sideline. 


Noong 2012 ako nakapagpabalik ng pag-aaral sa kolehiyo.  Tiniis ko ang buhay working student. Marami palang nagsabi sa akin: " Ay Accountancy ang course mo tapos working student ka pa?! Ang hirap naman niyan? " 


Hay naku, ako ang nagdesisyon. Hindi naman kayo. Kaya choice ko yan, para makahanap ng totoong trabaho o propesyon para sa ikauunlad ko. Eh, di wow?! 


Hindi ko pinansin ang mga kritisismo ng mga ibang tao, dahil gusto kong patunayan ko sa kanila na kahit mahirap ay kakayanin. Ika nga ang ibig sabihin ng pangalan ko ay " Battle " sa salitang Irish.  Patunay na ako ay isang lalaking palaban sa buhay! 


Ayun, sumabak ako sa giyera ng pag-aaral ng mga quota subject, departmental exams, at preboard. Mga ilang araw akong puyat sa pagre-review para lang makapasa at makatapos ako ng pag-aaral. At heto, nagwagi ako sa pagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Natapos ang unang digmaan. 


Sa anim na buwan akong nagpahinga sa pag-aaral ng mga Accounting subject, nagpatuloy naman ako sa pagtrabaho, hanggang sa nagkapag-desisyon kong mag-review ng November 2018 at mag-take ng CPA Board Exam ng May 2019. Pangalawang digmaan na naman ng pag-aaral habang nagtatrabaho...



(NAKALIPAS NG ANIM NA BUWAN)


" Cayde, matulog ka na! Huwag kang magpuyat, may trabaho ka pa bukas!  Alam mo naman na mahirap kang gisingin! "


" Teka lang ma, nandito na yung listahan ng CPA BOARD Passers galing PRC, " sabi ko.


" Ay, ang bilis naman niyan! Sige nga, tignan mo kung nakapasa ka na. "


Nag-check ako ng mga website gamit ng cellphone at Wi-Fi sa bahay. Hinahanap ang pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa sa CPA Board Exam. Sana lumabas ang ENRIQUEZ, JOSEPH CAYDE MAHABAGIN! Sana pumasa ako! Sana pumasa ako!


ENRIQUESTAS, JOSE CARLOS MALLARI. 


Teka, muna parang hindi ito tama? Bakit hindi lumalabas ang ENRIQUEZ, JOSEPH CAYDE MAHABAGIN? Bakit ibang tao pa ang nakapasa?! Ilang websites ng CPA Board Passers ang pinaghahanap ko, pero hindi lumabas ang pangalan ko! Naku isang masamang senyales na bumagsak ako sa Exam. 


Nagbuntong hininga ako, habang nakasimangot. Napansin ng nanay ko ang hindi magandang resulta. Parang pinagsuklab ako ng langit at lupa dahil sa nakita ko. Hindi ko na alam kung ano na ang kinahinatnan para sa kinabukasan.  Ika nga Expectation vs. Reality, nawalan na ko ng pag-asa mangarap bilang isang CPA sa isang multinational company. Parang binasag na salamin ang pakiramdam ko. 


Sa isip ko ay parang isa akong talunan. Inaasahan ko makapasa, pero hindi naman nangyari. Kahit ilang oras at araw akong nagpupuyat para mag-aral. Mga ilang pagdarasal ko pa ang ginagawa ko sa araw-araw, kahit nagdasal pa ako ng tatlong beses sa isang araw: agahan, tanghalian, at hapunan. Wala namang mabuting resulta ang kinalabasan. Ano kaya ang iisipin ng ibang tao sa akin pag nalaman nilang bumagsak ako sa exam.  Ano pa ang trabaho mapupuntahan ko?  Babalik na naman ako sa buhay ng paghahanap ng trabaho katulad ng dati. At alam kong, talagang mahirap maghanap ng trabaho sa mga panahon na ito, dahil naranasan kong mag-apply, pero hindi naman ako matanggap.


" Anak, bakit? " tanong niya. " May problema ba? Bakit ang lalim ng hininga mo? May sakit ka ba? Sabihin mo na. " 


" Ma, hindi ako kasama sa mga nakapasa. Pasensya na, bagsak ako. Talagang mahirap ang exam...Paano na to?! " 


" Cayde, ipagpapasa-Diyos mo na lang. Hindi ka niya pababayaan. "


" Ma, parang pinabayaan na ko ng Diyos. Ginawa ko na lahat kahit nahirapan na ako. Gusto niya akong pahirapan pa ulit! Ano na ba magiging buhay ko? " 


" Anak, alam Niya yan. Siguro hindi pa ang tamang panahon para pumasa ka. May dahilan ang lahat. Ganyan talaga ang buhay. Minsan, hindi ka pagbibigyan. Laban lang , mag-take pa. "


" Ma, ayoko na...Gusto ko nang sumuko. " 





- Ipagpatuloy sa susunod na kabanata - 





INSANITY ONLINEWhere stories live. Discover now