April, 18, 1962Sa isang lugar ng Mindanao kung saan malayo sa kabihasnan. May isang bayan na kukunti lang ang mga bahay... Ang bayan ng "Hiwaga" ang tawag ng mga tao dahil sa marami daw kababalaghan ang nangyayari sa lugar na ito.
Isang gabi nang napakatahimik na paligid ay binulabog ng ingay ang isang bahay na may bagong panganak. Ang tahanan ng Familia Libertad kung saan kasalukuyang nagkakagulo pagkaluwal sa isang sanggol na babae.
"Halimaw!!"
"Nanganak ng halimaw ang asawa ng kapitan!"
"Isa itong pangitain!"Habang pinapaliguan ng may edad na babaeng hilot ang bata, ay nagsisigaw ang mga tao sa loob ng bahay.
"Ipatapon yan sa ilog!" Sigaw nung isa sa kapamilya ng bagong panganak. Samantalang hindi na pla humihinga ang elaw ng tahanan ng mga Libertad...
"Mahal? Mahal magsalita ka!" Lumuhod ang kapitan at binuhat ang pinakamamahal na may bahay. Lalo silang nagkagulo nang mapag-alaman ang nangyari sa bagong panganak.
Kaya nagmamadaling binalutan ng kumot ng may edad na babae ang bata at halos patakbong tinungo ang likod bahay, kung saan may malawak na hardin at tuluyang itinakbo ang "halimaw" daw na bata...
YOU ARE READING
"Desired Pleasure"
General FictionIsang mangmang na walang kalaalam alam sa tunay na mundo ng mga tao... At isang tinatakasan ang gulo ng mundong ginagalawan... The destiny will play their paths... What will might happen between two different people when cupid ignite them?