Nasa opisina ako ng simbahan nang nagsimula ako magtrabaho. Inaasikaso ko ang mga financial records at mga iba pang dokumento na dapat tapusin. Nasa kompyuter ako at nagkikinig ng mga playlist ko sa YouTube, habang ako'y nagtatrabaho, para makalimutan ang kabiguan sa nakaraang CPA Board Exam ng tatlong araw.
" Cayde! "
Narinig ko ang boses ni Pastor Jay sa kabilang opisina. Mukhang seryosong usapan ito. Tumayo ako at kumatok sa pintuan.
" Sige, Cayde. Paki-bukas ang pintuan. "
Sumunod na lang ako at pumasok sa opisina ni Pastor Jay. Umupo ako sa upuan.
" Pastor ano po yun? " tinangong ko.
" Nabalitaan ko ang mga results ng CPA Board Exam, " sagot niya. " Hindi ka nakasama yung pangalan mo di ba? "
Tila ayokong sagutin ang tanong ni Pastor Jay. Nahihiya akong aminin ang along pagkasawi, dahil inaasahan nila na makakapasa ako sa exam at magiging CPA, ngunit hindi nila alam kung ilang beses akong nagsunog ng kilay at nagpuyat sa anim na buwan.
Sa umpisa, tinulungan ako ng simbahan upang makatapos ako ng pangalawang kurso sa kolehiyo. At ayun, nakatapos ako ng pag-aaral.Noong nakaraang taon, sinabihan ako ng Board of Deacons na kumuha ako ng CPA Board Review. Sa una, ayoko munang kumuha. Gusto ko nang magtrabaho sa ibang kumpanya. Subalit, sumunod na lang ako sa gusto nila. Ngayon, hiya at lungkot ang nararamdaman ko, nagbuntong hininga ako.
" Pastor, nahihiya ko pong aminin...."
" Cayde, huwag kang mahiya...."
" Bumagsak po ako...."
" Alam ba ng mama mo ito? "
" Kagabi pa po ito..."
" Cayde, alam kong marami Kang pagsubok na pinagdaanan, " wika ni Pastor Jay. " Hindi ka pinapabayaan ng Diyos, ngunit may dahilan ang lahat. "
" Bakit po niya pinadanas sa kin ito?! Pinapahirapan ba niya po ba ako? "
" Nalulungkot din ako para sa'yo. Yung nararamdaman mo ngayon ay para ka rin namatayan. Hindi pa huli ang lahat, Cayde. Malay mo sa susunod, re-take ka ulit. "
" Hindi ko na po alam, Pastor. Parang ayoko na..."
" Laban lang Cayde, huwag kang mawawalan ng pag-asa..."
(Abangan ang susunod na Kabanata.)
*Notes ni Awtor:
Mahigit anim na buwan na ko hindi nakakapagsulat dahil marami akong pinagkaabalahan, trabaho, nagsusulat ako ng Marvel Crossover fanfiction series at iba pa. Babalikan ko itong Tagalog Wattpad serye, kapag ginaganahan akong magsulat sa sariling wika.
Pangalawa, Salamat sa Quarantine period at sa bagong cellphone, marami na kong panahon magsulat kahit Work at Home ang set-up.
YOU ARE READING
INSANITY ONLINE
General Fiction" Definitely, I can help you with that....Eh, Lukung-luko na ba ako sa trabahong pinasukan ko?! " Kilalanin si Cayde Enriquez, isang frustrated na CPA in-transit, na nagtatrabaho bilang isang TSR call center agent. Makakapaghanap pa kaya siya ng tr...